Apple in My Mouth
Originally written by: Maribel Caramutan
I am not the one who wrote this epic story; publisher lang role ko dito.
I was asked by the author to change the names of the characters as publishing the real names is way too risky and may cause …conflicts.
MGA TAUHAN:
Zai–isang malusog at masiyahing dalaga
Prinsipe Brill –makisig at payatot na binata
Kuko –magaslaw at mapagmahal na dalaga
Tibo –kasintahan ni Kuko; babaero
BT –dating kasintahan ni Tibo; isang magaling na mahikera
Maginoong Mar –tanyag na mahikero; may lihim na pagtingin kay Felicia
Maine –kasintahan ni Mar; mahinhin at tahimik
Felicia –matalino at mabait na dalaga
Eazy –palabirong dalaga
Pareng Jumar –fling ni Eazy
Don James –katambal ni Eazy sa eleksyon
Mari –maliksi at mabait na dalaga
Dolly –isa sa tatlong mahikera; mahilig mag-negosyo
SpongeBob –kasintahan ni Dolly; misteryoso
Jane –isa sa tatlong mahikera; mahilig magtinga
Ebs –isa sa kambal na mangkukulam; nakakatakot at maliit
Jebz –isa sa kambal na mangkukulam; nakakatakot at malaki
Hope –malakas at masiyahin
Ida –mahinhin pero masiyahin
Kapitan J –may gusto kay Eazy at sideline niya ay ang pagpapatawa sa sitcom na "Everybody Hapi".
Porkchop –katiwala ng kambal na mangkukulam
KatutuONE
Noong Jurassic byears pa, may isang mahiwagang isla ang matatagpuan sa pagitan ng islang Maxwell at kapuluan ng mga guro sa ilalim ng hagdang-hagdan na bato. Ito ang "Archimedes Islands of the Freaks". May kaliitan lamang ang isla kaya naman kakaunti lang ang mga tao dito. Dahil nga kakaunti lang ang mga tao, kilala na nila ang isa't isa.
Simpleng Bahay ng Singkong Marias –ito ang pagmamay-ari ng 5 magkakakaptid na pawang mga babae. SIla ay sina Kuko, Mari, Zai, Eazy at Felicia. Si Kuko ang pinakamagaslaw, Si Mari ang pinakamaiti… pinakamaliksi, Si Zai ang pinakamalusog a.k.a pinakamataba, Si Eazy ang pinakamasiyahin at si Felicia naman ang pinakamaabilidad.
Kakaibang Pahingaan ng 3 Little Fairies –Ito ang tirahan ng 3 maliliit na mahikera na sina BT, Jane at Dolly. Ang tatlong ito ay pawang mga fairiresb at entrepreneurs Si BT ay mabilis mag-init ang ulo samakatuwid ay lagi siyang Bad trip. Si Jane ay mabilis kumain at si Dolly naman ay mabilis makabenta ng mga iba't ibang tinda nilang potions.
Bahay Mahika ni Maginoong Mar –Ito ay kay Maginoong Mar at ang kanyang asawang si Maine. Si Maginoong Mar ay tanyag na mahikero at si Maine naman ang kanyang tanyag na mahiyaing asawa. Hindi sila magkaanak dahil sa lagging abala si Maginoong Mar sa paggawa ng iba't ibang potions upang malabanan ang kakompetensyang mga fairies.
Dormitoryo ni Don James –Ito ay pagmamay-ari ni Don James na kilalang mayaman na pulitikong katambal ni Lizelle. Dito din nakatira si Hope at Ida, Tibo at SpongeBob at marami pang Archimedians. Ang pinakasikat na boarders nito ay sina Hope, Ida, Tibo at SpongeBob. Si Hope ang dance mistress ni Chip, si Ida ang super active na rocker, si Tibo na isang ballerina at si SpongeBob na isang sundalo sa isla ng Hertz. Dito din nakatira ang bestfriend ni Don James na si Pareng Jumar na mahilig magblentungan at may lihim na pagtingin kay Eazy.
Bahay-Bahayan ni Kapitan J –Ito ang pinakamalaking pagmamay-ari ni Kapt. J, ang pinakakakatwang pirata dahil sa mukha siyang payaso. Mahilig siyang mag-alaga ng mga pusa kaya naman amoy pusa hindi mo maintindihan ang bahay niya. Idol niya si Long Mejia na kanyang ama.
Palasyo ng Kambal na Mangkukulam –Ito ay pinaghaharian ng kambal na mangkukulam na sina Ebs at Jebz. Si Ebs ay maliit samantalang si Jebz naman ay malaki. Identical twins sila kaya parehas silang nakakatakot. Sila ang panggulo sa buhay ng mga Archimedians. Kasama nila ang kanilang katulong na si Porkchop na isang nakakainis na kuba. Feeling niya maganda siya pero mukha siyang pwet ng kalderong sunog. Di mo aakalain na merong kasamang prinsipe ang dalwang hayop na to. Si Prinsipe Brill, payatot ngunit makisig, ay naging pambayad ng kanyang mga magulang sa pagkakautang nila sa kambal.
Dito sa "Archimedes Islands of the Freaks" mangyayari ang lahat ng scenes na hindi mo aakalaing mangyayari. Dito magsisimula ang lahat.
