Balita: Noong Marso 11, 2019, natagpuang patay ang isang babaeng 16 na taong gulang sa isang bakanteng lote sa bayan ng Lapu-Lapu, Cebu. Ang pangalan niya ay si Christine Silawan. Ang kanyang mukha't balat ay pinagtapunan ng asido at binalatan, tadtad ng saksak pa ang kanyang katawan at tinanggal ng suspek o ng mga suspek ang kanyang dila't lalamunan. Bago namatay si Christine, nagpaalam siya sa kanyang Nanay na siya'y magsisimba sapagkat siya ay isang church collector sa Sacred Heart Parish. Nang hindi siya bumalik, agad nag-alala ang Nanay ni Christine. Makakamit pa rin ba ng hustisya si Christine? Mapapatay ba ang mga hayop na taong pumatay sa kanya?


Isang inosenteng dalaga,

Na may mga pangarap sa buhay,

Ay malubhang sinaktan at pinatay

Nasaan ba ang Hustisya?

Mukhang biro nga lang ang Hustisya;

Wala na ang Hustisya, patay na ang Hustisya

Kung hindi huhulihin ang mga hayop na pumatay sa kanya,

Talagang panaginip lamang ang Hustisya

Kawawa talaga si Christine

Nasama sa hukay ang kanyang mga pangarap,

Pero mabubuhay pa rin ang mga ginawa niya sa buhay

Sa lahat ng mga tao sa mundo, si Christine ang pinili ni Kamatayan

Maka-Diyos, magalang, masunurin, mabait at tahimik;

Ito ang mga ugali ni Christine, ang mga ugaling ginugusto ng Diyos

Si Christine ay isang halimbawa para sa lahat ng kabataan ngayon

Halos ang lahat ng kabtaan ngayon ay nakatutok lang sa mga bagay na walang kwenta

Kung hindi pinatay si Christine, siya'y magiging isang guro

Kapag siya'y isang guro, tuturuan niya sa lahat tungkol sa kabutihan;

Tuturuan niya sa lahat na umiwas sa kasamaan at lumapit sa kabutihan

Sayang, hindi nangyari ang pangarap na iyon at hinding-hindi na mangyayari iyon

Matulog ka na, Christine

Alam naming lahat na ika'y nasa Langit

Huwag kang mag-aalala

Kasama mo na ang Diyos habambuhay.