The following scenes where based on the author's own experiences. This story is not meant to be copyrighted.
"Alyas Michael"
Minsan ba sa tana ng buhay niyo e naniwala kayo sa crush at first sight? O love at first sight kung sabihin ng iba jan na nagkaroon ng forever dahil sa love at first sight na iyan? Ako kahit na may pagka-bitter sa pag-ibig e naniwala din sa crush at first sight, at nagka-crush at first sight ako, wala ng iba kundi kay alyas Michael (tulad ng nabanggit ko sa mga nakaraang kwento).
Dati, hindi ko siya napapansin. Kasi wala naman akong pakelam sa mga kaklase ko non pwera lang sa mga naging tropa ko. Hindi naman sa sinasabi kong panget siya, pero hindi yun yung punto, kasi gwapo siya. Gwapo si alyas Michael. Kinulang lang talaga siya sa height. Hindi naman siya maliit, pero hindi rin naman siya malaking tao. Para sa akin na 5 foot 5 inches, masyadong maliit sa akin ang ganong height niya. Halos magkasing-tangkad lang kasi kami, at konting konti lang ang lamang niya sa height kesa sakin. Para sa aking malaking nilalang, medyo hindi ko gusto yung mga lalaking mas maliit sakin, o singtangkad ko. Ang awkward non pagmag-kikiss kayo no (as if naman na magkakaroon pa ako ng forever para magka-kiss), ikaw pa yung magaadjust imbes na ikaw nalang yung titingala, demmet. Mabalik tayo sa usapang crush.
Nagsimula ang lahat sa simpleng activity na binigay ng aming butihing teacher sa politics. As much as I hate group activities, e napilitan pa rin akong makigrupo sa mga kaklase ko na hindi ko na nga close dahil nga wala naman akong pakelam sa kanila, e napalayo pa ako sa best friend ko. Pinaka ayaw ko talaga sa lahat enyung group activity, kasi ang palaging nangyayari ay, one fourth ng grupo ang gagawa at mag iisp, at three-fourth ng grupo ang magkukunwaring mag-isip hanggang sa yung one-fourth nalang ng grupo yung makkaatapos ng lahat. Pero nang mangyari ang pangyayaring ito, bigla ko nalang nagustuhan ang group activities kaya naman, dang it! Ang saya lang (wahaha!).
Napansin ko na agad siya nung una palang. Pinaghiwahiwalay kami ng bawat grupo ng teacher namin. Sa pagkakaalala ko, group 2 kami non. Nakita ko siya agad, nakaupo siya non sa pinaka dulo ng hilera ng upuan. At dahil saw ala ng maupuang iba non, at ang bakanteng upuan nalang e yung katabi niya, dun nalang ako umupo at pagkatapos ay binigay na ng teacher naming ang gagawin namin. Nung una, ako lang ang nag iisip ng pwedeng ilagay na sagot (kasi pag tinatanong ko yung mga kasama ko ang palagi nalang nilang sinasabi ay "hindi ko alam eee isip muna ako", sabi ko sa inyo eee kaya ayoko ng group activity) pero siguro nung napansin niyang wala akong mailagay, tinulungan niya ako. Which is (*claps**claps) isa sa mga 'gentleman' thing na gusto ko sa isang lalaki. Gusto ko yung tipong ganon, tutulungan ka ng kusa ng hindi ka na nagsasabi, yun lang naman. Sabi niya non siya na gagawa nung pang number three kaya naman ayun (babaw ng kaligayahan ko no). Then one time nung may sasabihin sana siya sakin, nagkatinginan kami ng mata sa mata. As in titig. Taena titig bes. Habang may sinasabi siya, nagkatitigan lang kami ng saglit. Tapos bigla nalang (booooom!), may nakita ako spark. Spark kasi may kung ano sa mata niya na parang nakakatunaw, at nakakaewan. Pero siyempre nung nahiya naman na ako kakatingin sa mata niya non, lumihis na ako ng tingin. At simula ng araw ng yon, crush ko na siya. Malamang isa to sa mga walang kwentang storya na nagawa ko, pero jan lahat nagsimula ang pagkakaroon ko ng crush pagkatapos ng dalawang taon na pagte-turn down ng mga lalaki, dahil dalawang taon din akong naging bitter dahil sa ex ko. We'll have another story for that (wahaha).
Lesson learned, wag ka titig sa mga mata ng kung sino man, baka tamaan ka din tulad ng nangyari sa akin. Taena pero swerte, gwapo eee (wahaha).
