A/N: My first APH fic and it's in Tagalog of all things. In any case, hope you enjoy! This thing was originally posted over at hetalia_ph in Lj.

Ikamamatay ng Pag-ibig na Ito
Oneshot

Nakarating siya sa dulo ng sinag ng buwan sa damo nang lumingon siya sa akin at nagwikang, "Mahal ata kita."

Tumigil ako sa kalagitnaan ng pagsalba sa isang kuting na sumabit sa talahib at tumindig. Hindi ko naitago ng maiigi ang gulat sa aking mukha.

"...ano?"

Napansin ni Japan na narinig ko siya. Namula ang kanyang pisngi at bigla siyang nagkaroon ng malaking interes sa mga pusang sumusunod sa amin matapos magtagpo ang aming mga mata ng isang saglit.

"Japan?"

"Pakiusap, wala kang narinig."

Habang nakatitig ako sa likod na itinapat niya sakin, naisip kong hindi ako nagkamaling mahalin siya. Naisip kong hindi ako magsisisi, sa buong dantaong buhay ko't higit pa, na minahal ko ng lubos-lubos si Japan. Masakit na hindi ko mailabas ang tindi ng nararamdaman ko sa kanya. Minsan ako'y naiinggit sa mga mamamayan ng aming bansa, sa mga taong nakakayang magmahal ng todo at mahalin ng todo ang isa't isa, at noo'y nalalaman ko kung paano maging tao; isang konseptong mahirap intindihin kahit nasa tapat ng mukha namin bilang mga nasyon.

Pareho kaming di mahilig sa salita.

Napatingin ako nang humakbang si Japan papalapit sa akin, karga ang isang maliit na kuting na kamukha ng kaninang nabihag ng talahib. Hinawakan niya ang aking mga kamay, hinagkan bago pinasa ang pusang napulot sakin.

Hinintay ko siyang magsalita.

"Greece-san," panimula niya. "Pasensya na."

Huminga ako ng malalim nang sumandal siya sakin. Sabay namin pinagmasdan ang mga bituin.

Hindi. Hindi ko siya maaring mahalin pa ng higit pa kaysa dito. Kundi, ikamamatay ko ang pag-ibig na ito.

WAKAS

A/N: Ayun. Short, cheesy at nakakalula.