Hello sa inyo! I'm shad0wcat08! Ito ang aking 3rd time na gumawa ng isang fanfic. Ako pala ay isa sa mga masusugid na tagahanga ng kinababaliwan ng lahat mapababae, lalaki, bakla at tomboy na anime na……

NARUTO!


Mike enwrinkles: Maganda umaga, tanghali at gabi sa inyo mga Kanguso. Isang kagigimbal at world wrecking ang mangyayari po sa kwento na to. Tara na't alamin ang nasa likod ng kwentong ito. Andito po si Hatake Kakashi na mag-uulat. Kakashi PASOK!

Kakashi: Salamat Mike. Magandang umaga, tanghali at gabi po sa inyong lahat. Ang headline news po natin sa araw na ito ay ang tungkol sa isang super-sikat-na rookie na nagngangalang Hyuuga Neji Isang pangyayari po ang magpapabago sa buhay ng binatang ito na may puting mata. Isang cute na female ninja na team mate nya na sa kasamaang palad ito ang magiging katapat nya sa pagiging hard-headed nya. Ano ha? Tunghayan na po natin ang pangyayari sa kwentong pinamagatang parang aso't pusang lovers.

Italic-thought

Chapter 1: Sparring time

Isang magandang morning ang nadatnan ni Tenten pagkagising na pagkasing nito. Maaaninag sa mukha ng dalaga na talagang masaya sya ngayong araw na ito. She lifted her head and looked at the beautiful sky. Naririnig nya ang mga huni ng ibon na tila ba kinakantahan sya. Hindi nya alam na ang araw na iyon ay iba kaysa dati.

"Hay…ang sarap naman ng hangin…grabe ang sakit ng katawan ko dahil sa pag-ti-traning namin ni Neji at tska ni Lee kahapon."

Teka? May nakakalimutan ba ako? Para kasing may kailangan akong gawin ngayon na napakahalaga? Ano kaya yun?

Inilagay ni Tenten ang kanyang hituturo sa kanyang sentido at nag-isip ng nag-isip si Tenten habang palakad lakad sa kanyang kwarto.

"Aray…Ang sakit tuloy ng ulo ko kakaisip. Pero kahit mag-isip ako wala talaga akong matandaan eh. I wonder what it is…" sabi ni Tenten and with that she proceed to eat her breakfast and be ready for her daily walk.

Sa kabilang banda…

Habang si Tenten ay nag-iisip na naman kung ano ang nakalimutan nya, sila Lee naman at Neji ay nagpa-pratice para sa kanilang mission. Si Neji naman inis na inis na dahil kahapon pa nya sinabi kay Tenten ang tungkol mission nila pero hanggang ngayon wala pa rin ang dalaga.

Ah! Badtrip naman oh. Pahamak talaga yung babaeng iyon sabi ko sa kanya pumunta dito ng maaga tapos eto tirik na tirik na ang araw wala pa rin sya. Asan na kaya yung Tenteng kuliling na yun..

(ehehe TENTENG KULILING c",)

"Oi! Neji! Tara sparring tayo? Teka asan na kaya si Tenten? Tagal naman nya" sabi ni Lee. Si Neji naman ay katatapos lang wasakin ang 20'ng puno.

"…." Yun lang ang sagot sa kanya ni Neji

"Hay naku…nice talking ah…" sabi ni Lee na nainis sa behavior ni Neji

Halata namang nag-aalala si Neji kung nasan na si Tenten eh. Si Tenten naman ay kasalukuyang naglalakad sa may bandang kakahuyan.

"Anung ingay yon?" sabi ni Tenten kasi may narinig syang ingay na para bang mahuhulog na puno.

Tama nga sya! Pagtingin nya sa likod nya, isang puno ang malapit ng bumagsak sa kanya.

"Nyah!" sigaw ni Tenten na bigla namang tumakbo

Narinig iyon ni Neji at na-recognize nya na kay Tenten ang boses na iyon. Agad nyang pinuntahan kung saan nanggagaling ang boses. Natagpuan nya si Tenten na hinihingal.

"Oi! Ano nangyari sayo? Para ka kasing ewan kung sumigaw eh. Nakakarindi" asar ni Neji

"Ka…Kapal ah! Panung di ako hihingalin eh dahil sa pagwawasak mo ng puno muntik na akong mabaksakan ng isa. Kinabahan ako dun kala mo ba! Muntik na akong atakihin sa puso noh! Bakit papa-ospital mo ba ko pag-inatake ako? ha?" pinagsabihan ni Tenten si Neji na para bang sya ang nanay nito.

"Ako pa pagsasabihan mo? Hey! For your information ako dapat ang magalit sayo eh sabi ko kahapon may practice tayo ngayon at dapat maging maaga ka tapos ngayon darating ka dito magtatanghali na? May mission tayo bukas tapos…..Hmmph! Kung hindi kalang ka-team mate ko…baka" sabi ni Neji at tinalikuran nito si Tenten

"baka ano? Ha? Sige nga? Ano tara sparring tayo. Wag mong maliitin ang kakayahan ko." Sabi ni Tenten na naglabas ng tatlong kunai at nginitian nito si Neji

ang cute pala nya…teka? Ano cute? Hindi….naku baka mahalata ako

Napatingin si Neji kay Tenten at na-mesmerize sya sa mga ngiti nito. Pero natauhan rin sya dahil sa pagtapik ni Tenten sa kanya.

"Hello? Earth calling Neji? Do you hear me? Ano ba ginagawa mo para kang sira dyan eh" sabi ni Tenten

"Ako? nagpapatawa ka ba? May iniisip lang ako. Ako kaya si Hyuuga Neji. Tatanggapin ko ang hamon mo…pero…" sabi ni Neji at ngumiti ito, halatang may binabalak.

"Pero…." Sabi ni Tenten

"pero isang kondisyon…"tuloy ni Neji

"ano ba yon? Tagal mo naman…"sabi ng naiiritang si Tenten

"Pag ako nanalo, susundin mo lahat nggusto ko for the whole month. Ok ba?" sabi ni Neji

"ano! Alpha kapal muks ka rin noh?" sabi ni Tenten

"ayaw mo? Duwag ka pala eh kasi baka matalo kita, after all you're Tenteng kuliling" asar ni Neji

"WAG MO NGA KONG TAWAGIN NG GANYAN! NAKAKAINIS KA TALAGA BULAG!" sigaw ni Tenten kay Neji.

"Kung ganon, bakit di mo tanggapin ang inaalok ko?" sabi ni Neji

"O sige. Deal. Pero pag ako naman ang nanalo, Magiging katulong kita at paglilingkuran mo ko na parang prinsesa." alok ni Tenten

"Deal" sabi ni Neji and they close the deal

"Ready, Go!" sabi nila dalawa at naglaban na nga sila

Nilabas ni Tenten ang kanyang scroll na naglabas ng mga various weapons. Agad-agad iniwasan ni Neji ang pag-atake nito.

"Yan lang ba ang kaya mo?" sabi ni Neji na nagmamayabang

"YABANG!" sabi ni Tenten at umatake na naman ito pero tulad pa rin ng inaakala natin iniiwasan lang to ni Neji

"hahaha!" tawa ni Neji na parang baliw

Nakaka-aliw talaga pag nagagalit si Tenten. I really enjoy this stupid but cute little game of her.

"Tama na ang daldal!" sabi ni Tenten as she gathered all her other weapons at pagkatapos naglabas ng dalawang scrolls at nagperform ng..

"SOSHOURYU!" o mas kilala bilang rising twin dragons. Nagsimula ng umatake si Tenten. (or Soushouryu..di ko kaze maxado alam ang spelling nun eh)

"Aba! Tenten! Seryoso ka na ata!" sabi ng smiling Neji.

"Kanina pa! tanggapin mo to!" sabi ni Tenten at nagsilabasan na ang mga weapons mula sa scroll nya at ang aim ay si Neji.

"KAITEN" at yun ginawa na nya ang isa sa fighting style ng angkan ng Hyuuga.

As expected, mababablock ni Neji ang mga weapons dahil sa tindi ng kanyang guard. After ng ilang pang minuto naubos na ang weapon mula sa scroll ni Tenten. Halos maubos na ang chakra ni Tenten, dahil sa nagamit nya ang Soshouryu.

Nauubos na ang chakra ko.. isa na lang ang tanging paraan para matalo ko sya.. sabi ni Tenten

"Neji, Mag-hand-to-hand combat tayo." Alok na naman ni Tenten

"oh bakit? naubusan ka na ng chakra?" tukso nito..

"ang ingay mo!" sabi ni Tenten na handa ulit lumaban

Hindi lang sa paghawak ng mga weapon sya magaling. Sinanay rin nya ang sarili nya gamit lang ang taijutsu dahil hindi sa lahat ng oras magagamit nya ang ninjutsu at genjutsu sa pakikipaglaban.

Siguradong matatalo ko na sya! Aba! Ako yata ang nag-champion nun sa skul namin sa karate club namin at marami pa akong alam tulad ng kendo, even the technique of Kenshin Himura (aka. Battousai) na Hiten Mitsurugi alam ko. AHAHA! Nasa akin pa rin ang huling halak-hak HAHAHAHA! Sabi ni Tenten sa sarili nya

"O sige ba-" Neji's sentence was cut-off by Tenten

"hep-hep! Walang gagamit ng byakugan!" sabi ni Tenten

"Yun lang ba? O shige!" sabi ni Neji at naglaban na naman sila. Pinaulanan nya si Tenten ng kunai na nagbigay sa dalaga ng mga cuts.

Katulad ni Neji, pinaulanan rin ni Tenten ang white-eyes na guy ng mga suntok pero she failed coz he only dodges it. Lahat na ginawa nya pero hindi pa rin nya matamaan si Neji.

Ano ba to? Stop avoiding my attack Neji! Naiinis na ko! Slap no jutsu! With a combination of a kick and a punch.

(note: the slap no jutsu is not true. Just making some funny and cool technique)

At yun! Nakaisa na sya at tumalsik si Neji ng di naman ganon ka layo.

"Ha! Sabi ko sayo eh! Hindi mo ko matatalo ka-" natigilan si Tenten dahil sa may isang humawak sa kanya sa bewang na pinipigilan syang makatakas.

"Ano-" yun lang ang nasabi ni Tenten

"Hindi mo ako agad matatalo. Kung si Hinata nga na may byakugan'g katulad ng sa akin di ako natalo. Ikaw pa kaya? Nice try, slap no jutsu? It doesn't exist Tenten" sabi ni Neji na papalapit sa kanya

"Ang daya mo gumamit ka ng kage bunshin technique." Sabi ni Tenten na pilit kumakawala sa isang clone na Neji

"Ikaw rin naman ah..di pa slap no jutsu ka pang nalalaman" sabi ni Neji

Papalapit na ng papalapit si Neji and now, he's very close to Tenten. Si Tenten naman sa isang banda ay kinakabahan kung anong gagawin sa kanya ni Neji.

"Alam mo ang maganda ka pala pag sa malapitan.ehehe" sabi ni Neji na at the same time grinning.

"A-ano ang gagawin mo." Sabi ni Tenten na pilit na kumakawala pa rin hanggang ngayon.

"Ang ingay mo naman! Patahimikin kaya kita! Ayoko pa naman sa lahat yung sumisigaw" sabi ni Neji as he step forward and press his lip on hers but quickly pulled away.

"Ano na?" tanong ni Neji

…………..

Natahimik si Tenten

Oh my becha by golly wow! S-si Ne-neji..he just kissed me? Ba-bakit?

Her thoughts was interrupted by Neji.

"Oi panalo na ko" sabi ni Neji

"Anong sab-" reklamo ni Tenten

After that, Neji punched her in the stomach.

"I win" sabi ni Neji

"Ne-Neji!" sigaw ni Tenten at nawalan sya ng mawalay and before na bumagsak sya, Neji caught her.

"Yan ang new technique ko. Kiss-ni-Neji no jutsu!" sabi ni Neji at binuhat na nya si Tenten.

Habang naglalakad si Neji na dala-dala si Tenten in his arms nakita nya si Rock Lee.

"Tenten! Neji!" sigaw ni Rock Lee

"Anong ginawa mo kay Tenten…Ang napakagandang cornflower ng team natin parang nawala ang tingkad ng kanyang pagka-violet at mukha syang lantang gulay." Sabi ni Lee na para bang may gusto kay Tenten dahil sa pagsasabing isa itong cornflower

(Actually, la syang gusto kay Tenten, I think Rock Lee likes Haruno Sakura)

"wag mo nga akong pag-isipan ng masama! Nag-sparring lang kami at natalo ko sya. Gagamutin ko lang ang mga cuts nya. Wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sa kanya." Sabi ni Neji kay Rock Lee para di na ito mag-alala

"O sige! Bantayan at alagaan mo syang mabuti. Pakisamahan mo sya ng mabuti ah" Sabi ni Rock Lee

"Ok" sabi ni Neji

Ang gaan lang pala ni Tenten kala ko mabigat sya pano ba naman ang lakas nyang kumain talo pa nga nya si Naruto eh. Teka, San ko kaya sya dadalhin para gamutin at magpahinga sya sa kanila ba o sa Ospital? Pero since my house is near in this place, dun na lang siguro.

At yun nga dinala nya sa kanyang napaka-laking mansion si Tenten. Pagdating na pagdating nya sa loob ng kanyang bahay, sinalubong agad sya ng mga kikay nilang katulong at body guard na ewan.

"Master Neji, may maitutulong po ba kami sa inyo at sa iyong girlfriend?" tanong ng isang maid na katatapos lang magretouch.

"hindi ko sya girlfriend. Sabihin mo sa mga maid na ikuha ako ng isa sa mga medicine kit namin at iutos mo na maghanda ng pampaligo." Utos ni Neji

"Ganun po ba Master Neji. Pasensya na po.. iwan nyo na sya samin, kami na ang bahala.." sagot ng isa pang extrang maid na may napakakapal na blush on.

Pagkatapos nun, ipinaubaya na ni Neji sa mga maid ang unconcious na si Tenten.

Sa kwarto ni Neji……

"Eto na po Master Neji ang medicine kit at handa na rin po yung pampaligo" sabi ng maid. na medyo maayos-ayos kaysa sa iba

"Salamat.. Sige, paliguan nyo muna ng mga maid ang bisita ko at pagkatapos dalhin nyo ulit sya dito. Ako na ang bahalang mag-gamot sa kanya." Sabi ni Neji at pinaubaya muna nya si Tenten sa mga maid nya.

After a few minutes, tapos ng paliguan si Tenten ng mga maid at pinalitan na rin nila ito ng pangtulog. Then, they went to Neji's room.

Knock

"Master Neji." Tawag ng maid na nagbigay galang

"Pasok" sabi ni Neji na nakaupo sa isang chair na kung saan nagbabasa ng magazine

"Natapos na po namin ang pinagagawa nyo sa amin. San po ba namin dadalhin itong binibining ito upang makapagpahinga?" sabi ng isang maid

"ako na bahala sa kanya. Sige umalis na kayo at tatawagin ko na lang kayo kung may kailangan pa ako." sabi ni Neji at kinuha na nya si Tenten.

Nakaalis na ang mga maid nya and then he placed Tenten on his bed para magamot ang mga sugat nito na natamo. Dahan dahan nyang pinaupo si Tenten para masimulan na ang paggamot sa kanya. Tapos kumuha sya ng maliit na towel at nilagyan ng gamot para sa mga cuts. Pagtingin nya sa may bandang leeg ni Tenten, may nakita syang hiwang ngayo'y dumudugo.

Hiwa? Siguro yung mga kunai na pinaulan ko sa kanya ang dahilan kung bakit meron syang sugat sa leeg. Sabi ni Neji sa sarili

Pagkatapos nun, ang una nyang ginamot ay ang leeg ni Tenten na nagbi-bleed. So, Lumapit ng konti si Neji sa bandang cheek ni Tenten para makita ng mabuti ang cuts.

Bigla na lang bumukas ang pinto ni Neji at may pumasok. Si Hinata.

"Ku-Kuya Neji? Gomen! Di ko alam na kayo na pala ni Ate Tenten. Di ko sinasadyang maistorbo kayo. Alis na ko" sabi ni Hinata'ng nagbablush dahil sa nakita at dali daling lumabas.

"Hinata! Mali ang iniisip mo! Hinata!...Shit! ngayon kala ni Hinata hinahalikan ko si Tenten…Kainis" sabi ni Neji

Pagpasok ni Hinata sa sarili nyang kwarto, hinihingal sya.

"Si Kuya Neji at Ate Tenten? Ano ba ang ginawa ko? Pano yan baka magalit sa kin si Kuya. Pero di ko akalain na nagmamahal na si Kuya." Sabi ni Hinata

Yes! Finally! Parehas na kami ni Kuya! Hindi na kami ipapakasal sa hindi namin mahal! Si Ate Tenten at si Kuya Neji…ako at si…Na-naruto! Yes! teka...Bad Thoughts Hinata! Ano ka ba you shouldn't think that.

Sa kabilang banda…

"Dalhin nyo to kay Hinata. Sabihin nyo galing sa akin" bilin ni Neji sa maid at inabot nya ang sulat na ginawa nya para i-explain na mali ang inisip ni Hinata.

"Masusunod Master" sabi ng maid

"Hay…Naku..Ano ba ang gagawin ko sayo Tenten…" sabi ni Neji

Teka! Alam ko na! Pagtri-tripan ko muna si Tenten na to. Dahil sa pinaghintay nya ako ng matagal at di sumipot sa practice tuturuan ko sya ng leksyong di nya makakalimutan. EHEHEH!


Isa na naman pong kahindik-hindik na plano ang gagawin ni Neji kay Tenten. Sino kaya ang masisindak? Abangan na lang natin sa susunod na kabanata.