Author's Notes: Una kong Filipino fic. Inaamin ko, 'di ako masyadong nagsusulat sa Filipino, kaya sinubukan ko, at ito ang kinalabasan. Isinulat sa pananaw ni Haruno Sakura, tungkol sa pag-alis ni Sasuke. Sana magustuhan ninyo. Sana may magbasa nito, at magbigay ng review. Salamat. :)

Alaala sa Ilalim ng Buwan

Malalim na ang gabi...ngunit hindi pa rin ako makatulog.
Sa halip, narito ako, sa ilalim ng mga bituin, pinagmamasdan ang langit, ang kakaunting liwanag mula sa buwan ang tanging kasama.

Naaalala ko pa...

Isang gabing katulad nito noong...lumisan ka.
Iniwan ang Konoha.
Tinalikuran ang lahat.
Iniwan. Ako.

Hindi. Hindi na magbabago pa ang iyong isip kahit na pinigilan pa kita. Ano nga ba ako sa iyo? Kaibigan. At wala ng iba.

Hindi mo ba nakita ang aking mga mata?

Nang sabihin mong aalis ka na...

Luha. Unti-unting bumagsak sa uhaw na lupa.
Luha. Lumuluha muli ako...

Ngunit para saan pa ang mga luhang ito?
Wala. Wala na. Wala ka na.

Napaka...bulag mo.

Hindi mo nakita. Napansin. Ang mga luha ko noon...ngayon.

Mahal kita.

Kung nalaman mo kaya...sapat na ba iyon upang pigilan ka sa iyong pag-alis?
Marahil. Marahil hindi.

Hindi ko na malalaman pa. Hindi ka na babalik pa.

Narito ako ngayon, sa ilalim ng mga bituin, pinagmamasdan ang langit, ang kakaunting liwanag mula sa buwan ang tanging kasama.

Iniisip ka.

Malungkot.
------

End Notes: Naisalin ko na rin ito sa wikang Ingles. Siguro, saka ko na lamang ilalagay dito iyon, kapag nagkaroon uli ako ng oras. Yung mga nagbasa nito, abangan nyo na lamang iyon, kung gusto nyo rin mabasa yung nakasalin sa Ingles.