Author's note: 2nd Filipino fic ko, one of my first updates for a long time. Hay, ang hirap pala maging high school. Enjoy!
Isang umaga, habang wala pang tao sa eskwelahan, ang tahimik na si Tomoyo ay nagbabasa sa ilalim ng puno ng biglang dumating si Eriol Hiiragizawa. Eh, sino ba si Eriol? Siya lang naman ang crush ni Tomoyo, mga tatlong taon lang naman. Ayun, dumating si Eriol at pakiramdam ni Tomoyo, biglang uminit at biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya.
"Good morning Tomoyo, aga mo ah." Bati ng binata.
"Lagi naman akong maaga. Eh, ikaw ba't ang aga mo ata?" Tugon naman ni Tomoyo.
"Naisipan ko lang dumating ng maaga. Baka kasi may mga mas interesanteng bagay dito sa school."
"Ah, ganun ba?"
"Tomoyo."
"Oh, bakit?"
"Pwede magtanong?"
"Syempre naman."
"Totoo ba 'yung mga sabi-sabing…"
"Ano?"
"May crush ka raw sa'kin?"
'Ano raw? Bakit alam 'yun ni Eriol? Anong gagawin ko?' Napaisip si Tomoyo.
"Sino naman nagsabi sa'yo n'yan?"
"Sigurado akong kilala mo Tomoyo."
"Naku, Sakura. Patay ka talaga sa'kin mamaya."
Natahimik si Tomoyo.
"So, ano?"
"Anong ano?"
"Meron ba o hindi."
"Now or never Tomoyo. Kaya mo 'yan!" Bulong niya sa sarili.
"Meron… Siguro…"
Napatigil si Eriol, malamang iniisip ang susunod na sasabihin.
"At Miss Tomoyo Daidoji, ano namang nagustuhan mo sa isang hamak na Eriol Hiiragizawa?"
"Hmmm… Gentleman ka, minsan mayabang, minsan sweet, minsan 'di kita maintindihan. Cute 'yung smile mo saka marami tayong similarities."
"Flattered naman ako."
"So…"
"Oh?"
"Anong comment mo?
"Comment?"
"Anong reaction mo ngayong alam mo na."
"Sa tingin mo?"
Umupo si Eriol sa tabi ni Tomoyo.
"Hindi ako magician Eriol, hindi ko kayang bumasa ng isip. Ikaw siguro."
"Gusto mo bang basahin ko ang isip mo?"
"H'wag muna ngayon. Gusto ko muna malaman ang sagot mo."
"Tomoyo, may pagkamanhid ka rin no?"
"Pa'no mo naman nasabi 'yan?"
"Kasi sabi mo gentleman ako, para lang magustuhan mo ako. Minsan mayabang, para ma-impress ka. Sweet ako at malambing pero sa'yo lang. Marami tayong similarities kasi lagi kitang binabagayan. Siguro naman hindi ko na kailangan banggitin na nandito ako ngayon kasi gusto kitang makasama diba?"
"Oh."
"Oh?"
"Eriol Hiiragizawa, kakaiba ka talaga."
"Tomoyo."
Hinawakan ni Eriol ang kamay ni Tomoyo.
"Anong sagot mo?"
Ngumiti si Tomoyo na sinabayan din ni Eriol.
"Sa tingin ko alam mo na 'yung sagot ko Mr. Magician. 'Wag ka na uli papasok sa utak ko ha?"
"Yes Ma'am."
Nanahimik sila sa loob ng ilang sandali nang basagin ni Tomoyo ang katahimikan.
"Anong iniisip mo?"
"Iniisip kong lagi na 'kong papasok ng ganito kaaga."
Author's note: Ayan. Tapos na. Well, tinapos ko na kasi na-badtrip na ko. Anyways, review! Alam ko wala s'yang masyadong sense pero badtrip na talaga at wala na akong maisip eh... Sori ebriwan...
