108 Secret Techniques to Kill Boredom

Disclaimer: Hindi akin ang Gakuen Alice at The Ring. Period. Semi-colon. Dot. Nonal. Pero yung KuroNeko no Mai (Dance of the Black Kitty) akin yun. Swear! Peksman!


Chapter 1: The Ring and Song composing

Technique Number 1: Kung inaatok ka at desperado ka sa pag-ibig, subukan mo ang larong "The Ring"

"Nakakaantok naman," sabi ni Sumire. Buong araw na kasi wala ang mga guro dahil sa isang recreation trip sa unkown desert island.

"Hey, may laro akong alam! The Ring!" Sabi ng best friend ni Cat-Dog girl.

"Di ba horror movie iyon?" tanong ni Mikan.

"Huwag ka ngang makisabat sa hindi mo usapan!" sabi ni Sumire.

"Madali lang! Kailangan mo lang ng isang sing-sing, thread at pic ng taong pinakamamahal mo. Itali mo yung ring sa thread tapos, hold it over the pic. Kapag gumalaw ang singsing, destined kayo ng taong iyon. Kapag hindi gumalaw, hanggang friends lang kayo," explain ng unnamed besi.

"How stupid naman ng larong iyan," Sabi ni Natsume na may nakapatong na manga sa mukha.

"Ah, oo nga!" Sabi ni Sumire.

"Para ngang cute, eh! Subukan ko nga!" Sabi ni Mikan. Tinanggal niya ang singsing sa kanyang kamay. Ang first, last ang only regalo sa kanya ni Hotaru. Dahil wala siyng mahanap na thread, pinunit niya ang kanyang panyo at kumuha ng isang tali. Tapos, kinuha niya sa kanya wallet ang pinaka mamahal niyang picture ni Tsubasa at umupo sa upuan niya. In-execute niya yung ibang steps, pero hindi gumalaw yung singsing.

"Haah? Gumalw ka! Gumalaw ka!" Utos ni Mikan sa singsing. Wa-effect naman.

"Ahaha! Palibhasa, si Miss No Star ag gumagawa! Wala ka talagang pag-asa dyan sa crush mong uugud-ugod na!" Sabi ni Sumire.

"I'd like to see you do better! Kung kaya mo!" Sabi ni Mikan sabay belat sa kanyang top-two archenemy (si Natsume yung top one).

"Is that a challenge! Let's get it on!" Sigaw ni Permy sabay agaw ng singsing kay Mikan. Inilabas niya ang kanyang laminated, oil-free, fire-proof, water-proof at Mikan-proof pictures nina Natsume at Ruka. Sinunod niya ang instructions at tinapat sa pic ni Ruka ang singsing. Hindi ito gumalaw.

"Pfff…" Sinubukan ni Mikan na i-suppress ang laughter at the sight of Sumire na ginagawa ang lahat para gumalaw ang singsing.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Sabi ni Permy sabay hagis ng kanyang school-famous drop-dead-death-glare. Ang sabi ng iba kapag tuming ka raw sa mata niya, ikaw ay magiging isang statwa ng yelo. Pero wala pang nakakapag patunay nun. Itinapat naman niya ang singsing sa pic ni Natsume. Biglang nanginig ang singsing.

"Kitams! Mali kasi yung paggawa mo!" Pinagmalaki ni Sumire. After two minutes of panginginig, bigla nalang humito ang singsing.

"Huh?" Sabi ni Permy. After two seconds of staring, nahati sa dalawa yung singsing at nhulog sa sahig.

"Yung one and only regalo na binigay ni Hotaruuu!" Sigaw ni Mikan habang sinusubukang idikit ang dalawang parte.

"Ibig sabihin lang nun, hindi kayo bagy sa isa't isa. Sa pagkaka-alam ko, once in a century lang nangyayari ang ganoon," Deduce ni nameless best buddy.

"Ang sabihin mo, cheap lang yung singsing kaya madaling nawasak!" Palusot ni Sumire na hindi matanggap ang nangyari.

"WAAAHHH! Anong gagawin ko ngayon!" Sigaw ni Mikan.

"Sumiree-ee…" Sabi ng isang black figure sa likod ng malditang bata sabay tapik ng balikat nito. Nang tinignan ni Sumire kung sino man iyon, napa-sigaw siya ng sobrang lakas, nabingi yung mga kaklase niya at hindi nila narinig yung sumunod na mga sigaw ni Sumire.

Warning: Kapag nabasag ang singsing, ha-hauntingin ka ng isang nakakatakot na spirit kaya beware!


Technique Number Two: Kung magaling ka naman kumanta o kaya you wanna try something new, subukan mo mag-compose ng kanta.

"Haay… Ano ba naman iyan…" Sabi ni Mikan. Nakalipas na ang dalawang araw, pero wala paring bumabalik na guro. Inuntog ni Mikan ang kanyang ulo sa desk niya. Subconsciously, nakagawa siya ng isang maganda at catching na tono.

"Gawin ko kaya iyon kanta.. Pero tungkol saan?" Tanong ng brown-haired girl sa sarili. Nag-haaay uli siya at bumalik sa pag-untog ng kanya ulo. At the same time, nag-lalaro ng anima sounds sina Ruka at Yoichi.

"Dog," sabi ng munting bata na my nakakatakot na alice.

"Woof! Woof!" Sabi ni Ruka.

"Frog!"

"Ribbit! Ribbit!"

"Cat!"

"Meow! Meow!"

"Kshhh!" Sabi ni ng naiiritang si Natsume. Tapos lumabas siya at sinundan nina Ruka at Yoichi. Para talagang isang galit na pusa…

"Alam ko na!" sabi ni Mikan tapos sinubukan ang kanyang bagong kanta.

"Kulay itm ang pusa ko, Galit sa…sa… ah! Tubig! Ayaw maligo! Mahilig sa…sa… saan na nga ba mahilig ang mga pusa? Yarn ball? Maraming syllables… Kendi? Chocolate? Bubble gum? Fluff puffs? Teka! Mga favorite ko iyon! Daga? Masyadong common…" Sabi ni Mikan na inuuntog paring ang kanyan ulo. Yung mga ibang mga kaklase niya, nag-orange eating contest.

"Yea! Kailangan mong kainin yung buong orange para manalo! Kasama yung balat! Ready, set, GO!" Sigaw ng emcee. Sabay kinaan ng mga contestants ng sunud-suno ang sampung oranges na kailangan nila ubusin. Sa sobrang kamamadali, tumalsik ang juice everywhere pati sa kamay ni Mikan. Napahinto sandali ang headbanging session ni Mikn at tinitigan niya ang maliit na droplet of orange-juice-plus-spit-mix.

"Alam ko na! Mahilig sa kahel at ayaw ngimiti, 'yan ang pusa kong si… Ano bang magandang pangalan para sa isang pusa?" Tanong ni Mikan sa sarili sabay kamot ng ulo. Tapos, nag-karoon ng flash back. Kidnap… Reo… Warehouse… Permy… Natsume… Kuroneko…

"Okey! Yang ang pusa kong si kuroneko! Hya! Tapos na!" Sabi ni Mikan sa sarili. Sa sobrang tuwa sa accomplishment niya, napakanta at napasayaw siya.

Kulay itim ang pusa ko (nag-hop sa right foot tapos inilagay ang fists sa ilalim ng baba)
Galit sa tubig, ayaw maligo (nag-hop sa left foot, hands on the same position)
Mahilig sa kahel at ayaw ngumiti, (repeat step on line one)
'Yan ang pusa kong si Kuroneko! (hands on hips tapos kembot left, right,left,right)

Nag-tinginan ang ibang estudyante ng Elementary-B sa kaklase nilang tila nababaliw na.


a/n: Stupid… Kailangan ko lang maglabas ng mga ideya. Sensya na kung nakakabobo tong mga sinusulat ko. Oh, yeah… Kung mag-uupdate man ako sa Txtm8, siguro sa Pasko na. Mahirap pagsabayin ang pag-sulat sa pag-aaral. Kung meron man mga grammatical errors, wrong spelling, questions, violent reactions, suggestions and comments, paki-click nalang po yung 'Go' button diyan sa baba at sabihin, este, i-type(?) ang iyong galit. Salamt po.

Fudge: School, journal, work, project… Sayaw muna tayo!

Mikan: Sige! Ituro ko sa iyo yung kanta na ginawa ko! Yung 'Kuroneko no Mai'!

Fudge: Game! (simula ang music at sayaw tapos dumating si Natsume) Wheee! Gusto mong makisayaw? Magpaturo ka ke Mikan! Wheee!

Natsume: Shut up. Baka gusto mong makita yung version ko ng Melting Chocolate Waltz.

Mikan: Paano iyon?

Natsume: Madali lang. Kailangan mo lang naman ng isang authoress na may

'fudge' o kaya 'choco' sa pangalan. Mas maganda kung meron yung dalawa. Tapos kailangan mo lang ng isang malaking apoy… (binalutan ng itim na aura tapos nag-summon ng tatlong fire dragons)

Fudge: Uhh… (sweats buckets) Sige! Dyan na kayo! Me homework pa ako! Bye! (runs into the distance)