Krisis, Krisis sa Konoha!
By Shizuku Seta
CHAPTER 1
Simula ng tag-init sa bayan ng Konoha. Panahon na naman ng sore eyes, bungang araw at sunburn. Gayunpaman, ito ang much awaited season ng lahat. Bakit hindi? Vacation time na, makakapagswimming at makakapagrelax sa beach ang lahat.
Magtungo muna tayo sa opis of the president. Naroon si Tandang Tsunade naliligo sa sarili niyang pawis. Ang kanyang alagang baboy na si Tonton ay nagmamantika na at unti-unting nachichicharon. Nawasak kasi ang brand new nilang aircon. Aksidente itong nasagi ng siko ni Master Tsunade nang magalit ito sa isang ninjang nagnakaw ng kanyang paboritong bra. At dahil higit nga naman sa pinagsamang lakas ni Incredible Hulk at Toguro ang lakas niya eh sigurado namang pang-junk shop nalang ang beauty ng kawawang aircon na tumilamsik pa palabas kasama ng pagkabasag ng salaming bintana nila. Nagsuggest ang mga elders na bumili nalang muna ng mumurahing electric fan para mabigyan ng panandaliang solusyon ang nag-iinit na problema ngunit ang panukalang ito ay hindi pa maaprubahan ng kongreso. Nagkataon pa kasing kapos na kapos sa budget ang bayan kaya ni elesi ng electric fan ay hindi makapaglaan o makapag-ambag man lamang kahit na singko. Kumalat tuloy ang mga bali-balitang maraming kurakot sa administrasyong Tsunade. Naglabasan ang tsismis na ginamit raw ng hokage ang pera ng taong bayan para magpalagay ng mga breast implants. Napabalita rin daw na nagpa-sex change ang alalay niyang si Shizune. At kahit ang walang kamuwang-muwang nilang alagang baboy ay di rin tinantanan ng mga batikos. Masyado raw magagarbo at mamahalin ang mga alahas at damit na suot nito. Sosyalerang baboy 'ika nga. Dahil duon, ginawa ng oposisyon na simbulo raw ng pamunuan ang baboy. Pambabababoy daw sa mga mamamayan at sa bayan. Ngunit ang mga paninirang ito ng mga kalaban sa pulitika ay di na pinansin ng mga nakatataas. Ang lahat ng mga iyon ay pawang kasinungalingan at kasinungalingan lamang. Ang tanging pinangangambahan lang ni Shizune ay ang pagkasiwalat sa publiko ng gabundok na utang ni Tsunade at ang ugaling pagiging lasenggera at sugalera nito. Makakaapekto ito sa imahe ng hokage at maaari pang gamitin ng mga kalaban upang lalo pang mapabaho ang reputasyon nila at mapabagsak ang pamahalaan. Di ata titigil ang mga iyon hangga't di napapatalsik sa pwesto ang pinuno nila.
Habang patuloy na nalelechon ang mag-amo sa silid, pumasok si Shizune na sisinghot-singhot sa paligid. "Master Tsunade, ba't parang ang asim ng kwarto ninyo?"
Nainsulto ang nanlilimahid na hokage sa mga salitang binitawan ng kanyang alalay kaya bigla itong nagdabog sa desk. "Shizune, tignan mo nga sa kalagayan kong ito, paano pa ba ako makakaligo, aber?! Alam mo namang nahaharap tayo sa matinding krisis ngayon, makukuha ko pa bang magpapetiks-petiks nalang? Pinag-iisipan ko pa kung uutangin pa ba natin sa Suna ang pambili natin ng bentilador."
"Pero Master Tsunade, mas makakapagtrabaho po kayong mabuti pati na rin po ang mga tao sa paligid kung maliligo kayo. Sino naman pong nagsabing papetiks-petiks ang paliligo? Eh lahat po ng tao kailangan yun," ani Shizune habang tinatakpan ang ilong.
Di pinansin ng hokage ang panukala ng alalay. "Ano sa tingin mo, Shizune? Oorder nalang ba ako sa Suna ng gargantuan electric fans?"
"M-master, mas makakamura po kayo kung dito nalang tayo sa Konoha mismo bibili. Alalahanin pa natin ang dagdag na shipping fee at tax sa Bureau of Customs pag umorder tayo ng imported goods."
"Ngunit di hamak na mas matibay naman ang mga appliances nila sa disyerto. Natatagalan nito ang mga high temperatures at sandstorms duon. Pwede naman tayo makipagdeal or no deal sa kanila para maibaba ang presyo."
"Ayan na naman kayo Master. Wag niyo po ilagay sa alanganin ang public budget natin. Kung di nyo lang po kasi winasak yung aircon natin eh di sana magkakaganito ang lahat!"
"Anong sinabi mo?!"
"Ah-eh, sabi ko po, tumataas na din po ang inflation rate. Pati nga po ang presyo ng panggatong di mapigilan ang pagtaas. Baka nakakalimutan niyo po na 80% po ng kagubatan ng Konoha ang nawipe out matapos tayo giyerahin ni Orochimaru. Hindi kayang palitan ng mga taga-Suna ang mga naglahong punungkahoy basta-basta. Aabutin po tayo ng ilang mga taon pa bago tumubo uli ang mga ito."
"Akala mo ba di ko alam yan Shizune?! Ang mga taga-Suna ay may atraso din sa atin kaya karapatan nating humingi sa kanila ng malalaki at matitibay na bentilador! Ngunit bunga ng giyera pati ang bayan nila ay tinamaan ng recession kaya malaking diskwento nalang ang hihingiin natin sa kanila, bilang galang na rin sa yumao nilang kazekage… At tungkol sa mga puno natin, ang mga ninja na ang bahala duon!!!"
Kumagat ng kitkat si Tsunade ngunit di napawi ng tsokalate ang pagod at pagkairitang nadarama niya. Gusto sana niya ng alak ngunit minu-minuto siyang pinangangaralan ni Shizune. Isang araw nakita nalang niyang may kitkat sa lamesa at iyon ang una niyang nilapa. 'Have a break, have a kitkat' ang payo ng alalay niya.
"Lintek, 'kaw na nga nagsisilbi sa bayan, sila pa ang may ganang magalit!" bulong ni Tsunade sa sarili. "Mga walang utang na loob!!!"
"Ah… master…" Pinisil ni Shizune ang ilong niya upang di maamoy ang toxic na hangin sa opisina. "Aalis na po ako…"
Natigilan si Tsunade. Inamoy-amoy niya ang kanyang underarms. Masama na ito. Nagsisimula na nga talaga magform ang kanyang B.O. Isang staff pa naman sa kanyang medical team ang nakadiskubre ng bagong specie ng bacteria sa kilikili na nakamamatay. Ayon sa research, ang strain na ito ay nagrerelease ng makamandag na asidong nakakapagpatunaw ng kilikili. Kung di agad maaagapan ay unti-unti itong kakalat at kakainin ang buo mong katawan. Nuong una naisip niyang baka pakana lamang ni Orochimaru ang biological warfare na ito ngunit ayon sa mga eksperto sa lugar ito ay isa lamang itong microbial mutation sanhi ng napabayaang putok.
"Teka, paypayan mo nga ako!"
"Master naman, ilang linggo na po akong nagpapaypay sa inyo. Tignan niyo po ang mga kamay ko, balot na balot na sa bandage! Maawa naman po kayo sa akin!!!"
"Eh paano naman ako makakapagtrabaho?! Ang init-init!!! Ang mga papel ko nga dito basang-basa na rin ng pawis!!!"
"R-relax lang Master, makakadagdag sa heat wave ang init ng ulo ninyo. Eh kasi naman summer na summer na, ba't di nalang kasi tayo maligo sa beach?"
Hinimas-himas ni Tsunade ang baba niya. Napag-isip-isip niyang bigyan niya muna ng break ang sarili niya. Matagal na rin naman siyang di nakakapunta sa beach. A little relaxation cannot hurt naman and besides baka makatulong pa ang tubig-alat para maglaho ang deadly anghit niya. Napatayo siyang bigla sa silya.
"Eh di ano pang hinihintay mo dyan, tayo na!!!" Sa isang kisapmata, nawala bigla ang hokage.
"Wait lang Master, kukunin ko pa ang salbabida ko!"
*****
Sa gitna ng kalye, patuloy sa paglalakbay ang dalawang Akatsuki.
"Naamoy mo ba iyon, Kisame? Parang inihaw na isda. Nakapagtataka, wala namang nag-iihaw sa paligid. Di kaya isa 'tong genjutsu?"
"I-itachi…"
Napalingon si Itachi. Laking gulat niya nang makitang umuusok na pala ang balat ng kasama. Si Kisame pala ang nangangamoy. Kanina pa ito napiprito sa araw. Alam niyang kung di pa siya kikilos ay maluluto nalang ito sa kanyang harapan.
"T-tubig…"
Sa opinyon ni Itachi, ang pating na ito'y di nararapat bigyan ng kahit kakarampot na awa. Eh ano naman kung maluto ito? At least may kakainin siya, di na niya kailangang humuli ng isda o kaya naman bumili sa karinderya. Ngunit naalala niyang kakailanganin pa niya ang serbisyo ng partner niya hangga't di natatapos ang kanilang misyong kidnapin si Naruto.
"Ch-chubeeg…"
Kablahg! Bumagsak ang syokoy sa lupa. Nagsimula nang bumula ang bibig nito at manginig ang mga kalamnan. Nagsisimula nang kumawala mula sa eyesockets ang mga eyeballs niya at nagkukulay abo na rin ang balat niya. Ang sarap sana panoorin naghihingalo ang kasama ngunit nang itutulak na sana na niya ang partner sa may imburnal, naalala niyang di pala natotolerate ng mga lamandagat ang polluted waters. Napaisip din siya kung ayos na ba ang tubig-tabang sa isang pating na kagaya niya o kailangan pa niyang haluan ito ng asin para maging tubig-alat.
"e-ee.. elp"
Nagsimula na mag-umpukan ang mga tao sa paligid. Kaya bago pa man ma-catch ang attention ng buong barangay at mailathala sa obituaries ang pangalang 'Hoshigaki Kisame' ay itinakbo na niya agad ito to the nearest sanctuary.
*****
Sinimulan na ang tree planting program sa kagubatan ng Konoha. Naatasan ang kalahati ng mga genin mula sa Suna at Konoha na magtanim ng seedlings sa nakalbong bahagi ng kagubatan. Narealize nilang lahat na ang magtanim ay di biro kaya naman ang bawat isa ay nagpakita ng kanilang angking talento upang mapadali ang trabaho. Nag-anyong bola si Choji at nagpagulong-gulong sa lupa upang mabungkal ito. Si Shino at Temari ang naging Mr. and Ms. Agents of Pollination ng kani-kanilang bayan. At si Gaara, ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkawasak ng gubat noong maglaban sila ni Naruto, ay ginamit ang buhangin upang mapalambot ang lupa at maibaon ng maayos ang mga seedlings. Manghang-mangha tuloy ang mga kabataang ninja sa panonood sa kanila. Syempre, magpapatalo ba naman ang ating bida?
"Kagebunshin times two times two times two…" Halos sandaang kulugo ang lumitaw. Nagkaipitan tuloy silang lahat na parang sardinas.
"Oy, Naruto!" Si Shikamaru iyon, ang nag-iisang chunin na nautusang mamuno sa programa. "Overpopulated na tayo. Bawas-bawasan mo naman ang mga clones mo."
"Kagebunshin times one times one times one!" Quintuplets nalang ang natira.
"Hay Naruto, bumalik ka nga sa elementary! Hanggang ngayon ba naman di mo pa rin kabisado ang multiplication table!" sabad ni Sakura.
"O mga bata, tama na yan. Magrelax na kayo. Kami na ang tatapos ng mga nasimulan ninyo!" tawag ng isang wood element ninja na mukhang si Yamato-daicho.
"Sakura, sumama ka sa amin, ligo tayo sa beach!" yaya ni Ino.
"Psst… Naruto, yayain mo nga si Gaara," siko ni Shikamaru.
"Gaara, naliligo ka din ba? Sali ka sa amin!"
"Parang nang-iinsulto 'tong bubuwit na ito sa kapatid ko…" sambit ni Kankuro sa sarili.
Si Gaara naman ay natulala, natulero, di alam ang gagawing reaksyon. First time kasi siya yayain ng kung sino man sa kung saan-saan. Kumbaga virgin pa siya sa mga ganitong sitwasyon.
"Ano ba Gaara, pumayag ka na! Patunayan mo sa kanilang naliligo ka rin sa tubig!"
"Kankuro, ano?" tanong ni Naruto.
"OO NAMAN NOH! 'KALA MO BA MAGPAPAIWAN KAMI DITO!"
"Basta binabalaan kita, matatanggal yang make-up mo sa mukha!"
"ANONG!!! HUMANDA KA BUBUWIT AT BAKA IYANG MUKHA MO ANG TANGGALIN KO!"
"Ikaw rin Gaara, kelangan mong alisin ang armor of sand mo sa katawan!"
"Ha? Ah, oo…" Napangiti nalang si Gaara. Handa na siyang magstep out of the shell upang maipakita sa mundo ang kanyang bagong image.
END OF CHAPTER 1
Abangan sa Chapter 2…
Nakarating na sa resort ang ating mga bida ngunit anu-anong mga kaganapan ang bubulabog at gugulantang sa bawat isa sa kanila?
