Babala: ang inyong mababasa ay hango lamang sa aking nakita noong ako'y nanunuod ng myx. Pasensiya na po sa lahat ng mga taga-hanga ng SLAMDUNK. Di ko po nais na sirain ang pangalan ng anime na ito. Sa maniwala kayo o hindi isa ito sa mga fandom na madalas kong bisitahin. Tulad ng ilan sa inyo mahal ko rin po si Sakuragi Hanamichi. Humihingi po ako ng kapatawaran kung hindi maayos ang pagkakaganap ng mga tauhan. Kauna-unahan ko po itong istorya na ilalathala sa madla sa wikang Tagalog. Kung gusto niyo po akong murahin sa ginawa ko, walang problema. Mas gusto ko nga pong tumanggap ng ganoong mga komento. Sa mga magta-tiyagang magbasa salamat. Huwag po kayong makakalimot na sumulat sa akin -ayame

= = = = = = = = = = = = = = = = =

-=-=-=-=-=-= - new scene

# SALITA # - sound effects

salita - gives strong emotion, wants to point out something

- = - = - = - = - = - = - = - = - = - = - = - = - = - = -

1 :: ang plano

Isang dapithapon sa may parke, makikitang nagkukumpulan sa sandbox ang ilang mga lalaking may tikas na maihahambing sa mga poste. Sa tindig pa lang ay nakakatakot na, lalo pa na ngayo'y nagbabangayan sa isa't-isa na parang mga piranhang nag-aagawan sa isang pagkain. Ngunit kung inyong lalapitan ang grupo, matatanaw na sa gitna ng kaguluhan ay may isang magandang dalaga. Nakapagtataka kung paano niya nakakayanang tiisin ang sigawan ng mga malalaking taong ito. Makakarinig pa kaya siya? Siyempre naman. Dahil ang tinutukoy na dalaga ay si Ayako. Kilalang manager ng Shohoku Basketball Team, na laging tangan-tangan ang kanyang abaniko. Walang manlalaro ang hindi siya nakikilala. Ang kanyang kakaibang pamamaraan sa pagdi-disiplina sa mga ka-miyembro, ang nagpasikat sa kanya. 'Yan si Ayako. Malufet!

"Tahimik!"

# PAK! PARA PAK! PAK! PAK! #

Sa lakas ng tunog ng pagpalo, gamit ang pamaypay ay hindi mo malaman kung kaaawaan o kagagalitan din ang mga magugulong binata. Magugulantang ang kahit sinong makarinig ng hampas na iyon, at baka isipin niyang magtawag ng ahensiya ng pamahalaan para lang matukoy ang sanhi ng ingay. Maaaring tumawag sa PAGASA. Para kasing tunog iyon ng kidlat na nagbabadya na malakas ng ulan. O baka naman ang pulis. Dahil masyadong maaga o sobrang huli na sa pagsindi ng superlolo para sa bagong taon; sa lakas ng ingay na narinig. Kung ipagsama-sama kaya ang SWAT, NAVY at MARINES? Hindi na siguro nakayanan ni Ayako ang kapilyohan ng mga lalaki kaya't siya'y nagaamok. Siguro mas mabuting tumawag na lang sa pinaka-malapit na ospital; sa laki ng bukol na natamo sa paghampas ni Ayako ay di-malaman kung ito ba'y tumor sa utak na lumabas bigla o panibagong mukha ng mga kawawang binata.

"Gusto niyo bang ituloy 'to o hindi?" pabalang na tanong ni Ayako habang tinitingnan isa-isa. "Inaaksaya niyo lang ang oras ko. Kung ayaw ninyong magpaawat...may makukuha naman akong iba. At tiyak na hindi nila ako bibigyan ng sakit ng ulo," pagbabantang kadikit ay ngiting nakapang- ngingilabot.

"Ayako naman, hindi ka mabiro," sabay ngiting di-maparisan kahit ng mga maskarang payaso, na tanging si Sendoh Akira lamang ang nagtataglay.

"Tama, tapusin na natin ang usapang ito at nang tayo'y maka-uwi ng maaga. Mas mahaba ang pahinga, mas magiging maganda ang ating kundisyon bukas," sabi ni Fujima na sinang-ayunan ng lahat.

'Salamat. Makakapag-pahinga na rin.' Bulong ni Ayako sa sarili. Pinagpag ang damit at nagbitiw ng ilang paalala bago lumisan.

"Makinig kayong lahat. Sa isang linggo na ang inyong pinakahihintay. Gusto ko lang ipaalala na kinakailangan niyo lang maglaan ng 6 na oras sa page- ensayo dito. Bakasyon pa naman kaya't ayokong may magreklamo na kulang ang praktis niyo ng basketball. Hindi ko rin kailangang sabihing pagbutihin niyo dahil alam ko namang ibibigay ninyo ang 100% atensiyon dito. Ang sa akin lamang ay sana itanim niyo sa puso't isipan na ang gagawin natin ay di- lamang para magbigay ng sorpresa. Sa kahihinatnan ng gawaing ito, nawa'y magkaroon kayo ng mahabang pasensiya at huwag pangunahan ang oras. Sumunod lamang kayo sa daloy ng mga araw."

Tahimik ang lahat. Pigil-pigil na nakapinid ang kanilang mga labi. Dahil ba sa tawa? Ngayon lang kasi nila narinig si Ayako na magsalita ng ganoon kaseryoso at hindi sila sanay. Masyadong madrama ang kanyang talumpati para sa kanyang katauhan. O sa kung ano pa mang dahilan, di-maitatanging walang pagkukunwari ang pagkakasabi.

Nagpakita na ang buwan at nagniningningan ang mga bituin sa kalangitan, ay saka pa lang tumayo at umuwi sa kani-kanilang tahanan ang mga binatang iisa ang adhika simula bukas.

...itutuloy...

- = - = - = - = - = - = - = - = - = - = - = - = - = - = -

ayame: MALIGAYANG KAARAWAN sa'yo Sakuragi Hanamichi!!!!!!!!!!

hana: ayame-channnn...nasan na regalo ko? patalon-talon habang nakatitig ang kanyang mga matang ngayon ay sing-bilog ng buwan

ayame: ha? Ah eh...ano...ito na 'yun.

hana: ang alin?

ayame: itong FANFIC

hana: HA?????!!!!!!!!! Eh ano naman ang gagawin ko dito sa fanfic mo? nagpamewang at taas-kilay siyang nagtanong

ayame: Hana? Hindi mo ba nagustuhan ito? Hindi mo man lang ba na-appreciate ang ginawa ko para sa'yo? Ang nais ko lang naman ay handugan ka ng isang maganda istorya at ipakita sa'yo na maraming nagmamahal sa'yo ng lubos. Hiling ko lamang ay ipadama na hindi ka nag-iisa sa mundo. Na walang kuwenta ang mga 51 babaing nambasted sa iyo. Hindi dapat makaramdam ng hapdi ang iyong naglulumbay na puso, dahil lang sa mga babaing hindi alam ang iyong tunay na halaga. Naiintindihan mo ba ang aking sinasabi?

hana: teka, hindi pa naman ako basted kay Haruko ah?

ayame: ganun na rin 'yon. Kung itutuloy man yung manga, hindi rin sa'yo mapupunta si Haruko.

hana: ha?!!!! Pa'no mo nalaman? May sinabi ba sa'yo si Inoue-san?

ayame: wala naman basta alagaan lang daw kita. Kaya't heto, pero...mukhang hindi mo yata naibigan ang aking munting alay para lamang sa iyo. # SNIFF SNIFF #

hana: ah ayame 'wag kang umiyak. # SNIFF SNIFF # Ayame-chan, oo naiintindihan ko. # SNIFF SNIFF # Gusto mong masaya ako, hindi ba?

ayame: oo Hanamichi.

hana: sige, hindi na ako iiyak. Simula ngayon iba na lang ang iintindihin ko.

lahat: ano na ang gagawin mo hana-chan? nakatitig ng may ningning ng pag- asa sa mga mukha ng manliligaw ni Sakuragi

hana: basketball at PAGKAIN!!!!!!!!! NYAHAHAHAHAHAHAHA!!!!! AKO ANG MAGIGING NO.1 SA BUONG JAPAN. Magpa-praktis ako ng magpapraktis.Hindi ko na kayo papansinin. Puro basketball na lang ang iispin ko para maging LALONG magaling ako tapos...MARAMI NA ANG MAGHAHABOL SA'KIN!!! NYAHAHAHAHAHAHA!!!!!

ayame: hay naku. Akala ko naman naintindihan na niya ako, si Hanamichi talaga.

hana: NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!! tensai pose

ja :)