Prologue:
"Good Morning Maam What can i do for you?" tanong ng mukhang etchos sa empleyado ng kumpanya. mukhang etchos dahil nakabalot ang buong katawan ng office suit. ewan ko ba sa mga tao dito. mukhang feeling boss.
"Mag-aaply lang ako. saan ba ang boss dito?" tanong ko. at di naman nakasagot agad ang etchos na yun. kaya tinaasan ko siya ng kilay.
-insert pagtataray here-
"Sa...sa...sa 50th floor po follow me.."
"No need for followers ms. etchoserang naka office suit. alam ko naman ang 50th floor eh. mag-aaply lang akong managing assistant. at hindi naman ako bata na kailangan pa ng alalay. well i don't have much time para makipag-lokohan sayo. i need to go. BYE!" sabi ko with matching kindat. ayun, napanganga ang gaga.
Sa tono palang ng pananalita ng babaitang ito, sa tingin mo, makakakaya mo kayang pag-tiisan ang katulad niya?
Isang maldita at warfreak na planong mag-apply sa isang terror at striktong boss. makakaya kaya nilang pag-tiisan ang isa't-isa kahit na malayong-malayo near far far away ang ugali nila?
Chapter 1 "Tessa Bartolome, Reporting For Duty!"
Teresa Roberta "Tessa" Bartolome Point of View
Halos magkana-tisod tisod na ako makarating lang ng 50th Floor. bukod kasi sa sira halos lahat ang elevator dito, giba pa ang escalator, pati ang hagdan, nagkabako-bako na parang dinaanan ng lindol. hay Juice ginuo! sino ba ang may ari ng kumpanyang ito? sana pina-dimolish nalang nila 'to sa mmda ng wala na akong aakyating hagdan! pagkamalas naman kasi! bakit pa ako pilit na pinapasok ni Kuya Jeff dito sa letchugas na law firm na 'to eh di naman ako magkasya?! hay nakoww!
Kanina pa ako salita ng salita dito, hanggang ngayon di niyo parin ako kilala?! well eto na nga.
My Name's Teresa Roberta Bartolome, (bat kailangan pang sabihin Tessa eh andyan na nga sa taas yung pangalan mo oh? bulag much teh?) 29 years old. at isa akong Harvard Graduate na sa kabutihang palad eh nakapasa naman. pasang awa nga lang. saklap noh! pero at least nakapasa ang lola niyo! di man ako katalinuhan, may mukha naman akong ihaharap!
di gaya ng iba dyan, mukha na ngang kengkoy, gumagawa pa ng paraan para higitan ang ganda ko! hala mga shokoy try niyong sumali sa suffer sireyna at baka sakaling madiscover kayo! itsura nito!
Siya nga pala, kapatid ako ni Jeff Bartolome na isa sa mga lawyers ng firm na ito. Bata palang ako, gusto na niya akong magtrabaho dito sa Pearson-Hardman. ako naman si Inarte, hindi pumapayag sa gusto ng kuya kong maitim pa sa pwet ng kawali!
hay naku pasensya na kayo, Inaatake na naman ako ng pagiging laitera ko! well ako, ayoko naman talaga magtrabaho sa P-H. dahil gusto ko namang maging Model o Artista. pero malabong mangyari yung kahit maganda pa ako. Harvard pasang awa sinong tatanggap sakin nun? ni hirap nga ako gumawa ng thesis eh! script pa kaya? Halalulalu!
as of now, nakatira ako sa pinsan kong si Emily. sobrang bait ni Emily sakin. she didn't treat me like somebody else. at di niyo lang alam, kasama ko yan palagi sa time ng kalokohan! ah basta makikita mo sa mga susunod na chapters! trulalu!
at after ng mahaba kong introduction, sa wakas, nakarating na rin ako sa 50th floor. kaso ang problema, napudpod naman ang heels ko. mumurahin lang kasi! sa divisoria ko lang yan nabili tig 100! tinawaran ko pa yung tindera ang sabi ko...
"hay naku miss... minsan na akong nakabili dito 90 lang ang benta niyo sakin!" kahit hinde! hahaha uto uto pumayag naman! hmp!
at pagdating ko sa 50th floor ay may sumalubong naman saking medyo dark na lalaki. pero in fareness ah! kamukha niya si Richard Gomez! waa crush ko yun! grabe kinikilig na ang lola niyo... waaa!
"Excuse me, ikaw ba yung nag-aaply?" tanong ng lalaki. boses palang hawig na niya si RG! hay nakow!
"Yep, actually. ikaw ba ang boss dito?" tanong ko pero napalunok siya sa sinabi ko.
"Um.. nope. actually... he's on his office.. follow me." at sumunod naman ako. syempre di naman siya etchos eh! tsaka ang gwapo talaga super super!
Hanggang makarating kami sa office ng boss. una siyang pumasok sa loob at andun lang ako sa labas at naghihintay ng go signal. hanggang sa pinapasok na ako at pinakilala sa boss ko.
"This is..." at tumingin si Chard. don't tell me hindi niya pa alam ang pangalan ko?!
"I'm Teresa Bartolome, 29 years old, Harvard Graduate." pakilala ko with plastic smile. plastik talaga. as in P-L-A-S-T-I-K. paano eh mukha rin namang plastic ang mood niya? edi magplastikan kami!
"and she is your new secretary." sabi ni Gwapo pero a big WHAT? ano? secretary? akala ko ba nag-apply ako dito para maging managing asst.? si Kuya talaga! kung saan na naman ako nilipat na shift!
ang taas na nga ng aaplyan kong posisyon, bababa pa ako sa secreatary as in below sea level naka naman! TT^TT
nang marinig yun ng boss, tumayo ito sa kinauupuan niya tsaka tumingin sakin ng masama.
"What? she is the... kuya chard i don't like her!" sabi pa ng boss. aba aba aba! Chard ba kamo ang sinabi niya? tignan mo nga naman oh! magkamukha na nga sila ni Richard Gomez, magkapangalan pa sila! crush ko na talaga 'tong si Chard. sayang nga lang at di pa ako napunta sa kanya.
napunta pa ako sa walang kwentang boss. buti sana kung kasing bait siya ni Chard eh.. halos magkamag-anak yata sila ni Lucifer! grabe kahaba ng sungay, mahaba pa sa sungay ng baka!
baka may sungay? hahaha nice one tessa!
simulang-simula binubwisit na ako nito, pag ako napuno, isasabit ko siya sa puno ng acacia at ipapakain ko ang lolo niya sa mga unggoy!
hindi ko rin gugustuhing makasama siya ng matagal!
"Ay sir Richard? iam right? mukhang ayaw yata ah? pwedeng ilipat mo nalang ako sa ibang shift?" maayos kong tanong kay fafa chard. at sumabat naman ang boss na ito.
si Mr. Sabatero... sapatero!... sorbetero! Haha!
"Yeah richard that's a great idea. find me another and transfer her to other department!" son of a basketball player talagang kinarir niya ang pagiging sabatero! oo lang kuya ang laki ng naitulong mo sa ekonomiya ng bansa. push mo yan!
Umiling-iling nalang si Chard at nagpaalam na aalis na. pero ba pa siya makalabas ng opisina ng maarteng boss na yun, bigla namang may pumasok na babae. i don't know who she is, and i don't need to know her. i guess, pinatawag siya ng boss na yun. malamang ano? alangan namang pumasok lang yung babae ng walang dahilan! ano yun, magnanakaw?
manong pulis DAPA! lolx!
Tumayo yung babae sa harap niya at ganun din ako. sumenyas kasi sakin si Chard eh kaya sumunod nalang ako. habang yung boss, sige ka tingin sakin from head to toe! ano bang peg nito? mukhang chachansingan yata ako. di naman siguro. andyan naman si Chard sa labas.
"Amy, diba ang sabi ko sayo, ayokong gumagamit ka ng makapal na eyeshadow at make-up? ano ka ba talaga? paralegal o dancer? Next time, ayoko nang makita ka pang nakamake-up ng sobrang kapal. or else, you're fired."
"yes sir." sagot nung Amy at napalunok nalang ako.
"And you! Ms. Harvard Graduate, ang ayoko sa lahat yung maraming borloloy sa katawan! ano ka ba? mag-aaply na secretary ko o sexbomb dancer? remove that!" Grabe naman pala 'tong boss na ito napaka-pakialamero! eh ano naman kung makapal ang make nung Amy? tsaka ano naman ang pake niya kung magsuot kami ng maraming borloloy sa katawan?
Ano inggit much? kung maka-sermon parang daig pa ang school principal! che!
At dahil matigas ako, hindi ko tinanggal yung mga necklace at accessories ko. pero nabwisit na siya kaya siya na mismo ang nagtanggal ng mga hikaw at kwintas ko!
"Aray! bushet ang pupu!" i whispered. ang sakit naman kasi! kung makapanghila akala mong hinihila na pati balun-balunan mo!
"What? anong pupu?" hala narinig niya! nak ng teteng na ipinasok sa bunganga ng baka! paano niya narinig yun? eh halos hindi ko nga rin narinig yung sinabi ko eh?! nag hearing aid ba 'to?
"Ah wala po. ang sabi ko po, may pupu ka sa ulo." palusot ko. at kinapa niya rin yung ulo niya. uto-uto! hahaha!
"Anong pupu wala naman ah? niloloko mo ba ako?" tanong niya at tumango nalang ako.
paano ba naman kasi yung buhok niya, di mo malaman kung gel ba o tae yung nakapatong sa buhok niya! ganyan ba ang mga abogado? over kung makaayos ng buhok? kabanas lang eh!
pero obvious naman si Chard, natatawa sa mga nangyari!
