Magmahal Muli
DISCLAIMER: Hindi ko pag-aari ang Saiyuki.
Isang araw, sa isang malamig na silungan, natutulog na sina Hakkai at Gojyo, pero gising pa rin si Goku upang magtanong...
"Sanzo, mahal mo ba ako?" namula sa galit ang pisngi ng pari at sinabing: "Tumahimik ka!" Wha-Pack! "Arayyyyyyyyyyyyyyyyy!"
Umaasang magmahal muli
Ang buong akala'y kong siya na
Kabiguan ang napala
Paghilom ng puso'y hindi madali
Ang malaman ang mahal mo'y
Walang pag-ibig sa iyo
Umiyak sa kuwarto nang mag-isa si Goku. Maaga pa lamang ang gabi at bumalik sa utak niya ang mga nangyari sa pagitan nila ni Goku...
Ang umaasang magmahal muli
Ang siyang magagawa
Huwag hanapin ang pag-ibig
Ito'y darating
Ito'y darating...
Ito'y darating sa iyo
Hindi pa rin malusaw ang pusong yelo ni Sanzo hanggang na naalala niya ang kanyang nagawa kay Goku at hindi kinilala ang kanyang pag-ibig.
Hangga't sa tao'y matuto
Sa kabiguan natamo
Kaya ako'y maghihintay
Sa tunay kong mahal
Isipin ang bukas
At kalimutan ang nakalipas
"Bakit ko ginawa iyon?" tanong ni Sanzo sa sarili habang umiiyak at napunit na ang dyaryo sa kamay niya.
"Bakit hindi makita ni Sanzo na mahal ko siya?" tanong ni Goku sa sarili niya at nabasa ang mga kumot.
Mamaya...
Ang umaasang magmahal muli
Ang siyang magagawa
Huwag hanapin ang pag-ibig
Ito'y darating sa 'yo
Pumasok si Sanzo sa kuwarto ni Goku, umiiyak pa rin si Goku na ang ulo niya ay nasa dingding at basa na ang mga kumot sa luha niya. Yinakap niya si Goku malapit sa kanyang puso at biglang tumigil ang iyak ni Goku.
"Ang aking araw..." umikot iyon sa utak ni Goku, "Mahal mo ba ako, Goku?" tanong ni Sanzo habang pinupunas ang luha ni Goku sa kumot na nakakalat sa sahig.
"Oo, mahal kita nang buong puso." "Paumanhin, Goku, mahal na mahal kita." "Salamat."
Aking naranasan
Ang pagluha tulad ng ulan
Hinalikan sa noo ni Sanzo si Goku at humiling si Goku na siya ay laging nasa
bisig ng kanyang araw na pinakamamahal.
Ang umaasang magmahal muli
Ang siyang magagawa
Huwag hanapin ang pag-ibig
Ito'y darating
"Sorry talaga sa sinabi ko, Goku." "Okey lang iyon, Sanzo, dahil mahal naman kita eh." "Salamat talaga."
Natulog ang dalawa sapagkat pareho na silang antok. Nagising silang pinagtatawanan nila Gojyo at Hakkai.
"Nagkasundo na rin pala kayo ng unggoy, ha?" "Istupido!" "Tama na!" "Mahal talaga kita, Sanzo!" "Ikaw rin, Goku."
Ang umaasang magmahal muli
Ang siyang magagawa
Huwag hanapin ang pag-ibig
Ito'y darating
Ito'y darating
Ito'y darating sa 'yo
