Disclaimer: All the characters are all work of fiction. Everything about this story is a product of the writers imagination. This story is not meant to copyright.
Chapter 1: The Beginning
"Hindi naman talaga ako interesado sa pag-ibig. Isang beses na rin kasi akong nabigo at dahil sa pangyayaring iyon, ayoko ng magmahal pa ulit. Pero sa isang hindi inaasahang pangyayari, biglang nagbago ang buhay ko. Isa lang ang puso ko, at kailangan kong pumili sa kanilang tatlo. Sino nga ba ang pipiliin ko? Ang taong nagpapasaya sa akin? Ang taong kaya ibigay ang lahat lahat ng sa kanya? O ang taong mahal ko? Sino sa kanilang tatlo?"
Umaga, first day of classes at hindi pa rin ako nakaka bangon. 6:30 pala pasok namin at 5:30 na. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kisame ng aking tinutulyan. Tumitig lang ako at iniisip siya. Sino? Ang ex ko. Halos dalawang buwan na pala akong ganito, at halos dalawang buwan na ding umiiyak gabi-gabi. Dalawang buwan ng nag iisip sa kung ano bang maling nagawa ko, at dalawang buwan ng nag iisip kung papano mag move on. Ang hirap pala pag minahal mo ng to do ang isang tao, at sa isang iglap, maghihiwalay lang bigla.
Hindi pa pala ako nakakapag pakilala. I'm Kristian D. Bautista nga pala. Pwede niyo akong tawaging Kris. 16 years old ako and turning 17 sa August. And as you can see, still moving on sa past relationship ko. Siya lang ang unang minahal ko ng totoo. At ang sakit sakit sa aking makitang wala na siya sa tabi ko. Okay lang naman talaga ang lahat sa amin nung una. Pero bigla nalang siyang nagbago at nalaman kong hindi lang ako ang tao sa buhay niya. Nalaman ko kasing may isa pang tao sa buhay niya at hindi lang ako ang nag iisa. Sinubukan kong ayusin ang kung anong meron sa amin, pero wala akong nagawa dahil siya na rin ang pumili ng taong mamahalin niya, at hindi ako ang pinili niya. Hanggang ngayon, masakit pa rin sa akin ang lahat. Pero araw araw kong kinakaya dahil wala naman akong ibang magagawa kundi ang umarteng okay lang ako kahit ang sakit sakit na. I need to act like I'm okay kasi wala naman akong ibang choice.
Matapos kong mag drama, pinunasan ko ang aking mga luha. Bumangon na ako at nag prepare para pumasok. Since gusto kong maging independent sa sarili ko, nagdesisyon akong tumira sa isang apartment building dito sa Olongapo. Pinayagan naman ako. At dahil don, ako na mismo ang nag aasikaso para sa sarili ko. Nagluluto, naglalaba, naggo-grocery mag isa, nag tatrabaho, lahat lahat ako na ang gumagawa. Minsan pinapadalhan ako ng parents ko ng pera, pandagdag sa araw araw kong gastusin, at para sa pambayad ko ng matrikula.
Pagkabangon ko, nagluto na ako ng agahan. Nagsaing na ako at nagluto ng "tamagoyaki" (Japanese rolled egg). Pagkatapos ko magluto, kumain na ako. At naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at inilabas ang ginawa kong bento kagabi para sa lunch ko mamaya. Magsi-6:16 am na ng matapos ako kaya naman umalis na ako ng apartment ko. Kinuha ko na ang aking bag at umalis na ng apartment. Dahil malapit-lapit lang naman ang school ko sa apartment ko, naglakad nalang ako. Ito ang isa sa mga pinaka gusto kong gawin sa lahat. Dahil wala naman akong ibang exercise kundi ang pag lalakad lang.
Pagdating ko sa school, eksaktong 6:30. Ang dami ng estudyante sa room 105, ang room namin, kaya naman umupo ako sa pinaka likod na upuan. Pinag mamasdan ko ang mga kaklase ko. Maya maya, dumating na ang una naming teacher. Nag pakilala siya sa harap, siya si Ms. Abigail D. Santiago. Mam Abi for short. Pinag pakilala niya kami sa harap. Isa isa kami, at ng ako na ang nagpakilala, tumayo na ako. "Ohayou gozaimasu. Hajimemashite. Ore wa Kristian Bautista desu. Jyu-roku sai desu. Yoroshiku onegaishimasu! In English, goodmorning I'm Kristian Bautista. 16 years old. Nice to meet you all." May mga tinanong lang ang teacher ko about sa akin at pagkatapos ay umupo na ako. Walang ibang ginawa that day kaya naman ng mabored ako, inilabas ko ang aking sketch book at nag drawing. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil busy ako sa pagdo-drawing. Nang tinignan ko ang relo ko, eksaktong recess na. At dahil nagugutom ako, lumabas ako ng room at pumunta sa pinaka malapit na 7/11 sa school.
Naglakad ako papuntang 7/11 at pumasok sa loob. Pumunta ako sa aisle ng mga naka-packed na pagkain at saktong may onigiri (rice ball) akong nakita kaya naman bumili ako ng dalawa at isang coffee because I love coffee. Pagkatapos kong bayaran lahat, pumunta ako sa malapit na park sa school. Umupo ako sa isang swing doon at kumain. Pagkatapos kong kumain, bumalik na ako sa school.
Natapos ang araw na nagpakilala lang kami sa isa't isa. Ang mga estudyante sa guro, at ang mga guro sa estudyante. Habang nagdo-drawing ako, biglang may lumapit sa aking kumpol ng mga lalaki. Kinompliment nila ang drawing ko and soon, nagpakilala kami sa isa't isa. Harold Reyes, Rafael Ibarra, Ivan Ong, Sean Phillip, at Jordan McBryan ang mga pangalan nila. At ng mga oras na yon, may napansin na ako agad. Ewan ko, pero naging crush ko na siya agad. Ang mga katulad niya ang tipo ko. Siguro kasi gwapo siya at maputi. At higit sa lahat, chinito.
Nakipag kaibigan sila sa akin. At pinakisamahan ko naman sila. At buti nalang, hindi ako naging loner sa unang araw ng klase.
- itutuloy -
