Nakushita Ai no Words

Lost Words of Love

Story by: Asura Shinrin a.k.a KOS Kohina

Theme: Yaoi/ Shonen Ai

Genre: Drama and Romance

Rate: T

(KOS' AFC Edition)

Note: I don't own the characters. This is a fan fiction and the scenes indicated here are all fictional and never exist in real anime series/manga. Ragnarok style based- story. Expect great alteration on each characters traits and gomen nasai for the grammars.

Preview:

Uzumaki Naruto, a young hunter and a newly graduate from the hunter's guild, was unexpectedly paired to a stranger named Hirano Sasuke for a dangerous mission on Moonbay Valley. At the first meeting, the blonde admitted that he likes the said guy so he easily agreed to accept the mission offered by Sasuke. Little does he know that the Hirano Sasuke and the so called-great assassin of Grus, Uchiha Sasuke was the same person. How can he accept the truth behind Sasuke's real identity? Is Sasuke the only one who hides his real self? What's is real story behind Naruto?

Series 1: SA UNANG PAGKIKITA

Sa isang tagong lugar sa Cygrus, ginganap ang paghirang ng mga bagong Field Hunters, isa na dun ang pinakabatang naging myembro si Uzumaki Naruto.

" Sa wakas isa na akong ganap na Field Hunter… pagkatapos ng seremonya na ito, agad akong pupunta sa tanggapan ng mga transaksyon at misyon…", nangingiting sambit ni Naruto sa kanyang sarili habang pinapakinggan nito ang talumpati ng punong tagapamahala ng guild.

Samantala, sa indi kalayuang lugar sa Hunter's guild, may isang manlalakbay ang tila naliligaw sa daan patungo sa mismong bayan.

" Ano bang lugar na ito? Kanina pa ako naglalakad … hay, makapagpahinga na nga muna… ".

Lumakad patungo sa isang gingko tree ang binata at umupo habang tinitingnan ang buong paligid.

" Kagubatan pa ito, tiyak maraming mababangis na hayop dito at mukhang delikado kung dito ako magpapalipas ng gabi. ", pabuntong-hiningang naisambit nya. " Makaidlip na nga muna, sana naman may isang angel na tumulong at gumabay sa akin patungo sa bayan…", pagkasabi nun'y agad na pinikit ng manlalakbay ang kanyang mga mata at natulog.

Pasado alas-dyes na ng umaga nang matapos ang seremonya sa mga baguhang Field Hunters kaya naman indi na nag-aksaya pa ng panahon si Naruto at agad na umalis sa naturang lugar. Sa daan patuloy na binabasa ng batang hunter ang nilalaman ng scroll kaya naman indi nya kaagad napansin ang isang bagay.

" Sana mabigyan agad ako ng misyon ni Sir- KYAAAH!!"

BLAG!

" Aray! Ano ba yun tumalisod sa akin... ", iritang sabi ni Naruto habang tinutulungan ang sarili na tumayo mula sa pagkakadapa nang biglang may isang boses ang narinig mula sa kanyang likuran at mga braso na gumagabay sa kanya sa pagtayo.

" Ayos ka lang ba? Hayaan mong tulungan kita... Miss..."

" Salamat pero indi ako... ", indi na natuloy pa ni Naruto ang mga sasabihin nya nang ibaling nya ang kanyang mga mata sa kausap.

Parang huminto ang oras sa mga sandaling yun nang makita ni Naru ang itsura ng binata.

" Ayos ka lang ba? ", pag-aalalang tanong muli ng lalake subalit hindi kaagad sumagot si Naruto sa mga sandaling yun. Abala sya sa katititig sa mukha ng kaharap habang halata sa kanya na namumula sya. " Ang cool at ang tangkad naman nya! Ang kulay ng mga mata at buhok nya... sing itim ng kadiliman sa gubat na ito...", papuri ni Naruto sa kanyang isip.

Tinitigan lang din sya ng mabuti ng lalake at nang walang makuhang sagot mula sa batang Hunter, ipinatong nito ang kanang kamay sa ulo nito na syang dahilan upang manumbalik si Naruto sa kanyang sarili.

" Hah?"

" Tinatanong kita kung ayos ka lang...Miss ", sagot nito sabay alis ng kamay sa ulo ni Naru.

" Ah? A-ano... O-oo! Ayos lang ako.. at saka indi ako babae... "

Bahagya naman nabigla ang kaharap ni Naru.

" Pano mo naman nasabi na babae ako? ", usisang tanong ni Naru habang pinagkrus ang mga braso sa dibdib at nakataas ang kaliwang kilay.

" Talaga? isa ka palang lalake... ang liit mo kasi at base sa napansin ko kanina kung makatitig ka sa kin parang kulang na lang himatayin ka ah...."

" Ano?! H-hindi ah! Nagulat lang ako! Oo, tama nagulat ako dahil wala naman dapat talagang gumagalang tao dito ", katwiran ni Naruto.

" Ganun ba? Ang masasabi ko lang masyado kang lampa para sa isang lalake at indi mo ba alam na naistorbo mo rin ang pagpapahinga ko", seryosong sagot nito.

" Aba't... Grrrr....Sumusobra ka na ah! ", galit na sigaw ni Naru. " Indi ako lampa at kasalanan mo kung bakit ako nadapa eh! Indi tama na dito ka natutulog! "

" Alam mo wala akong panahon makipagtalo sayo ", kalmanteng turan ng binata sa kanya na lalong nagpainis sa batang hunter.

" Pwes! maging ako rin! mas importante pa ang kausapin si Sir Kakashi kaysa sa mayabang na tulad mo! Bleh! ", inis na sagot ni Naru habang kaagad na pinulot ang scroll.

" Saglit sinabi ba nyang Sir Kakashi? ", gulat na naisip ng binata habang indi napansin na may binabalak pa ang batang hunter sa kanya.

" Tanggapin mo din ito! Uhm! ", sabay tadyak ni Naru sa binti ng kaharap at agad na lumakad palayo.

THUD!

" Aray! Hoy, sandali lang ", pahabol na sigaw ng lalake subalit patuloy pa din sa paglakad si Naru. " Naku naman, sya na siguro ang makakatulong sa akin... aray ko... Oi! Saglit lang bata! ", patakbong hinabol nito si Naruto.

" Badtrip! Nakakainis talaga! Bakit ba may mga taong mahilig humusga ng kapwa ni hindi man kilalanin mabuti... ", asar na nasa isip ni Naruto at indi namalayan naabutan na sya ng manlalakbay.

" Sandali, hintay naman... ", sambit nito sabay hawak sa kanan braso ng batang hunter.

" Pwede ba tantanan mo na ko? Wala akong— ", sa kakapumiglas niya sa pagkakahawak ng lalake naging sanhi pa tuloy yun ng indi inaasahan pangyayari, parehas silang naout-balance at natumba sa lupa.

BLAG!

Parehong nasaktan ang dalawa. Sa pagkakataon iyon, indi inaasahan ng dalawa nang dahil sa simpleng aksidente na iyon makukuha pareho ng dalawa ang kanilang unang halik. Halos indi makakilos ng mga oras na yun sina Sasuke at Naruto at tanging nagtitigan lamang ang kanilang ginawa.

"....."

"......... "

Lalo naman namula ang batang hunter ng mapansin nya na pumaibabaw pala sa kanya si Sasuke kaya naman indi na sya nag-atubili na sumigaw.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!

" Sandali lang indi ko— ", naputol ang sasabihin ng binata ng suntukin sya bigla ni Naruto sa mukha. Napahiga tuloy sya sa lupa at naisambit sa isip, " Araaayy! Ano bang kamalasan tong inabot ko " , (x_x)

" Ngayon palang masasabi ko na ayaw ko sa mga taong tulad mo! Hmp! ", inis na turan ni Naruto.

" Kung ayaw mo sa akin, kailangan naman kita... ", Pacool na sagot ng lalake habang pinapahid ang dugo sa labi.

Napalunok at namula lang si Naru nang marinig yun...

" Anong ibig nyang sabihin? ", sambit nya sa isip habang patuloy lang silang nagtitigan na dalawa.

TBC...