Title: Roasted Beef

Genre: Comedy, Romance

Pairing: Atobe x OC, a bit Shishido x OC, Shishido x Choutarou

Rating: T

Disclaimer: I don't own POT esp. Atobe and Shishido (how i wish haha!)

CHAPTER 1

"Huh? Naku! mag-a-alas nuebe na! kailangan ko nang umalis!"

Kaagad tumayo sa kinahihigaan nya ang isang babae na nagngangalang Naomi. Noguchi Naomi. Siya ay isang second year sa Seishun Gakuen Junior High. Kaklase nya si Momoshiro Takeshi na member naman ng Seigaku Tennis Club. Pero, wala syang interes doon. Dahil ang kanyang interes ay na kay …

"Naman! Kung anu-ano pa kasi pinaggagawa ko kagabi eh! Nakalimutan ko na kailangan ko pang pumunta sa court ng Hyoutei! Para makita si Atobe-sama!"

Kagad syang naligo at nagbihis. syempre kagad din syang kumain at naghanda ng pagkain para kay Atobe. inihanda nya ang kanyang sarili sa pagharap nya kay Atobe.

"Aalis na po ako! Sige po, bye-bye!"

Nagmamadali sya sa paglalakad dahil kailangan nyang makita si Atobe at para maibigay nya ang paborito nitong pagkain na roast beef. Alam nya ito dahil nagtatanong tanong sya sa mga kaibigan nyang babae na nag-aaral sa Hyotei Gakuen. At syempre sa tulong din ni Shishido Ryou, ang kanyang kababata. :

Maya-maya ay nasa Hyoutei na sya. Papasok na sya sa loob, kaya lang ay may humarang sa kanya na mga babae – hindi yung mga kaibigan nya.

"Hoy babae! anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na bawal ka rito?" Naka-cross ang braso ng babae na nanita kay Naomi habang sinita nya ito. Pautal-utal na sinabi ni Naomi na,

"Uh, ganun ba? k-kaya a-ako nandito k-kasi …" .

"Alam mo, kung wala ka namang gagawin dito, pwede ba umalis ka na lang!". Sasampalin sana ng babae si Naomi. Buti na lang ay dumating si Shishido. Pinigilan nya ang kamay ng babae.

"Anong gagawin nyo sa kanya? May ginawa ba syang mali?" Pasigaw na sinabi ito ni Shishido.

Nagulat ang babae at ito ay nagblush, dahil hinawakan ni Shishido ang kamay nya.

"S-Shishido-senpai .. a-ano kasi … sya … guguluhin nya ang pra …"

Binitawan kagad ni Shishido ang kamay ng babae na nagsusungit kay Naomi. At sinabi nitong,

"Sa susunod nga 'wag ka nang lalapit sa babaeng ito dahil si Atobe ang makakalaban mo!"

Nang marinig iyon ng mga babaeng humarang kay Naomi, natakot sila at tumakbo. Di sila makapaniwala na may relasyon siya kay Atobe, pero hindi iyon totoo.

"T-teka! Shishido-senpai!", Namumula si Naomi nang tinawag nya ang senpai nya. Lumingon si Shishido at sinabing, "Ano? Si Atobe? Andun sa court. Dun ka na pumunta. Sige." Tumalikod na si Shishido at umalis. Hinabol sya ni Naomi.

"Shishido-senpai! Salamat sa pagtanggol sa 'kin!"

Biglang tumigil si Shishido sa paglalakad. "Wala yun. Sige na alis na"

"Shishido-senpai!"

Isinigaw nya ang pangalan ni Shishido dahil may kailangan ito. Pero, alam na iyon ni Shishido – ang samahan sya sa tennis court ng Hyoutei.

"Hay nako, na naman. Tara na nga." Pangising nasabi ni Shishido.

"Yehey! Salamat Shishido-senpai!". Nang sinabi nya iyon ay hinampas nya ang likod ng senpai nya.

"Aray! Naku naman, ang bigat talaga ng kamay mo! Tigilan mo na nga paghampas sa likod ko! Puro pasa na yung likod ko! Baka mamaya matanggal na yung baga ko eh!"

Nakangiting sinabi ni Naomi, "Ah, sorry. Di ko kasi alam na mabigat yung kamay ko eh. Pasensya na, huh?"

Ni-pat nya ang ulo ni Shishido at umalis na sila papuntang Hyoutei Tennis Court.

Nakita iyon ni Choutarou. At nasabi nya sa sarili nya, "Nakakainis naman iyong babaeng kasama ni Shishido-san! Sinaktan pa si Shishido-san."

Nang nasabi iyon ni Choutarou ay para bang nagseselos sya sa babae. Ayaw nya na nasasaktan si Shishido – dahil may lihim itong pagtingin kay Shishido, XD

"Hoy bilisan mo nga! Ang bagal mo talagang maglakad!" Nasigawan ni Shishido si Naomi dahil nga sa mabagal itong maglakad.

"Oo teka lang, ang bilis mo kasing maglakad eh! Para bang may humahabol sa'yo!"

"Late na kasi ako sa practice. Baka mapagalitan pa ako ng coach namin. Kaya bilisan mo na."

"Opo" TT "Nandyan na po."

Nang makarating na silang dalawa sa tennis court, si Shishido ay pumasok na para magpractice. Bago pa sya magpractice ay napagalitan pa sya ng coach nila. Habang si Naomi ay naiwan sa labas ng court. Nakadungaw lang sya. Umiikot-ikot ang kanyang mga mata, na para bang may hinahanap – hinahanap nya si Atobe.

"Sino yung kasama mo dun Shishido, huh?"

Nang marinig ni Naomi ang mamalim na boses na iyon, kasama na ang prefix na huh, nagulat sya dahil boses iyon ni Atobe.