Pinoy Pirate Bleachers
by Shupatembang
Ang sinasabi sa propesiya. Magtatapos na daw ang buhay ng karagatan kapag nagkasundo ang dalawang panig kung saan pinaniniwalaang ang kapangyarihan ng kababaihan sa kalalakihan ay magbubuklod.
Sa isang malaking barko kung saan naninirahan ang mga kababaihang mga Pirata. Sila ay nagsasalo-salo.
Aimee: Sino pa may gusto ng Sake?!
Layla: Wala namang gumagalaw ng sake dyan, puro softdrinks ang iniinom natin.
Kat: Eto sakin gatas. Ayaw ko din ng softdrinks.
Abi: Ok lang yan, itago na lang natin ang mga matitira. Ibenta na lamang sa unang isla na makikita natin.
(Tuloy lang ang kasiyahan sa loob ng barko, madaming pagkain ang nakahain at may malakas pang tugtugan. Halatang naiistorbo na ang mapayapang karagatan.)
Sa isang iglap. Biglang napansin ng isang Pirata ang isang kakatwang tunog.
Kilala si White Sun sa kanyang pambihirang lakas ng pandinig.
"Teka muna" bulalas nya. Habang sinusundan ang pinagmulan ng kakaibang tunog.
Sumilip sya sa karagatan, nakatanghod sa matarik na barko.
Katulad ng kanyang iniisip. Mayroon nga syang nakitang nakalutang na nilalang na tila ba wala ng buhay.
White Sun: Kapitan Abi, madali kayo! sigaw nya.
Agad naman sumoklolo ang Kapitan.
Tinulungan ng mga kababaihang pirata ang nilalang na animo'y wala ng hininga.
Tsuki-hime: Isang lalaki! ang hindi nya mapakaling sambit.
Asica: Ano gagawin natin sa kanya? Itapon na lang natin ulit sa karagatan.
Mahahalatang hindi natutuwa ang mga kababaihang pirata sa mga lalaki dahil natatakot ang lahat sa pinaniniwalaang propesiya.
Tweety: Pero bakit ganyan ang mukha nya? Hindi siya mukhang lalaki. Wala nga syang buhok sa dibdib. Wala din siyang balbas o bigote. Wala din syang buhok sa kili-kili nya. Paano naman yon nangyari?
Payucute: Wala pa din akong tiwala sa kanya. Ikulong na lamang natin sya sa ating piitan.
Rukiashirou: Sang-ayon ako sayo.
Biglang inapakan ng kapitan ang dibdid ng lalaking walang malay na mukhang nalunod sa karagatan.
Tila ba ay nagkaroon ng isang bahaghari mula sa tubig na lumabas mula sa bibig na walang malay na nilalang.
"Ohoohuohoo".
Pag-ubo nito ng malakas pagkatapos maibuga lahat ng tubig.
Aimee: Okay ka lang ba? Gusto mo ng Sake?
Layla: Bakit ka ba mabait sa kanya?
Miss: Ihahanda ko na ba ang piitan?
Abi: Magtanong muna tayo sa kanya. Doon natin malalaman ang hatol para sa kanya.
Kat: Ano ang pangalan mo? pagtatanong ng batang pirata.
"Ako? Hindi ko maalala, pero parang Beki ang naaalala ko?" sambit ng estrangherong nilalang
Rukiashirou: Beki ba kamo? Medyo hindi kagandahan sa pandinig ko. Sabi ng lola ko, ibig sabihin daw non ay katulong?
White Sun: Nag-iimbento ka lang Rukia. Hindi ko pa narinig ang sabi-sabi tungkol dyan.
Rukiashirou: Kahit itanong mo pa sa Lola ko. galit nitong paliwanag.
Naamoy ng lalaking Beki ang mga pagkain at madali siyang sumugod sa hapag at dali-daling kumain.
Asica: tingnan mo nga, parang patay-gutom oh.
Miss: Kawawa naman sya, mukhang ilang araw na ding hindi kumain.
Tsuki: sa tingin ko sa kanya, ilang araw na din syang walang malay.
Kat: Kapitan, ano na po ang plano natin sa kanya?
Abi: Pabayaan na muna natin sya.
Matapos maubos lahat ng handa. Lalong nagalit ang ilan sa mga babaeng mga pirata dahil dito.
Asicatsum: Gusto mo na ba magpaliwanag?
White Sun: Hayaan mong ako, "Hindi ka pa ba magsasalita??!!" pangkukuyug nya dito.
Beki: Ang totoo kasi nyan, wala akong maalala. Salitang beki na lang ang nanatili sa aking ala-ala, wala na akong ibang maalala pa bukod don. "Ipagpaumanhin niyo po". nangingislap ang mga mata ng beki.
Abi: Sige, naniniwala ako sayo. Ngunit hindi biro ang mga nakain mo. Malaki ang mawawala sa aming mga pagkain kung dito ka muna titigil. Marahil ay kailangan mo itong bayaran sa pamamagitan ng pagsisilbi, pagliligpit at paglilinis ng aming barko.
Layla: Yun lang ang parusa nya?
Aimee: Medyo hindi ba delikado yan Kapitan?
Kat: Bawal magtagpo at magkasundo ang babae at lalaking Pirata hindi ba?
Abi: Hindi pa naman natin sigurado kung Pirata nga siya. Atsaka wala pa syang naaalala.
Bakit hindi natin siya tulungan hindi ba?
Kinagabihan, nakatitig ang lalaking estranghero sa karagatan. Mukhang may malalim na iniisip.
Hindi nya namamalayan na pinagmamatiyagan sya ng ilan sa mga babaeng Pirata.
Etong sina White Sun, Asicatsum, MissHimitsu, Tsuki-hime, Kitsu, Rukiashirou at si Payucute.
White Sun: Mukha talaga syang babae ano?
Asicatsum: Hindi naman, medyo parang malamya lang kumilos.
Payucute: Duda talaga ako dyan sa tao na yan.
MissHimitsu: Wag naman tayo masyadong magbintang.
Rukiashirou: Ano kaya kung itumba natin habang wala pa dito si Kapitan?
Kitsu: Lapitan na lang natin sya.
Tsuki: O sige, tara.
Papalapit pa lamang sila ng magsalita ang mga lalaki.
"Napakabanayad ng karagatan, parang may ibinubulong sa akin ngunit hindi ko maintindihan.
Animo'y isa akong sanggol na hindi maunawaan ang ipinahihiwatig nito. Nakakalungkot isipin na parang andito nga ako at nabubuhay ngunit wala namang saysay dahil sa kawalan lamang ang namamayani sa aking isipan"
Nang maramdaman nya ang presensya ng kababaihang pirata ay napalingon siya at nagwika.
Beki: Gusto nyo bang uminom muna ng kape, ipaghahanda ko kayo. Nakangiti nyang sambit.
Walang nagawa ang mga kababaihan kundi ang tumango na lamang sa alok nito.
Nakaramdam sila ng pagsisisi dahil napatunayan nila sa sarili na wala talagang kamuang-muang ang lalaki na gusto nilang alisan ng karapatang mabuhay.
Samantala nagpupulong sa isang silid ang iba pang miyembro ng Piratang kababaihan kasama ng kanilang Kapitan.
Aimee: Hindi ba kayo nababahala na baka isa siyang Pirata?
Kat: Ang inaalala ko nga ay ang propesiya.
Layla: Sa tingin ko naman ay hindi sya pirata. Mukha syang anghel at hindi gagawa ng masama.
Tweety: Hindi niyo ba nalalaman na nakakabulag ang panlabas na kaanyuan?
Kat: Hindi ako nabubulag. Nakikita ko sa kanya na isa syang lalaki na maaaring maging Pirata.
Pinatuloy pa natin sya sa ating barko. May mali akong nakikita sa nangyayari dito.
Abi: Nung makita ko ang mukha niya, walang pagdududa ang pumasok sa aking isipan.
Ang tangi ko lamang naramdaman ay ang mabigyan siya ng tulong. Wala akong naramdamang masamang aura na nakapaligid sa kanya. Kung nawalan nga siya ng ala-ala at isa syang masamang nilalang, marapat lamang na naramdaman ko ito. Ngunit pawang malinis na reiatsu lamang ang nakapalibot sa kanya.
Kinaumagahan…
Nayanig ang barko na sinasakyan ng mga kababaihan.
Sabay-sabay na napabangon, meron ding mga nahulog sa higaan at mga nagpagulong muna bago nakatayo.
Abi: Ihanda nyo ang mga armas! Mukhang may sumasalakay sa atin. Inilabas ang kani-kanilang sandata.
Pagkalabas ay nakita nila ang isang di kalayuang barko na halos kasing laki ng kanilang barko.
Ang nakakapangilabot dito, ay ang marka sa nakaukit! Ang markang iyon ay walang duda.
Ito ang Barko ng Piratang Kalalakihan! Ngunit bakit sila sinasalakay? Ano ba ang nagawa nila.
Nagpaputok ng kanyon ang mga kalaban, ngunit ang bala na napasasaloob ng kanyon ay mga tao.
Animo'y ang gustong labanan ay harap-harapan, tao sa tao at hindi kanyon laban sa kanyon.
Mayroong unang tatlo ang nakaapak sa Barko ng mga kababaihan.
"Ako ang isa sa mga kinikilalang pirata ng pagmamanipula, ako si Francis" pagsisimula ng nauna.
Rukiashirou: Ano minamanipula mo? sabay nagbato ito ng isang patalim.
Bago pa man makaabot sa piratang si Francis ay biglang naglaho ang patalim na inihagis nito.
Payucute: tutulungan na kita dyan Rukia! Sabay hugot sa sibat na kanyang sandata.
Ang pangalawang pirata ay kinilalang Bampira.
Ang kanyang itsura ay hindi maaninag dahil ito ay natatago ng isang maskara.
Hindi sya nagsasalita, nakatayo lamang at nakikiramdam.
Layla: Ano ba ang problema ninyo? Wala kaming ginagawang masama at bigla kayong sumusugod dito?
Biglang may hangin na tumama malapit sa kanyang pisngi, naging mainit ang pakiramdam nito.
"Dugo" Paano sila nakakalaban ng ganito? Masyado silang malalakas. Mahinang sambit ni Layla.
May dalawang kababaihan ang umatake sa Bampira sa magkabilang gilid!
Kitsu at MissHimitsu: Hindi ka maaaring magtagumpay! Eto ang nababagay sayo.
Ang ikatlong lalaki na sumugod sa kanila ay nakangiti.
Ang ngiti sa kanyang mukha ay hindi tinataglay ng normal na tao.
Isang ngiti na nakakapangilabot, isang ngiti na hindi mo gugustuhing makita.
Aimee: Hoy! Ayusin mo nga mukha mo!
"Ang pangalan ko ay Grand"
Aimee: Tinatanong ko ba? Hindi ako interesado.
Napakunot ang noo nya. "Hindi mo ba nalalaman na isang pagrespeto ang pagpapakilala sa isang katunggali bago ang isang labanan?
Aimee: May respeto ka ba? Wala sa itsura mo!
Napakunot muli ang noo ng lalaki. "At ang iyong pangalan?"
Aimee: Jiyoon ang pangalan ko!
Sumigaw sa kanyang likuran ang kanyang kaibigang si Kat! "Aimee", tutulungan kita dyan"
Isang maaksyong labanan ang nagaganap ng nagkaroon muli ng pagsabog.
Mula ito sa barko ng kalalakihan at may dalawa pang Pirata ang paparating.
Mukhang mga Kapitan na ang susugod sa pagkakataon na ito.
Isang seryosong mukha at nakaitim ang dumating. Mayroon itong hawak na espada.
Agad itong sinugod ni White Sun at Tsuki-hime.
"Hindi nyo basta-basta pwedeng sugurin ang barko namin" sigaw niya
Bitbit nya ang isang higanteng hiringgilya.
Bago pa makalapit si White Sun sa bagong dating na Pirata. Ay agad itong nawala at bigla na lamang may talim ng espada na nakatutok sa kanyang leeg.
Ang lalaking Pirata ay nagsalita. " Ako si Arctic, bise kapitan ng aming barko, mayroon kaming hinhanap na tao at alam naming andito siya"
White Sun: Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi kami kidnappers, pirates kami!
Pasugod si Asicatsum upang tumulong kay White Sun. Inatake nito ang piratang si Arctic.
Agad nakailag ang bise kapitan at nawala naman sa kapahamakan si White Sun. Sa pag-ilag ng lalaki sa atake ni Asica ay nawala din ang pagkakatutok ng espada nito sa leeg ng babaeng pirata.
White Sun: Salamat Asica, ngayon pagtulungan na natin ito. Kaya natin ito.
Ang Kapitan na si Abi ay nahaharap ngayon sa huling dumating na lalaking Pirata.
Ito ay laban ng dalawang Kapitan.
Nakatakip ang mukha nito, kalmado ang Aura.
Sa isip ng Kapitan ng mga kababaihan.
"Bakit wala akong masamang presensya na nararamdaman mula sa kanya, paano ko siya nito malalabanan?"
Inilabas ni Abi ang kanyang Dalawang mahahabang patalim.
Sa unang pagsugod ng kapitan ng kababaihan ay nananatiling nakatayo ang lalaki.
Natamaan ng isang espada ang kanang braso ng lalaking Pirata.
Ngunit ang kaliwang kamay na ginamit nya sa pag-atake ay hindi nagtagumpay. Nahawakan ng lalaki ang babae sa kamay nito, nabitiwan ng Kapitan ng kababaihan ang isa pa niyang sandata.
Tumutulo ang dugo mula sa braso ng lalaki. Ngunit ito ay nagwika pa din ng ilapit nito ang mukha niya sa mukha ng kalabang Kapitan. "Ako ang Lider ng aming barko, wala kaming balak makipagbuwisan ng buhay sa inyo, gusto lang naming bawiin ang aming kasamahan"
Abi: Sinong kasamahan ang tinutukoy mo?
Raven: Kilala mo ang tinutukoy ko.
Biglang naalala ng Kapitan ng kababaihan ang Beki.
Raven: Isa siya sa mahahalaga naming kasamahan, kailangan nyo syang ibalik sa amin bago kami magsimula dito ng dahas.
Hinawakan ng Kapitan ng kalalakihan ang pisngi ng kalabang Kapitan at nag-iwan sya ng marka sa pisngi nito na nagmula sa kanyang dugo mula sa braso.
Biglang may sumigaw ng CUT!!!
Director Relyon: Magaling, magaling! Ang gagaling ng mga artista ko.
O, pahinga muna tayo ng 30 minutes. Tapos, yung eksena naman ni Shupabeki ang kukunan natin.
Lahat: Okay, Direk.
White Sun: Nadala ako dun sa huling eksena, sarap nila panoorin.
Asicatsum: Magpraktis pa tayo umilag sweetie, nakakatakot yung espada ni Arctic. Haha
Kat: Woot, akala ko may kissing scene kanina.
Tsuki: Gutom na ako, wala bang food dyan?
Aimee: Apo, pwede ka ng hindi ngumiti na parang aning.
Grand: Buti na lang, naalala ko yung ngiti ni Hisoka, medyo mahirap gayahin. Haha
Drac: Bakit nga pala Bampira ang pangalan ko sa movie?
Layla: Ok na yun, parang Drac rin naman diba?
Francis: Bitin ang fighting scenes ko!
Rukiashirou: Ako din!
Payucute: Nakakatamad, magbabasa muna ako ng book.
MissH: Tara Senna, praktisin pala natin yung sabay nating pagtalon para umatake.
Kitsu: Parang gusto ko muna magpahinga. -_-
Arctic: *Nagbabasa ng book*
Raven: Nabitin ako sa eksena natin Abi.
Abi: Haha, ako din. Lol
Shupabells: Ako ang bida dito. hahaha
