Minsang May Isang Lampara
ni
Khee-Zee-Yah
Pag-didisclaimer: Hindi po akin ang Naruto. Hindi ko po inaangkin si Naruto. Wala akong inaangkin, maliban sa orig kong plot ng kwento.
'
Summary
Ang natitirang pag-aari ni Sakura ay ang antigong lampara na pamana sa kanya ng kanyang ina. Dito papasok si Sasuke, ang mayamang binata na trip mangolekta ng antigong items. Sa pagkakabuhol ng kanilang mga buhay, siya na ba ang prince charming para sa dalaga?
'
Teka!
-blah!blah!- : gawa ng karakter (ex. Teka!-chokes- me sasabihin ako –gasp for air-…)
blah!blah! : mga pagbabaliktanaw at mga whispers, at mga inner thoughts na rin. (ex. Sino ba ito?)
blah!blah: pag-eemphasize ng isang bagay…o kaya trip ko lang. (ex. Andito ang pamana ko…)
'
'
Isang malaking babala!:
Ang mga karakter dito ay puro OOC, kaya wag na wag kayong malilito sa tunay na ugali ng karakter nila sa anime series at sa ugali nila dito, kasi ang mga karakter dito ay napaka-far-to-reach sa totoong gawa ni Kishimoto. Anthonyms kumbaga.
'
Hay naku, let's start na sa ating kwento…
UNANG KABANATA
ANG SUMPA SA LUPA
'
'
Sa malayong bahagi ng Konoha, sa gitna ng mga bukirin at lubak-lubak na daan, ay makikita ang isang kubo na kapansin-pansin sa lahat. In fairness, hindi siya ordinaryong kubo. Sino ba naman ang hindi makakapansin sa kubo na iyon kung mayroon siyang dalawang palapag na yari sa yantok at bamboo, at sa bakuran nito ay makikita ang isang malaking inflatable na pool? Sa paligid ay makikita mo ang mga namumutiktik na bulaklak na sa unang tingin ay iisipin mong tila laging may magaganap na Santacrusan sa sobrang pagkamakulay ng paligid. At hindi lang iyan, tumingin ka lang sa hindi kalayuan ay makikita mo ang isang malaking gulayan sa gitna ng bukirin. Puno ng hitik na mga bunga, at isama pa ang mga bulaklak sa bakuran, mapapakanta ka talaga ng:
'
"Makulay…ang buhay…Makulay ang buhay, sa sinabawang gulay!"
'
'
Ito ang payak na tahanan ng pamilyang Haruno.
'
'
Binubuo ni Ginoong Haruno, Ginang Haruno, at ng kanilang the one and only na unica hija na si Sakura Haruno, sila ay namumuhay ng masaya at sabihin na rin nating payapa sa kubong ito. Simula ng maging mag-asawa ang dalawa at palayasin sila ng landlady sa kanilang inuupahang barong-barong at malubog sa dami ng utang, ay nakahanap ng tila isang 'sanctuary' ang pamilya sa katauhan ng isang abandonadong lupa hindi kalayuan sa Konoha. Sa sipag at tiyaga ng mag-asawa ay pinayabong nila ang lupain, at ngayon nga, kilalang-kilala ang kanilang tahanan sa buong bayan at kasama na rin sa pinupuntahan ng mga walang muwang na turista na tila for the first time lang nakakita ng kubo sa tanang buhay nila. At dahil dyan, nag-take advantage ang pamilya sa kamuwangan ng mga taong ito at pinagkakitaan nila ang pag-totour sa kanilang lupain. So, masasabi na rin nating maganda na nga sana ang takbo ng buhay nila.
'
'
'
Subalit, walang kwenta ang buhay kung walang conflict diba?
'
'
Isang taon na ang nakakaraan…
'
Naka-alis na ang huling batch ng mga turista sa kanilang tahanan, at papalubog na rin ang araw. Nagliligpit na ang mag-anak. Si G. Haruno ay kinukuha ang mga sinampay, si Gng. Haruno ay nagsisiga ng mga dahon-dahon sa bakuran, at si Sakura naman ay nagwawalis malapit sa kanyang ina, nang biglang may dumating na isang lalaking naka-turbano sa kanilang bakuran. Sa pag-aakalang isa iyon sa mga determined na turista na nahuli ng dating ay sinalubong siya ng ama ni Sakura.
'
"Ahhh…turban guy, were science becoz no acceptance is allowed anymore." Ang sabi ni G. Haruno with matching mala-sopranong tinig. Tila hindi pinalaking nakakarinig ng mga walang kawawaang english, napa-sweat drop ang lalaki sa narinig. Nagmamadaling lumapit si Gng. Haruno at nagpaliwanag sa lalaki.
'
"Ang ibig niyang sabihin ay pasensya na dahil hindi na kami maaring tumanggap ng bisita."
'
Tumingin sa kanya ang lalaki nang mahimasmasan sa mga pangyayari. "Hindi iyon ang ipinunta ko dito." Ang sambit nito.
'
"Then, you're a fake tourist?" ang tanong ni G. Haruno.
'
"Hindi!" ang sagot ng lalaki.
'
"If doesn't that the thing you went here, then what?" ang singit ulit ni G. Haruno. Tiningnan siya ng masama ng lalaki, kaya napatikom na lang siya ng kanyang bibig.
'
"Nandito ako upang bawiin ang lupa na nagmula pa sa aming lahi." Ang pagdedeclare ng lalaki na may kasabay pang background music na titled 'Dito Ba" by Kuh Ledesma.
'
'
Dito ba, dito ba, dito ba, o dito ba
Ang dapat kong kalagyan
Na isang sulok kong hiram
Sa ilalim ng araw
Dito ba and daigdig ko ngayon
Bakit ibang iba sa daigdig ko noon
Dito ba kung sa'n naroroon
Ang hinahanap kong wala sa panahon
Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw
Dito ba ako naaangkop
Sa paraiso ng walang kumukupkop
Dito ba naroon ang tagumpay
Magkabila'y ngiti, sa loob ay may lumbay
Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw
Kung saan kay lalim ng ng luha
Ligaya'y kay babaw
Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw...
'
'
Time naman ng mag-anak upang mapa-sweat drop. Lumapit si G. Haruno sa lalaki.
'
"Turban guy, I think you're being wrong because this lot was a bakanteng lote a long time ago." Ang pagpapaliwanag niya; anumang tindi ng ginawa nyang pag-alala sa mga past events ng buhay niya ay ang pagkakatanda naman talaga niya ay isang bakanteng lote ito na tapunan ng mga salvage victim sa Konoha bago nila ito tirhan.
'
"Hindi kayo naniniwala sa akin?" ang tanong ng lalaki. Sabay-sabay na tumango ang mag-anak.
'
"Hindi talaga?" ang pag-iinquire nya ulit.
'
"Hindi nga!" ang sabay-sabay nilang sagot.
'
"Syet!" ang bulong nito. "Plan B naman."
'
"Kung ganon, kalimutan nyo na ang sinabi ko dahil gawa-gawa ko lang iyon. Hindi ko nga pag-aari ang lupang ito. Ang totoo, ay nagagalit ako sa inyong mag-anak dahil nalugi ang bisnes namin mula ng maging sikat ang bahay ninyo! Wala ng turistang pumupunta sa amin dahil mas pinili nilang dito na lang pumunta. Porke't may inflatable pool kayo, at kami ay wala, ganoon ba yon…ganoon ba yon…SAGUTIN NINYO AKO?! AT WAG NINYO AKONG TALIKURAN!!!" ang sigaw nito ng makitang tinalikuran siya ng mag-anak at bumalik na sa kanilang mga ginagawa.
'
"Mister, diyan na lang ho kayo sa labas mag-monologue at may ginagawa kami dito eh." Ang sabi ni Gng. Haruno.
'
"Hoy! Wag ninyo akong dedmahin, harapin ninyo ako!" ang nanggagalaiti nitong sabi.
'
"We're busy." Ang sagot ni G. Haruno at aaktong ipapasok na sa kubo ang mga nakuhang sampay.
'
Sa pang-iindyan na ginawa nila, ay lalong nagalit ang mama. Biglang nag-dilim ang kapaligiran at biglang lumakas ang ihip ng hangin. Bumuhos ang malakas na ulan.
'
"Tandaaan ninyo ang araw na ito, simula ngayon ay mamalasin kayo, dadanak ang dugo, at magkakaroon ng mga kamatayan sa lupang ito. Ako ang magwawagi sa huli!!!" ang banta nito at saka nag-walkout. Kasabay nito ang tuloy-tuloy na kidlat. Ang lalaki na kanina lamang ay nag-lalakad palabas ng kanilang bakuran ay tuluyang naglaho sa dilim at hindi malaman kung saan nagpunta.
'
'
'
***
'
'
'
Tila nga yata nanggaling sa angkan ng mga mangkukulam ang naka-turbanong lalaki at pagkatapos ng paghaharap nilang iyon, ay unti-unti ng tinamaan ng kamalasan ang pamilya. Sa tuwing inililibot nila ang mga turista sa kanilang lupain ay may isa o dalawang katao na madadapa sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, mababagok ang ulo, at mamamatay. Kung medyo maganda naman ang araw at sinuwerteng walang nadapa ay may masusuwag naman ng isang homeless na kalabaw na pakalat-kalat sa may bukirin nila. In short, hindi matatapos ang isang araw na walang nagaganap na aksidente sa lupain nila. Dahil dito ay unti-unti hanggang sa tuluyan ng nawalan ng mga taong pumupunta ang kanilang kubo. At hindi pa yata contented ang kamalasang ito at ngayon naman ay dinapuan ng unknown disease ang ina ni Sakura.
'
Ngayong araw ay nagwawalis si Sakura sa kanilang bakuran nang marinig ang mahinang pagtawag sa kanya ng kanyang ina mula sa loob ng kubo nila. Mula ng mawalan na sila ng kostumer at magkasakit ang ina niya, ay siya na ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay, pati na rin ang pagtingin sa gulayan bisnes nila, dahil ang tatay niya ay lubhang na-depressed sa mga pangyayari at ibinuhos ang atensyon sa pagkanta sa karaoke bar ni Manong Iruka.
'
"Hay, bakit ba naging ganito ka-drama ng buhay namin? Parang sa pocketbook lang ahhh." ang tanong ni Sakura sa sarili habang umaakyat sa steps ng kubo nila. Nakahiga ang kanyang ina sa may papag habang nakapikit at umuubo. Unti-unti siyang lumapit dito.
'
"Nay, ano yun?"
'
"Anak, malapit nang bumigay ang katawan ko sa sakit, tinatawag na ko ni Lord." Her mother said breathlessly.
'
Napakamot na lang ng ulo si Sakura. "Nay, wala namang akong naririnig na tumatawag sa inyo ah, lalo namang wala tayung telepono. Eh halos lahat yata ng tao sa bayan ng Konoha ay may phobia na mag-tayo ng pay phone bisnes, kasi puputulan agad sila ng PLDT pag si tatay na ang umarangkada sa tsismisan."
'
Her nearly-to-death-nanay clasp her hand tightly.
'
"Mamamatay na lang u'ng tao…" Pero dahil na rin sa konti na lang ang time nya sa mundo, pinagbigyan na rin nya ang anak.
'
"Oh cya-cya, kunin mo yung sobre ng LBC sa ikalawang bayong na nakapatong sa papag malapit sa gulayan sa labas ng kubo natin."
'
She asked her nanay "Ano naman ang laman nun? At bakit ko naman yun kukunin?"
'
Sumagot naman si Gng. Haruno. "Basta –chokes- kunin mo na lang…"
'
Likas na ata ang kakulitan ni Sakura at tinanong na naman nya ang nanay nya, na hirap na hirap nang sumagot dahil sa lack of oxygen. "Ano ba laman nun?"
'
"Kunin mo na –chokes- kasi para –chokes- malaman mo."
'
Di pa rin nya tinigilan ang ina "Siyempre, just to be sure. Malay mo explosive device yung pakukuha nyo, di pa ko handang harapin sa Lord."
'
Ibinuntong-hininga na lang ni Gng. Haruno ang lahat ng huling hininga nya. "Anak ka rin naman ng nanay mo. Ewan ko ba kung saan mo minana yang kakulitan mo. Sa akin ba, sa tatay mo ba o sa tindero ng suka dyan sa bangketa. Sasabihin ko na nga. Ang laman ng bayong ay ang pamana ko sau…"
'
"Nay, may Alzaimer's disease ba kau? Anak nyo po ako! Atsaka sino u'ng tindero'ng un…teka uli…ano'ng pamana…PAMANA!"
'
At first, napatulala siya then mamayang konti, parang nabalatuhan ng kinse pesos sa jueteng kung makatalon sya.
'
"T-Teka, anak makini—" her mother said feebly nang hindi na nito matapos ang sinasabi dahil na rin sa sobrang excitement ng anak.
'
"Talaga? May PAMANA kau sa akin? Ba't di nyo sinabi agad sa akin? Asteeg!"
'
Bigla siyang nagmadali sa paglabas sa kanilang kubo.
'
"May pamana ako? Akala ko sa mga mayayaman lang nagaganap ang pamana-chenes na yan. Pero tingnan mo nga naman, mamayang konti ay mayroon na rin akong sariling pamana. Wahehehe. Ang dali naman ng ipinahahanap ni inay. Kung alam ko lang na pamana iyon, eh di kanina ko pa iyon hinanap."
'
Pag-labas ng kanilang 2-storey kubo, she scamper towards their gulayan, kung saan hitik sa mga naglalakihang papaya, kalabasa, kamatis at naghahabaang talong.
'
"Sabi kasi ni tatay, as long as you sing with your almighty heart, tutubo ang mga tanim namin, ewan ko nga ba kung bakit laging umuulan pag kumakanta cya…gusto kasi nya'ng ma-beat ang iskor na 70 ni Manong Gai sa karaoke bar ni Manong Iruka. Kaya siguro healthy tanim namin, hahamakin maging si Pacquiao kung pakyawin ang paninda namin."
'
'
'
After a few more minutes ng paglalakad at pahahanap, abot tanaw na ang ang papag nila.
'
She mini-maini-mo and picks the ikalawang bayong. Pagkabukas nya ng bayong, laking pagkagulat nya dahil walang laman ang bayong.
'
"Akala ko ba, andito yung pamana ni inay?"
'
Sa gitna ng pagtataka ng dalaga ay isang blonde na binata ang may bitbit na apat na bayong ang biglang kumanta ng " TUTUTUTUTUTUTUT, BIP BEEP BEEP, ANG SABI NG JEEEEEP!" habang papalapit kay Sakura. Napatingin ang dalaga sa papalapit.
'
"Ikaw lang pala yan Naruto." Ang bati niya.
'
"Sakura, pumili ka na sa mga bayung ko, ano LALABAN ka ba o BABAWI? Eto ang fefty thawsand pisuses." ang sabi ng kapitbahay at kababata na rin ni Sakura, as he thrust the bundle of money at her hands.
'
"Naruto, tigil-tigilan mo nga ako at tumatalsik ang laway mo sakin, kadirs ka talaga kahit kailan. Atsaka, ano itong inabot mo sa akin? Eh paper money lang eto." Aaregla sana si Naruto nang biglang dumating ang isang na mala-Mr. Suave na extra.
'
"Kayo ba si binibining Haruno? Eto ang padala sayo ng iyong ina galing sa LBC."
'
"Talaga? Tenkyu, akala ko nawala na ang dream pamana sa kin ni inay." Atsaka dali-dali siyang umalis pabalik sa kubo nila. Napabuntong-hininga na lang ang ating delivery boy.
'
"Hay naku tlaga, ano ba ang trip ng mag-inang iyun at nag-padala pa ng sulat sa kasambahay din nya…ang panahon talaga ngayon…"
'
"Eh whats your paki ba sa lives ng may lives nila? It's an excellent idea nga because it adds sweldo sau yon eh. –sigh- HAAAYY…dagdag sweldo, ang saya non diba?" He asked the man. Sa loob-loob ng mamang extra, "Sino ba itong taong ito at feeling close sa akin ahh."
'
"Oo nga naman…Oh sige, aalis na ko, mag-dedelivery pa ko sa kabilang bayan." ang sabi nya, sabay walk-out kay Naruto, pero biglang humarang ito sa kanyang dadaanan.
'
"WAIT A MEYNET NGA! MAY NAISIP AKONG EXCELLENT IDEA!"
'
Na-feel ni LBC man na may mangyayaring di maganda. "Pwedeng bukas na lang. May delivery pa ko sa…"
'
"BHAKEET? AYAW MO? EH DI LARO NA LANG TAYO NG PERA O BAYONG, DAGDAG SWELDU DIN UN!" ang sabi nya as he reach for his precious bayongs. Nataranta si manong, " Fota, ano bang nagawa ko at nakasalubong ko itong lalaking ito?" kaya ang unang pumasok sa utak nya ay:
'
"Teka! Look! There's a bird! There's a plane!" ang sigaw ng LBC D.B. (delivery boy in short) sabay turo sa himpapawid.
'
"TALAGA! WHERE!" ang hanap naman naman ni Naruto sabay tingin sa kalangitan. Nang walang nakitang sign ng bird o ng plane ay tumingin ito sa kausap. Pag-tingin nya sa D.B., ay tumakbo na ito palayo sa kanya. "Stuped!"
'
"TEKA! DAYA MO!" sabay habol sa D.B.
'
'
'
***
'
'
'
Sa may di kalayuan, ay may narinig si Sakura na mga sigaw:
'
'
"TEKA! HINTAY NAMAN! MAY OFFER AKO SAU!"
'
"MANAHIMIK KA! AYOKONG MARINIG ANG MGA OFFER MO!"
'
"ME PEDICAP AKO, GUSTO MO MAKI-RIDE KA SA KIN? FEFTY PISUSES LANG BAWAT RIDE! OH SIGE, ME DISCOUNT! 49 PISUSES NA LANG!"
'
"BAKIT ANG MAHAL NG RIDE?"
'
"DUH, MATAAS KAYA ANG PRESYO NG GASOLINA NGAYON!"
'
"WALA NAMANG GASOLINA ANG PEDICAB AHH…"
'
"PAKI MO BA?"
'
"WWWWWAAAAHHHHHH! MAY NAKAWALA SA MENTAL!!!"
'
'
At biglang natahimik ang paligid.
'
'
Napailing na lang ang dalaga. "Hay naku naman Naruto…di na pinaligtas yung mama."
'
Pagkarating nya sa kubo nila…
'
"Nay! Nakuha ko na ang pamana ko!"
'
Pagpasok nya sa loob ay bumulaga sa kanya ang malamig na katawan ng kanyang ina na mas malamig pa sa ice-cold pop cola. "Nay? Ayos lang kayo?"
'
Niyugyog nya ang balikat ng nanay nya "Nay! Wag na wag kau'ng made-deadz! I will pledge upon u'r grave na di na ko kukupit pa ng syete pesos para lang masilayan ko ang idol kong si Robin Padilla na bumibili ng ice-cold Pop Cola mabuhay lang kayo!"
'
Habang nag-plepledge ang ating bida, biglang umentra ang ama sa eksena, bitbit ang kapipitas pa lamang na kalachuchi sa kalapit bahay, at tumigil sa tabi ng lamesa malapit kay Sakura.
'
"Honey Babes! Andito na ang personalize kabaong mo, kasama ang profesyunal make-up artist na mag-memake-up sa iyo, bakit di mo pa hinintay!" ang dumadagundong na mala-sopranong bungad ng ama, while sa di kalayuan ay pinapasok na ang ataul na mala-limosine ang dating ng mga kargador.
'
"Tay! –hikbi- Patay na –hikbi once more- si Inay! Huhuhu…"
'
Nagulantang sa G. Haruno. Nabitawan ang dalang kalachuchi sa semento, ay nagmamadali siyang lumapit sa tabi ni Sakura at niyugyog ang asawang nakahiga sa papag.
'
"Honey Babes? Are you deadz? Or you're making yourself pirated to fool me and you're one and only daughter?" ang sunod-sunod na tanong ni G. Haruno. Ilang minuto pa ang lumipas. Nang walang narinig na reply sa asawa ay unti-unting tumayo si G. Haruno at lumapit ng slow motion sa kabaong. Samantala, ang isa sa mga nagbubuhat ng kabaong ay biglang binitawan ang kabaong ng walang pasabi at nanatiling nakatayo lamang. Muntik ng mahulog ang kabaong.
'
"Pakyu! Ang kabaong ni inay, ingatan nyo!" ang sigaw ni Sakura sa mga kargador na natitirang nagbubuhat ng kabaong. Isang hinding inaasahan ang nangyari. Ang mukha ng kanyang ama ay biglang nagliwanag ng magkaharap sila ng lalaking kargador na nakatayo na infairness ay gwapo naman, at bigla silang nagyakapan.
'
"My loves! We're free! Pwedeng-pwede na tayong magpa-marriage!" Ang kaninang mala-sopranong boses nya ay biglang naglaho. Sa isang gilid naman, ay napatulala si Sakura sa mga pangyayari.
'
"Itay…anong ibig sabihin nito? I-explain nyo ito agad-agad!" ang nasambit ni Sakura na naka-recover sa biglaang turn of events.
'
Napa-roll na lang ng eyes ang tatay niya.
'
"Di mo pa rin ba ma-gets? Juice ko naman! Here –sabay wave ng ala-Sandara Park- are these clues enough?"
'
Napaisip ang dalaga. "Tay…kamag-anak natin si Sandara Park? Koreano tayo?" ang hula nito at saka napapalakpak. "Yehey! I'm half-Korean!" Napakamot ng ulo ang tatay niya. Napatingin sa lumang baul sa sulok, nagtatakbo siya at kinuha ang baul at iniharap kay Sakura.
'
"Oh ito, tingnan mo ang laman ng baul na ni minsan ay hindi ko ipinakita sa inyo ng ina mo." At saka nito binuksan ang baul. Napasinghap ang lahat, maging ang ibang kargador at make-up artist na ang tanging misyon sa bahay na iyon ay ang make-up-an at ilibing ng maayos si Gng. Haruno, subalit sa halip ay nagsilbi silang audience sa mala-teleseryeng eksenang nagaganap sa pagitan ng mag-ama.
'
"M-mga...p-pant-ty…a-at…b-bra…itay, w-wag nyong sabihing nagkaroon kayo ng kabit?!" ang walang kagatol-gatol na tanong ng dalaga. Sa narinig sa anak, ay hindi na napigilan ng ama na maglupasay sa sahig sa tindi ng hirap na mag-explain sa anak.
'
"Sakura, makinig ka. Isa akong bisexual! Bisexual! Intyendes?!"
'
Sa narinig sa ama, ay naintindihan na rin ni Sakura ang lahat. Natulala ito at napasalampak na rin sa floor. Nag-take advantage ang ama sa biglaang pag-ka-off guard ng dalaga, tumayo itong bigla.
'
"My unica hija, hindi na tayo pwedeng tumira dito."
'
"A-Ano?" ang naguguluhang tanong ng dalaga. Hindi na makaya ng mentalidad niya ang sunod-sunod na sudden turn of events sa buhay niya. Kanina lang, may pamana siyang natanggap, tapos bigla nalang namatay ang motherdear niya, then nalaman na lang niya na isa palang bisexual ang tatay niya, at ngayon naman ay hindi na sila pwedeng tumira sa kubong sinilangan at kinalakihan niya. Ano pa ba ang susunod?
'
"Nabenta ko na ang lupang ito, ang two-storey kubo natin, kabilang na ang mga gamit natin at ang inflatable pool natin, para magtanan kasama ng Ronaldo ko." At nagstep forward ang kargador na sinasabi ng tatay nya. Sa pagkakarinig niya sa sinabi ng ama, ay hindi siya belong sa 'operation tanan' ng dalawa.
'
"P-Pero, paano ako?"
'
"My unica hija, malaki ka na. You can cope na. Okay, babush na!" sabay hakot sa mga gamit sa 2-storey kubo nila. After a few moments of shock, napatingin ang ating bida sa kanilang bahay.
'
—wala ng gamit sa bahay nila, as in simot…-lumabas sa bakuran- pati na rin ang ataul ni nanay, nailibing na. Me bonus pang R.I.P. at kalachuchi.
'
'
'
"HHHHIIIIIIINNNNDDDDIIII!!!!!"
'
Ayan ang buhay ni Sakura sa ating istorya.
'
Ano na kaya ang mangyayari sa ating bida? Saan na siya mapupunta? Paano na ang gulayan bisnes nila? Saan naman kaya balak magtanan ng kanyang ama at ng kargador na si Ronaldo? Totoo kaya ang sumpa sa kanila? At sa turbano ba talaga nanggagaling ang kapangyarihan ng lalaking nakaturbano?
'
Antabayanan ang magaganap sa susunod na kabanata.
Khee-Zee-Yah
