Sundot-Kulangot
By: russet-fangs
Author's notes: alam nyo naman siguro na sumusulat din ako sa English pero napag-isipan kong mag-sulat muna sa tagalog kasi wala lang at meh sipon ako. Bakit sundot-kulangot ang title nito? Aba'y magbasa kayo…Iaalay ko sana to sa paborito kong manunulat kaya lang baka patayin nya ko.
Disclaimer's note: di ko trabaho ang mang-akin kaya sorry na lang
Ooo000ooO
Tanghali na at wala pa ring syang huli. Masakit nga naman ang magtrabaho ng walang almusal at tanghalian, iniwan ka pa ng iyong kasintahang sumama sa isang mayamang may-ari ng mga bangka. Si Uzumaki Naruto, isang hamak na mangingisda, ay patuloy pa rin sa pagninilay-nilay ng kanyang buhay ng magulantang sya sa pagyugyug ng kanyang bangka sa may sapa.
Ewan kung bakit ang lalaking ito ay nangingisda sa may sapa. Marusing na ang kanyang pananamit at may hmm…"bango"/ "halimuyak" na sya nang isang isda. Bagay nga sila ng mga isda, bukod sa amoy ay maari na rin syang maging kamukha nito. Oo, matagal na nga siyang walang kinakain at gustuhin man nya, sori na lang pare, out-of-order ung wallet nya.
Sya lang ang bukod tanging nangingisda sa sapa. Siguro akala nya dahil sya lang mag-isa ay mas marami syang mahuhuli. Pero dahil bida sya hindi ko na pagdududahan pa ang kanyang katalinuhan. Habang malakas pa rin ang paggalaw ng kanyang bangka sa alon, napansin nyang napupunit na ang kaisa-isa nyang lambat. Nagmula pa raw ito sa lolo ng pinsan ng pamangkin ng nanay nya at gawa pa ito sa hibla ng mapuputing buhok ng mga matatandang nasa angkan ng Hyuuga. Kung ihahambing sa ibang produkto masasabing branded ang lambat nya. Kinuha nyang mabilis ang nasabing lambat at iniahon sa mababaw na tubig.
Masaya sya ng makuha nya ang lambat. Ito na lang kasi ang nagiisa nyang pag-aari bukod sa kanyang mala-dyos na katawan, mala-latinong boses, at pangbasurahang damit. Minsan ay mayroon din naman syang naging kasintahan. One-sided love, pero di nya ito ininda. Ganyan daw ang pag-ibig, parang sundot-kulangot pag nasundot mo na wag mo na pakawalan. Malas na lang nya dumulas at nalaglag sa kamay ng mas mala-dyos ang katawan, kasing lamig ng nagyeyelong kanin sa canteen ang boses at damit na pede pamunas ng paa ni Angelina Jolie. Naakit ng todo ang kanyang "kasintahang" si Haruno Sakura at iniwan syang nagdurusa kasama ng kanyang pinatutuyong dilis sa init ng araw.
Sa inaasang pagkakataon dito na darating ang leading lady nya na mas mahinhin pa sa mga susong sinubukang kainin ni Naruto kagabi lang. dumating sya sa anyo ng isang sirena, hinde ung kumakanta sa mga bar tuwing gabi. Natulala ang bida, napanganga at pumikit-pikit.
"uh…. Um…" namumula na ang sirena at parang may sinasabi sya sa mga maiikli at mahinang tinig/ ungol.
"ehh… miss, hi!" bumati sya na parang walang pakialam sa itsura at sinasabi ng kakaibang nilalang sa harap nya.
"ah..uh..hn..hm…"
Ngumiti si Naruto labas lahat ng ngipin. Tumigil ang kanyang mundo at parang may nakikita pa itong mga matatabang anghel na umiikot sa kanyang ulo. Nababangag lang ata. Suminghot sya at ngumiting muli. Napansin ito ng sirena at nagpanic. Akala siguro manyak na galing sa outer space. Konti na lang maglalaway na ung binata. Kawawa naman wala kasing pumapatol kaya kahit ibang nilalang eh pinapatulan.
Lumipas ang oras at nahimasmasan na si Naruto. nakalimutan nyang pakawalan ung sirena mula sa yakap ng kanyang mamahaling lambat. Anyong natuwa naman ung babae, kung hindi ko pa man nababangit ung gender, at sinikap lumundag sa tubig. Ngunit… walang balak si Narutong pakawalan ang sirena sa kanyang mainit na pagmamahal.
Ooo000ooO
Note ulit: makulit at korni ang kwento pero magbasa pa rin kayo. sensya na po kung masyadong maikli. Un pa lang kasi ang kinaya ng mga kamay kong tamad. Salamat at sana naenjoy nyo to.
