Cellphone

By: MoonlightAkatsuki29

Disclaimer: Hinding hindi ko pag-aari ang Prince of Tennis lalong-lalo na ang mga characters!

A/N: Well, actually hindi dapat ako maggagawa ng kwento ngayon pero dahil wala akong magawa, eh di maggagawa na lang ako ng kwento para hindi ako maboring masyado. Wahahaha! Pasensya na. Magulo lang talaga ang isipan ko ngayon eh. Bakit pa kasi siya sumisingit sa mga iniisip ko eh hindi naman talaga dapat siya kasama sa mga iniisip ko at tska bakit ako naghihintay ng text nya na hindi ko naman alam kung talagang magtetext sakin yun eh ilang araw na kaming hindi nagkakatext? Oh siya! Masyado na akong nagiging madaldal. Ang kwentong ito ay pinagtatambalan ni Ryuuzaki Sakuno at…at…hmmmm…sino kaya? Hmmm… Si… Ay naku! Wala akong maisip kung sino ang ipapartner ko kay Sakuno-chan. Well, eto na lang ang kwento.

Chapter One

/ Entry One


Dear Diary,

Bakit ganun? Hindi ko siya matanggal sa isipan ko. Kahit sa text lang kami nagkakilala, hindi ko mabura ang mga text nya. Hindi kaya siguro…mahal ko na siya? O_O Hindi pwede yun!

Well, hindi ko naman maitatanggi na may crush ako sa kanya kasi halatang-halata naman kapag nasa school ako na lagi na lang siya ang bukambibig ko.

Hayysss! Buhay nga naman oh! Parang life lang!

-Ryuuzaki Sakuno


Sakuno's Point of View

Habang papasok na ako papuntang school, nakita ko ang bestfriend ko, si Osakada Tomoka. Si Osakada Tomoka nga pala ay kaklase ko at bestfriend ko. Well, kapag lagi ko siyang kasama, nasasanay na ako na hindi lagi tahimik ang mundo kahit ganoon ang nangyayari sa akin araw-araw, ma-i-co-consider ko din naman siyang real bestfriend dahil lagi siyang nakasuporta sa akin at lagi siyang nasa tabi ko kapag may problema ako, hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan na ma-i-inlove ako sa textmate ko na si Seiichi. Yukimura Seiichi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan ng taong nagpatibok ng aking puso.

"Sakuno!" ang sigaw sa akin ni Tomoka.

"Good morning, Tomoka." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Aba! Parang good mood ngayon ang bestfriend ko ah! May nangyari ba na hindi ko alam?" tiningnan ako ni Tomoka ng maigi na ikinakaba ko.

"A-ah! Wala ha!" nauutal kong sinabi kay Tomoka.

"Hmm… Hindi ako maaaring magkamali. Siguro nakatext mo nanaman si Seiichi kagabi noh?" isang nakakapangilabot na ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Tomoka.

"Uhmm… Parang ganoon na nga. Hehe…" isang pilit na tawa ang naipakita ko kay Tomoka na sana ay hindi niya mahalata na ito ay pilit lamang.

"Sinasabi ko na nga ba eh! Hay naku! Pero kamusta na nga pala kayo ni Seiichi ha?" ang tanong sa akin ni Tomoka.

"Anong kayo? Wala namang kami ah! Magkaibigan lang naman kami ni Seiichi. Hanggang kaibigan lang kami." pagtatanggi ko kay Tomoka.

"Owws! Talaga lang ha?! Patingin nga ng cellphone mo!" sabay hablot sa cellphone ko na hawak ko.

"Ano ba, Tomoka?! Ibalik mo sa akin yang cellphone ko! Akin na!" tumatalon-talon akong pilit na kinukuha ang cellphone ko kay Tomoka na itinataas pang lalo para hindi ko maabot. Pagkatapos niyang magbasa ng mga text messages sa inbox ko ay ibinalik na niya ang cellphone ko.

"Wala daw na kayo… Eh ano ung nabasa ko ha?! Ano yung 'Matulog ka ng maaga ha… Wag kang masyadong magpupuyat… Ayoko ng masyado kang napupuyat… Masama yun para sa katawan mo.'" nagtatanong sa akin na sabi ni Tomoka habang nakapameywang.

"Hai naku, Tomoka! Concern lang naman sa akin yung tao eh! Ano ba ang masama kung maging concern yung tao ha?" sabi ko kay Tomoka na may pasigaw.

"Concern lang daw… Ewan ko! Pumunta na nga tayo sa classroom. Baka ma-late pa tayo." sabi sa akin ni Tomoka habang hila-hila niya ang kamay ko papuntang classroom.

Pagkadating sa classroom, lumapit sa akin si Mizuki. Si Kazuma Mizuki ay bestfriend ko rin. Siya ay hindi naman masyadong maingay na katulad ni Tomoka pero kapag nagkukwento na siya tungkol sa boyfriend niya ay nagiging maingay na din siya katulad ni Tomoka. Madalas naming mapag-usapan ang boyfriend ni Mizuki na taga-Hyoutei Academy. Lagi kasi silang nag-aaway ng kanyang boyfriend na si Oshitari Yuushi pero nagkakaayos naman sila kaagad dahil sa pagiging pagka-romantiko ni Yuushi kay Mizuki. Well, balik tayo kung bakit lumapit sa akin si Mizuki. Alam ko na siguro kung bakit lumapit sa akin ngayon si Mizuki. Nag-away nanaman sila siguro ng kanyang boyfriend. Hay naku! Kaya ayoko muna ng commitment ngayon eh! Lagi na lang L.Q eh! Wala nang katapusan na L.Q itong sina Mizuki at Yuushi! Bahala na nga si Batman.

"Sakuno." tawag sa akin ni Mizuki.

"Oh, bakit? May nangyari nanaman ba sa inyo ni Yuushi?" tanong ko kay Mizuki.

"Ah, wala." ang sabi sa akin ni Mizuki.

"Oh eh ano?" tanong ko sa kanya.

"Ah, eh, ah, kasi…" hindi mapakali na sabi sa akin ni Mizuki.

"Kasi ano?" tanong ko ulit sa kanya.

"Kasi…" nahihiyang paliwanag sa akin ni Mizuki na hindi ko alam kung talagang paliwanag na yun.

"Kasi nga ano?" tanong ko nanaman ulit sa kanya.

"Kasi… Inaaya ako ni Yuushi sa isang date." Paliwanag sa akin ni Mizuki.

"Ah, akala ko naman kung—ano?! Date ba kamo?!" nagulat kong napasigaw ng kaunti na nasabi kay Mizuki.

"Wag ka naming masyadong maingay, Sakuno!" medyo pasigaw na sabi sa akin ni Mizuki. Talagang hindi ako makapaniwala na inaya ni Yuushi si Mizuki na makipagdate. Dati naman kasi wala sa isipan nila yun eh. Pero mas ayos na yung ganoon para naman magkaroon naman sila ng closeness kasi lagi na lang sila nag-aaway.

"Talagang hindi ako makapaniwala na inaya ka ni Yuushi sa isang date." sabi ko kay Mizuki na kalahating-ewan at kalahating-ayos.

"Ako nga rin eh. Kinakabahan nga ako sa mangyayari sa amin kapag nasa date na kami." sabi sa akin ni Mizuki.

"Eh? Bakit ka naman kakabahan? Nandito naman kami ni Tomoka para i-cheer up ka." Sabi ko naman kay Mizuki.

"Talaga? Maraming salamat talaga at naging bestfriends ko kayo ni Tomoka." Sabi sa akin ni Mizuki habang hawak-hawak niya ang dalawa kong kamay.

"Walang anuman yun. Talagang ganyan ang magkakaibigan, lagi nagdadamayan at nagtutulungan sa lahat ng oras." sabi ko kay Mizuki nang nakangiti. Pagkatapos ng usapan na iyon ay nagsimula na ang klase.

Habang Math Class namin, nasa ibang mundo ang utak ko. Nakita ako ng teacher namin na hindi nakikinig sa mga lessons. Kaya naman natawag ako ng teacher namin para sagutan ang problem na nakasulat sa blackboard. Eto yung problem:


A box is 19 cm. long and 14 cm. wide. The height is 6 cm. What is its volume?


Eto namang si ako, pinatayo na sa unahan para i-solve ang problem. Buti na lang at madali lang yung problem. Eto yung sagot ko:

V= lwh

= (19)(14)(6) cm.

= (19)(84) cm.

= 1596 cm.³

"Take your sit, Ms. Ryuuzaki." sabi sa akin ng Math teacher namin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Pagkatapos iapaliwanag ng teacher naming yung sinagutan kong problem ay nag-ring na ang bell.

Kriiiiiiiiiiing. Kriiiiiiiiiing.

Haay! Sa wakas! Break time na.


To be continued.