Ang aking imortal.

SesshoumaruXRin.

Disclaimer: I do not own Inu Yasha. Hindi din akin yong kanta.

Summary:

Ano ang kayang ibigay ng isang immortal sa pag ibig nila ng isang mortal?

Pagod na ako sa pamamalagi ko rito.

Pinipilit kong tanggalin ang aking takot mula sa pagka bata ko.

Pero kung kailangan mong umalis,

Sana ay umalis ka na lamang.

Dahil ang presensya mo ay ayaw maalis;

At ayaw ako nitong iwan,

Ang mga sugat na ito'y ayaw maghilom,

Ang sakit ay masyadong makatotohanan…

Na kahit mag daan ang panahon ay mahirap maghilom….

Kapag ikaw ay umiyak, ay pupunasan ko ang luha mo…

Sumigaw ka man sa takot, ay itataboy ko sila palayo sa iyo…

Hahawakan ko ang iyong kamay sa bawat taong magdaan…

Pero nanatili kang nakahawak sa buong pagkatao ko…..

Matagal na akong nahuhumaling sa iyong liwanag,

Pero ngayon ay nananatili ako sa buhay na iyong iniwan,

Ang iyong mukang nag-mamanipesto;

Sa isang magandang panaginip,

Ang iyong tinig

Na tinatanggal ang lahat ng aking katinuan…

Ang mga sugat na ito'y parang ayaw maghilom,

Ang sakit na ito'y masyadong totoo…

Na kahit mag daan ang panahon ay mahirap maghilom….

Kapag ikaw ay umiyak, ay pupunasan ko ang luha mo…

Sumigaw ka man sa takot, ay itataboy ko sila palayo sa iyo…

Hahawakan ko ang iyong kamay sa bawat taong magdaan…

Pero nanatili kang nakahawak sa buong pagkatao ko…..

Pinilit ko ipa-intindi sa sarili ko na wala ka na…

Ngunit kahit na alam ko na narito ka,

Ay mananatili parin akong mag isa

mag-isa…

"Rin" ang tawag ni Sesshoumaru sa pangalan niya. Halata sa mga mata nito ang lungkot sa natitirang oras sa buhay niya… may luhang dumaloy sa pisngi nito, nanginginig na mga daliring pinahid ni Rin ang mga iyon, saka siya naluluha ding ngumiti, nalalapit na ang kanyang oras, at alam nilang pareho na iyon.

Isang hinga at ang dating mainit na palad ni Rin na nakahawak sa kamay ni Sesshoumaru ay unti-unting nawalan ng lakas…

"Waaahhh" Sesshoumaru cried, as he held the dead cold body of Rin…

Ang dating walng reaksyong muka nito ay puno ng hinagpis dahil sa pag-kawala ng isang tao, na nag mahal sa kanya at minahal din nya…

Tumayo si Sesshoumaru na dala ang katawan ni Rin, ay binuksan ang pintuan sa kabilang buhay gamit ang kanyang mahiwagang espada…

At doon ay nanatili siya…

End

A/N: Kamusta ito ang first Fan fiction ko sa Inu Yasha. Depressing pa, ano ba ako? Hehe, pero kasi sa tingin ko ganito ang kahihinatnan ng pag-iibigan ng mortal at immortal talaga, kailangang may mag sakripisyong isa upang sila ay manatiling mag-kasama…

Hayyy….

Review?