English version is the second chapter. :DD/shot.

English summary: ...give this a title? "When America pushed Canada down onto the couch in the room, no one could imagine the female nation's glee." Canada and America are in Philippines house! Wonder what'll happen...

Ito ang una kong fanfiction sa Filipino. Syempre sa tungkol sa paborito kong tambalan. Ahahahahahhaah/binaril.

Mga Babala: pagkawala-sa-karakter, katangahan ng manunulat, kaunting kabaklaan (ahahaha/binaril), atbp.

Hindi ko pagmamayari ang Hetalia.


"Pasensya na kayo ha. Kundi lang dahil sa bagyo ay sana nakarating na tayo sa bahay ni Tsina."

"It's okay, Philippines! Medyo naiinip na naman kami sa biyahe eh. Halos 'di na kami makatapak sa lupa dahil sa mga conference na 'to!"

"B-buti nga we landed safetly here bago pa man bumuhos ang ulan. Nasa himpapawid palang tayo ay 'di ko na makita ung ibaba."

"Mabuti nga- ay! Bossing, pasensya ka na ha pero puwede bang ipatuloy mo muna itong mga kasama ko sa Palasyo? Ha? Salamat po! Okay… Estados Unidos, Canada, punta na muna tayo sa Malakanyang."

Kalagitnaan na ng taon kaya't madalas na ang bisita ng bagyo sa bansang Pilipinas. Gayonma'y patuloy pa rin ang mga pagtitipon ng mga bansa. Matinding krisis ang hinaharap ng mundo ngayon kaya't 'di bale na kung mahirap bumiyahe basta't makasama lang sa mga pagtitipon.

Si Tsina ang nangunang magbigay ng pook para sa conference. Siguro'y karamihan na sa mga bansa ang naroroon na kaya't hindi mapalagay si Pilipinas sa kanyang inakong mga bansang sina United States of America at Canada.

"Chill out, Philippines! Canada and I don't mind, right?" ani ni Amerika sabay tango kay Canada.

Ngumiti si Canada at tinapik si Pilipinas sa balikat, "That's right. The conference doesn't start in five days anyway so it's fine. Tatawagan naman tayo ng iba kung nahuhuli na tayo, eh."

"Kasi naman, minsan na nga lang tayo magkasabay tapos minalas pa tayo. I-I don't want to inconvenience you! Mukhang pagod napagod na kayo tapos magkakapro-"

"Miss Kalayaan? Naririto na po ang kotse."

Lumingon si Pilipinas at nginitian ang kutsero. Tumango siya kina Amerika at Canada at nagsimula ang tatlo sa pagalakad tungo sa kotse. Tinulungan ng kutsero na ilagay ng mga bansa ang kanilang mga ari-arian sa sasakyan at bumulaslas ng pasasalamat ng dalawang dayuhan sa wikang Filipino.

"Abay, marunong pala mag-Filipino ang mga kasama mo, Miss Kalayaan!"

Tumawa nalang ang tatlo at sumakay sa kotse. Nang makaupo'y nanumbalik ang munting simangot ni Pilipinas.

"Mayumi, naman. Masyado kang nagaalala." Wika ni Amerika kay Pilipinas. 'di na nila maaaring tawagin ang isa't isa gamit ang kanilang ngalan bilang bansa kapag may ordinaryong tao sa paligid. "It'll be okay! We'll just treat this as some kind of vacation! Ha, matagal na tayong 'di nakapagbabakasyon."

"If you let me borrow your kitchen, I'll make you some pancakes. 'wag ka na malungkot, Mayumi."

Napangiti si Pilipinas, "Sorry, Alfred, Matthew. Istressed lang siguro ako."

"Miss Kalayaan, baka gusto niyo pong dumaan ng pagkain. Siguro'y gutom rin ang dahilan ng pagka-istress niyo."

"Food?" bulaslas ni Amerika at dumugaw sa bintana na parang bata. "I see McDonald's! Can we get some burgers? Please? Please?"

"Alfred, settle down. See, even Mr. Driver here thinks you're acting like a child."

"But-"

"Okay, okay. Manong, mag-drive-thru nalang tayo sa Mcdo. Baka umiyak pa 'tong lalakeng 'to." Tawa ni Pilipinas.

"Hey! 'di ko iniiyakan ang pagkain 'no!"

Humalakhak nalang ang tatlo habang si Amerika na ang nag-order ng kanilang mga pagkain.


Nang makarating sa Malakanyang ay dali-daling sinalubong ng mga bantay ang tatlong bansa. Idineretso sila sa isang sangay ng Palasyo kung saan pinapatuloy si Pilipinas ng kanyang 'Bossing'. Nang maiwan ng mga tao'y, ipinakita ni Pilipinas kina Amerika at Canada ang kanilang mga kuwarto.

"Gustuhin ko mang sa bahay ko kayo patuluyin ay hindi ko magawa…" buntong-hininga ni Pilipinas, "Inabot kasi ng baha ang looban ng bahay ko."

"Ganon ba? Sorry to hear about that." Sagot ni Canada samantalang si Amerika ay nag-ikot-ikot na sa loob ng bahay. Napasimangot si Canada, "Hay nako… Hindi naman siguro mawawala iyon ano?" tanong niya sa maybahay.

"Susulpot naman siya kapag ipinam-pain natin ang mga burger niya, 'di ba?"

Napabungisngis ang dalawa at biglang napasigaw ang kanilang pinaguusapan. Tumakbo sila tungo sa lugar na pinanggalingan ng sigaw. Doon ay nakita nilang nagtatatalon sa tuwa ang Amerikano habang tinuturo ang isang malaking bagay na natatakpan ng makapal na tela.

"Is that a karaoke machine?" magalak na sambit nito. Tumango si Pilipinas at biglang niyakap ng Amerikano sabay lipat sa kanyang kapwa dayuhan. "Does it still work? Can we use it, Mayumi?"

"G-Get off of me, Al!"

"Gumagana pa naman ata," sagot ng Pilipina habang inaalis ang takip ng karaoke at sinubukang buksan. Tahimik siyang tumatawa sa mga reklamo ni Canada. 'Ang cute talaga nila. Bagay sila… bagay na bagay.' aniya sa sarili nang nakangiting tulad ng isa pang babaeng bansa na may hilig rin sa mga ganitong bagay. Biglang gumana ang karaoke at dali-dali niyang binura ang nakakaintrigang ngiti sa kanyang mukha, "Yep, it still works! Gusto mo bang kumanta, Alfred?"

"Hell yeah! And you guys are gonna join me!"

Napailing si Canada, "I-I don't want to. We might interrupt people in the Palace…"

"No we won't! Right, Mayumi?"

Matapos pagpagin ang alikabok ay hinila ng Pilipina ang karaoke palabas ng kuwarto para ilagay sa maluwang na sala ng bahay. Nang maiayos ay ngumiti ng malaki at hinila rin ang dalawang banayaga para makita ng mas malinaw ang karaoke. "Walang makakarinig sa inyo dito. Sound-proof ang buong bahay."

"Awesome! Where's the song book?" ibinigay ni Pilipinas ang isang makapal na libro sa 'Kano. Magiliw naman niya itong tinanggap at binuklat. "Does it have any duet songs?"

"Duet?" tanong ng Pilipina. Hindi niya napansin ang pamumula ni Canada. "Meron siguro… pero puro Filipino ang mga kanta na iyan."

"Okay lang! Mattie and I know a few Filipino duet songs." Ngumiti nanaman si Amerika at nilapitan ang karaoke, "Halika dito, Matthew! Kuhanin mo ung isang mikropono at isasalang ko na itong unang kanta."

Nang umalingawngaw ang musika sa salas ay namula ng mas malalim si Canada, wari'y nakikilala ang tunog, "I do not want to sing that song with you!"

Tila'y ngayon lang naintindihan ni Pilipinas ang nangyayari at bigla nalang siyang napatawa. Tahimik siyang lumabas ng salas at mabilis na kimuha ng video camera sa 'di malaman na lugar. Bumalik siya sa sala at nadatnang naglalagay pa rin ng mga kanta sa karaoke si Amerika habang si Canada ay mariin na tumatanggi sa pagkanta. Sinimulan niya ang pagkuha ng video nang 'di alam o pansin ng dalawang banyaga.

Hindi maipaliwanag ang mukha ni Pilipinas.

Hindi maipaliwanag ngunit maaaring makitang ginagawa rin ng isang bansa sa Europa.

"At least choose something that isn't a duet! Aren't you embarrassed at all?" sigaw ni Canada subalit tinawanan lang siya ni Amerika. "Stop that song right now!"

"Oh come on, Mattie! Here, I'll start: Bakit 'di magawang limutin ka~ bawat sandali'y ika'y naaalala-"

"Stop it!"

"-makapiling ka… muli~ All right, Mattie! Your turn!"

"…"

"Please?"

Bumuntong-hininga si Canada, huminga ng malalim at mabilis na hinawakan ang isa pang mikropono. Nakakasilaw ang ngiti ni Amerika.

"Bakit 'di ka maalis sa isip ko…"

Kung maari ay lalo pang lumapad ang ngiti ni Pilipinas. Tutok na tutok ang mga mata ng Pilipina sa dalawa na tila nalimutan na na mayroon pa silang kasama. 'di alintana ito ni Pilipinas 'pagkat baka pagsabihan lang siya na huwag sila kunan ng video at sirain pa ang kamera niya. Inaaliw nalang niya ang kaniyang sarili sa panonood ng dalawang magandang lalaki na kung sabihi'y 'feel-na-feel' ang kanta.

With actions pa ang walang-hiya.

"Kaya't hanggang ngayon~" tira ni Amerika samantalang si Canada ang nagboses sa second voice. Medyo wala na sa tono si Amerika ngunit medaling isa-walang-bahala ito dahil sa mga galaw niya. "Ikaw pa rin ang iniibig ko…" Mababang huni ni Amerika at namula si Canada. "Ikaw pa rin ang natatangi~ing… pangarap ko~!"

Malapit na matapos ang kanta at malapit na rin atang mahimatay si Pilipinas sa kanyang nakikita. Mabilis na ang kaniyang hininga at may tulo ng laway na sa may gilid ng bunganga. Sa pinakahuling linya ng kanta ay malapit na ang dalawang lalaki sa isa't isa.

"Ikaw lamang…"

Saka nalang napansin ni Pilipinas na mas matangkad pala si Amerika kay Canada dahil kinailangan pa niyang bumaba para lumapit sa… 'O diyos ko po!' Nakapikit ang mga mata ni Canada. Masyado pa niyang dinadamdam ang kanta (at siya pa ang ayaw kumanta n'ong una ha).

Naiwan na si Canada'ng kumakanta mag-isa habang unti-unting lumalapit si Amerika sa kanyang mga labi, "Hanggang nga- mmph!"

Kung maari lang siyang sumigaw ay nakasigaw na siya ngunit ayaw niyang maputol ang kaniyang pagkukuha ng video kaya't nag-hyperventilate nalang siya sa kinatatayuan niya. Nang itulak ni Amerika si Canada sa sofa ng salas ay 'di na talaga maipinta ang kasiyahan na nadarama ng Pilipina…

Gamitin niyo nalang ang imahinasyon niyo kung ano ang unang ipinakita ni Pilipinas sa kanyang mga kapwa bansa sa pagtitipon sa Tsina.


Eto ang nangyayari kapag nasobrahan sa karaoke. Sisihin niyo ang kuya ko saka ang girlfriend niya. Biriun niyo, nag-duet ang dalawa, wala naman sa tono. (parang siya hindi. Ahahaha/binaril.) Sabayan niyo pa ng pagbabasa ng paborito kong fanfiction sa tambalang AmeCan tapos bam! Naisilang 'tong walang-hiyang istorya na 'to. Bakit kamo nasa wikang Filipino? Eh kasi walang sense kapag nasa Ingles tapos ung gagamitin ko na kanta Filipino… Wala pa naman akong alam na sikat na kanta na duet na nasa wikang Ingles. Kaya un.

Nga pala, si Mayumi Kalayaan ay… uhh, actually 'di ko siya OC. Kung may kapangalan na siya ay pasensya na. I just winged her and shit. Kapag ginamit ko ulit ang Pilipinas sa iba pang istorya ay maaaring hindi ang babaeng 'to ang gagamitin ko. Minsan kasi babae si Pilipinas para sa'kin pero madalas lalaki siya kasi… ahahhhaha/binaril.

Maari niyo na akong patayin.

Ipagpaumanhin niyo ang kawalang ayos ko sa… uhh, ano ba sa Filipino ang grammar? Basta 'yon. Pati na rin sa maling baybayin ng mga salita. Sisihin niyo ang autocorrect at ang katamaran kong i-proofread ang kahit anong isinulat ko. Sorry na rin kung masyadong mabilis ung ending... goddamn it, it is harder to write in Filipino, much more in Tagalog... This will probably be the last Filipino story I will write... I feel stupid now. ;A;

Iwanan niyo naman ako ng review! Salamat! :3