Tubig Bangketa
Oneshot
Dagling ipinigil ko ang isang malalim na buntong hininga. Naramdaman kong tiningnan ako ng masama ni Tsume pero pinalampas ko muna.
O sige, aaminin ko na sa ngayon, hindi talaga naming kailangan magmadali na parang inahing buntis sa paghahanap sa paraiso. Parang natural kong ugali nang magkaroon ako ng malay sa aking katauhan na hanaping parang desperadong uhaw ang paraiso, patawarin niyo na ako.
Siguro masyado na akong matagal na nabuhay, naiinip na ako…ganun.
O sige, hindi kailangan magmadali.
Hindi…
…kailangan—
Napahalakhak muli si Toboe, pambihirang panlabim-pitong beses sa buong maghapon, at mahigpit kong ipinigil ang nais maglupasay sa lupa sa inis.
Alam kong sinabi ko na hindi naman kailangan madaliin ang paraiso, ngunit malapit nang tuluyan gumuho ang mundo at isa pa, hindi lang kami ang naghahanap dito. Sa ngayon, dapat naming magkaroon ng alangan dahil ang kabilang partido ay mga bandido, o isang nilalang kung tuluyan nilang pinatay ang isa't-isa, na ubod ng masama at makasarili.
Totoo, hindi kami napasabak sa linggong ito ng aming paglalakbay. Noong mga nakaraang buwan, malagim ang pakiramdam namin dahil sa kundisyon ng aming pamumuhay at iilang matitinding rambulan laban sa mga humahabol at pumapatay sa tulad namin. Ibig sabihin na siguro naman pwede kaming umeasy-easy ngayon.
Tutal bibihirang Makita kaming masaya.
Pero…
"Walang'ya. Hige naman!" aking bulalas.
Natumba si Toboe sa kakatawa.
"Kiba!" ungol ni Hige, hindi makagalaw sa kanyang posisyon. "Maawa ka na!"
"Putek dalawang araw na!" Ah, malamang wala pa sa kanilang nakakita na akong nagkakaganito.
Pinagtatawanan na ako ni Tsume, sigurado. "Ayan kasi," sabi niya kay Hige. "Umiinom kung saan-saan. LBM ka tuloy."
Hindi ko napigilan ang aking buntong hiniga. Paraiso, stay ka lang diyan, parating na kami pramis!
END
A/N: Sorry sorry sorry kung may typo man! Kiba jargon throughout the whole fic, it all boils down to his impatience with Hige having diarrhea. LOL.
