A/N: Bagong fanfic. Matagal din akong hindi nakapagsulat ng fanfic. Gagawa akong muli. First time kong gumawa ng by-chapter na tagalong. Sana magustuhan niyo. Reviews and criticisms ha? :)
Diclaimer: Ang naruto at ang mga karakter na ginamit ay hindi ko pagmamayari.
A.U. and OOC.
Akin na na lang
By: Harley88
"Bakit mo ba kasi ako hinalikan? Ano ba talaga ako sa'yo?"
Ch.1- Simula.
"Hoy Sakura! Hinayhinay lang sa paglamon. Magdiet ka nga. Baka maging lumbalumba ka niyan balang araw." Sermon ni Ino sa kaibigan matapos ipatong ang bag sa ibabaw ng lamesa. Inirapan lamang siya ni Sakura.
"Asa naman. Mula pagkabata ko ibang klase na akong kumain. Ni minsan hindi ako tumaba. Alam mo yan no." Sagot naman ni Sakura sabay subo ng kanin. Ngumiti naman si Ino.
Magkababata silang dalawa. Meron pa silang isang kababata ngunit kasulukuyan itong nasa ibang bansa. Mula pa noon, petite na ang figure ni Sakura. Pink ang kanyang buhok at hindi ito lalagpas ng balikat. Simple lamang siya magayos at talaga namang malakas kumain. Matangkad at slim naman si Ino. Mahaba at blonde ang buhok na madalas niyang itali ng mataas. Ligawin ito kaya naman napakarami na niyang naging boyfriend di tulad ni Sakura na ni minsan ay hindi pa nagkakaroon. Ang madalas nitong idahilan ay "wala pa sa utak niya ang pumasok sa relasyon." Maganda rin naman si Sakura at marami rin itong manliligaw kaya lang, karamihan sa mga ito ay binasted na niya. Hindi niya rin alam kung bakit. Werd di ba?
"Haha. Oo. Hindi ka tumaba at hindi ka rin tumangkad" pangaasar ni Ino with a smirk. Inirapan siyang muli nito.
"Wag kang mayabang! Hindi kasi ako natutulog sa tanghali. At least kaya kong kainin ang kahit anong gusto ko. Hindi tulad mo, halos patayin na ang sarili sa diet. Pa'no kasi, takot bumalik sa dating figure. " Sagot nito sa kaibigan habang nakangiti.
"Tse. Manahimik ka nga babaeng malapad ang noo." Sambit ng blondie sabay irap.
"Haha! Pikon na si taba!" Gatong naman ni Sakura. Bigla naming nagtawanan ang dalawa.
"Ino, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Tara! Sama ka sa akin, ititreat kita." Sabi ng bagong ehem boyfriend ni Ino nang lumapit ito sa lamesa ng dalawa. Ngumiti naman si Sakura.
"Ah…teka. Hindi pa kasi tapos kumain si Sakura. Sasamahan ko muna siya."
"Ah! Hindi na! Ano ka ba, patapos na rin naman ako. Sumama ka na sa kanya. Mukhang kanina ka pa nga niya hinahanap." biglang singit ni Sakura.
"Sigurado ka?"
"Oo naman no. Sige na, hinihintay ka na niya oh. "Sagot niya habang nakanigiti. Tumayo na si Ino at nagbeso sa kaibigan. Kinuha na ng boyfriend niya ang mga gamit nito. "Ah.. bye Sakura, usap na lang tayo mamaya" Wika nito at tuluyan ng umalis.
Naiwan namang magisa si Sakura. Mabuti na lamang at tapos na rin siyang kumain. "Tsk. Ano ba naman 'tong pineapple juice nila hindi masarap." Sambit ng dalaga. Tumayo siya upang kumuha ng bagong inumin nang biglang…
"SHIT!" sigaw ng isang binata.
"Ah..a..so-sorry"
Katatayo pa lamang kasi ni Sakura nang may makabangga siyang isang binata at dahil sa katangahan, natapunan niya ito ng juice sa suot nitong shirt.
"So-sorry ." Sambit muli ni Sakura sa binatang kausap niya. Nakatitig pa din siya sa damit ng binata. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang damit nito.
"Walang epekto yan. Di bale na. Sa susunod kasi wag ka nang tatangatanga ha? Tumingin ka sa dinaraanan mo." Sambit nito. Wala masyadong emosyon ang pananalita nito. Hindi niya malaman kung mayabang ba o sarcastic ang lalake basta ang alam niya malaki ang kasalanan niya.
"Ah…oo. Sorry talaga kasi hindi kita napansin. Hindi ka kasi kapansinpansin eh." Sabi ni Sakura sarcastically. Aba! Hindi siya pahuhuli dito. Tumingin siya sa mukha ng lalake. Medyo nasindak naman siya sa kagwapuhan nito. Matangkad ang binata. Sa katunayan nga hanggang balikat lamang siya nito. Gwapo ito, maputi, itim ang mga mata at ang buhok. Pero gayun pa man, hindi siya nagpadala sa kagwaphuan nito.
"Hn. Maliit ka na nga hindi ka pa nagiingat sa dinaraanan mo. Sa susunod kasi gamitin ang mata."
Umusok naman ang ilong ni Sakura. MALIIT? Hindi naman masyado. Petite was the right term. Papalagpasin na sana niya ang sinabi ng poging binata nang gatungan pa nito ang pangaalaska. "Malapad pala ang noo mo no?" Sambit nito sabay smirk.
Nagputukan naman ang mga ugat ni Sakura sa noo. "AH GANON? So kelangan mong manglait? Palibhasa kasi iyang buhok mo binabahayan ng iba't ibang klase ng ibon. Diyan ka na nga." Sambit nito sabay kuha ng gamit at tuluyang magwalk out.
Napasmirk namang muli ang binata. Nasesense niya na, na magiging masaya ang buhay niya dito bilang kolehiyo.
"Lecheng lalaki yun. Laiitin ba naman ako! Maliit tapos malapad ang noo! Ang kapal ng mukha niya. Sino ba siya sa akala niya? Hindi naman siya saksakan ng gwapo. Dapat pala sinuntok ko siya sa sikmura kanina. Hmp. Di bale na nga. Leche yun. Panira ng araw. Sana hindi ko na siya makitang muli." Sambit ni Sakura habang naglalakad patungo sa library.
Nasa 4th floor ang library ng University. Sa tuwing stressed siya o iritable, dito siya nagtutungo upang magpalamig ng ulo. Mahilig siyang magbasa ng libro kaya naman ito ang ginawa niyang tambayan. Minsan naman ginagawa niya rin itong kwarto, dito siya natutulog. Pumunta siya sa paborito niyang pwesto nang may matagpuan siyang ibang babaeng nakaupo sa kanyang "sulok". Pero imbis na itaboy ang taong nakaupo dito, tinabihan niya ito at kinausap.
"Uhm… Hi. Gusto mo rin ba dito? Ito kasi ang madalas kong tambayan. Refreshing kasi tapos wala pang mangugulo sa akin. Kaya lang mukhang ginugulo kita ngayon. Hehe. Pasensya na. Ay, ako nga pala si Sakura. Ikaw?" Dirediretsong wika nito sabay ngisi na parang batang paslit. Napangiti naman ang dalagang tinabihan niya.
"A…ano… Ako nga pala si.. ah.. Hi-hinata." Pagpapakilala nito habang nagbablush. Mukhang mahiyain ang dalaga. Ngumiti naman si Sakura.
Maganda rin si Hinata. Mahabang kulay ube ang buhok. Maputi siya at tulad ni Sakura, petite din ito. Mas malaman nga lang ito ng kaunti sa kanya. Natuwa naman si Sakura dahil may bago na naman siyang kaibigan.
"Ah. Hi hinata. Uhm.. Ano yang binabasa mo? Gusto mo, sabay ka sa aming kumain bukas?" Alok nito sa kausap. Ngumiti rin si Hinata. Mukha itong nabuhayang ng dugo. Halata kasing wala itong masyadong kaibigan.
"Sige. Mu…mukhang masaya yan. Salamat." Sagot nito sa kanya. Hindi na nagbasa ang dalawa at nagkwentuhan na lamang habang nagpapalipas ng vacant time.
"Tsk. Ang lagkit. Ang tanga kasi nung babaeng bumangga sa akin." Sambit ni Sasuke matapos maghugas ng kamay. Buti na lamang at may dala siyang extra shirt sa kanyang kotse. Lagi naman talaga siyang may dalang extrang damit dahil may mga biglaan siyang lakad. Laro ng basketball, gimik kasama ang barkada at date kasama ang mga chicks niya.
"P're, mukhang walang talab sa'yo yung kagwapuhan mo dun sa babae kanina. Nilait ka pa. First time yun ah." Pangaasar ni Neji sa kaibigan niya. Nagsmirk naman si Sasuke.
"Nilait ko kasi." Sagot nito. Pero, napansin din niya ang kaibahan nung nakabangga niya kanina sa ibang babae sa unibersidad at sa iba pang babaeng nakakasalamuha niya.
Halos lahat kasi ng babae ay nagkakandarapa sa kanya. Gwapo kasi ito at matipuno. Suplado nga lang siya pero malakas sa chicks. Dumaan lang siya ay nagtitilian na ang mga tao. Habulin siya ng mga babae at maging ng mga binabae. At dahil marami siyang die-hard fans, nagtayo ang mga ito ng souvenir shops. Maari kang bumili ng Sasuke pillows, Sasuke mugs, Sasuke paintings, Sasuke pins at iba pa. Ang pinakamurang picture niya na mabibili mo ay nagkakahalagang 500php. Kung magaling kang tumwad, mabibili mo ito sa halagang singkwenta lamang. Marami na nga ang yumaman sa negosyong ito. Kaya kung gusto mong kumita ng malaki, magtinda ka ng larawan ni Sasuke.
"Kahit na ba. Hindi ka pa nga ata niya kilala. Hn. O ano, okay ka na?" Tanong ni Neji ng makita niyang nakatulala ang binata sa kawalan.
Iba nga naman kasi talaga yung babae kanina. Maganda siya at namangha siya sa kulay berdeng mga mata nito. Malapad nga lang ang noo niya pero medyo attracted siya dito. Teka… ano ba 'tong iniisip niya? Maliit yung babae at nilait siya nito. Si Uchiha Sasuke nilait ng isang maliit at payatot na babae na malapad ang noo. Hindi siya magpapahuli dito. Gagantihan niya ito kahit anong mangyari.
"Hoy. Sasuke." Takang takaka na talaga si Neji sa kung ano ang tumatakbo sa utak ng kaibigan. Wala kasing emosyon ang mukha nito pero halatang malalim ang iniisip nito. At dahil matalino siya, narealize niya kung ano ang iniisip ng kanyang kaibigan. Yung babae kanina. Obviuos naman.
"Sabi ko na nga ba may gusto ka dun sa babae kanina" Wika ni Neji. Bigla namang bumalik sa sarili si Sasuke. Nag smirk muli ito.
"Hn. Asa naman. Sa dinamirami ng mga naging nobya ko, magkakagusto ako sa tulad niya? No way." Sambit nito. Ngumiti naman si Neji at nanatiling tahimik.
"Ang lakas naman ng ulan." Naiiritang wika ni Sakura habang nakatayo sa ilalim ng waiting shed, hindi kalayuan sa kanilang Unibersidad. Hindi naman kalayuan ang dorm nila sa Unibersidad kaya lamang, habang naglalakad siya ay bigla namang bumuhos ang ulan. At dahil wala siyang dalang payong at wala rin siyang boyfriend na maghahatid sa kanya sa kanyang inuuwian, kailangan na lamang niyang magabang ng tricycle o kaya ay antaying tumila ang ulan.
"Mukha namang hindi titila yung ulan. Tsk. Sana may dumaang tricycle." Nanginginig na siya sa lamig. Nabasa kasi siya ng ulan habang naglalakad. Mga 30 minutes na syang nakatayo sa ilalim ng waiting shed pero halos lahat ng dumaraang tricycle eh may lamang pasahero. Hindi niya naman afford na magtaxi pauwi dahil kulang ang pera niya.
Mayamaya, may kotseng nagbusina. Hindi niya ito pinansin pero nagbusina itong muli sa kanya. Tumigil ito sa harapan niya at ang bintana ng driver ay bumaba. Nagtaka naman siya kung sino ang misteryosong tao sa loob ng sasakyan.
"Sabay ka na." Sabi ng gwapong lalake sa kanya. Nagdalawang isip naman si Sakura kung sasabay ba siya sa lalakeng ito. Mukha naman siyang mabait pero hindi siya pwedeng magtiwala basta na lang. Baka mamaya marape pa siya. Pero, at least gwapo ang mananamantala sa kanya. Imposible namang pagnakawan siya nito dahil mukha itong mayaman sa porma at sasakyan pa lamang nito. Ang hirap namang magdecide.
"Uy. Sakay ka na. Mukhang lalo pang lalakas 'yung ulan oh." Sabi nito habang nakangiti sa kanya. Ngumiti naman si Sakura sabay ipit ng buhok sa tainga.
"Ah..si-sige. Kaya lang, basa ako." Sabi niya matapos pumasok sa sasakyan ng lalake.
"Ayos lang yun. Saan ka ba nauwi? Hatid na kita." Sabi nito na lalo namang nagpakilig kay Sakura. Grabe. Natagpuan na ata niya ang "dream guy" niya.
"Ah..Malapit lang. Kaliwa ka sa kanto, tapos diretsuhin mo lang, maymaya kumanan ka kapag nakita mo yung "aling bebang's store". Tapos… diretso lang ulit kapag may nakita ka ng kulay orange na dorm, yun.. dun ako pansamantalang umuuwi." Sagot niya sabay kagat sa labi. Kinikilig na talaga siya. Itim rin ang buhok ng lalakeng kausap niya. Maputi rin ito at mukhang mas matanda ito sa kanya ng ilang taon.
Napangiti naman yung binata sa sinabing mga direksyon ni Sakura. "Akala ko ba malapit lang? Tsaka, sana sinabi mo na lang sa akin yung pangalan ng dorm mo para hindi ka na nahirapang magpaliwanag. Alam ko naman yung mga dorm dito."
Namula naman si Sakura sa kahihiyan at kilig. Oo nga noh? Sana pala sinabi niya na lang yung pangalan ng dorm nila. Kahit kelan talaga…di bale. At least napangiti niya yung binatang kausap niya.
"Ha-haching!"
"Giniginaw ka ah. Eto oh, panyo. Punasan mo yung mukha mo. Tsaka, ito, suot mo jacket ko." Inabot nung poging lalake ang kanyang panyo. Kinuha naman ito ni Sakura. Tapos, kinuha nung lalake yung jacket niya sa may passenger's seat sa likod at sinuot ito sa dalaga. Pilit namang pinipigil ni Sakura ang pagkakilig. Pero sa totoo lang, gusto na niyang tumili. Ang sweet nung lalake. Gwapo pa. Sana single pa siya at ready to mingle.
"Uhm..thanks. Pasensya na ha? By the way, ako nga pala si Sakura. Haruno Sakura. Ikaw? Uhmm… anong pangalan mo?" Tanong niya habang nakatitig sa panyong ibinigay sa kanya ng binata.
"Ah.. Itachi. Uchiha Itachi." Sagot nito habang seryoso sa pagmamaneho. Ngumiti naman siya. Itachi…sounds nice. Sabi niya sa kanyang isipan sabay ngiti.
Nagkwentuhan ang dalawa sa biyahe. Dahil magaling magpigil si Sakura, kahit na kilig na kilig na siya eh, hindi naman ito nahalata ng binata.
"Ah..dito na ako. Thank you ulit Itachi ha? Uhm… salamat din sa jacket. Lalabhan ko na lang tapos ihahatid ko sa bahay niyo. Saan ka ba nakatira?" Dirediretsong sabi niya bago bumaba. Ngumiting muli ang gwapong binata.
"Wag na. Sa'yo na yan. Bagay naman sa'yo eh. Terno sa kulay ng mga mata mo."
Ngumiti naman si Sakura. "Ah.. sige. Thank you. Bye." Wika niya at tuluyan ng bumaba sa sasakyan.
Nginitian naman siya ni Itachi at kinawayan bago umalis. Dalidali naman siyang pumasok sa loob ng kanilang dormitory nang harangin siya ni Ino.
"Hoy lapad-noo, sino yon? Aba… hindi mo kinukwento sa aking may taga-hatid ka na pala. Sino yun ha? Gwapo ba?" Nakangiting tanong ni Ino. Namula naman si Sakura.
"Ah…uhm…oo." Sagot niya. Nanlaki naman ang mata ni Ino.
"TALAGA?" nakangiti niyang tanong.
"oo nga." Sagot ni sakura. Nagtitigan muna sila at sabay na nagtilian sa sobrang kilig.
"Kwento mo sa akin anong nangyari!" Dalidaling tanong ni Ino. Nagkwento naman si Sakura habang patungo sa kanilang kwarto.
"Tsk. Kotse kaya ni Kuya yun?" Nagtatakang tanong ni Sasuke habang nagdadrive pauwi. Aalukin kasi sana niya ng ride pauwi yung babaeng nakabangga niya nung lunch nila nang makitang naunahan na siya ng ibang binata. Dapat talaga hindi na siya nagdalawang isip na ihatid ang dalaga. At dahil kahawig ng isa sa mga kotse ng kuya niya ang kotseng naghatid sa dalaga, iniisip niya tuloy kung kuya niya ba ang naghatid dito.
"Bakit ko ba yun pinoproblema? Tss. Di bale na nga." Sambit ni Sasuke habang nakasimangot.
