Hi! Tagal ko di nakapag sulat! Hahahaha mag tatagalog na ako badtrip na mga kaklasmayt kong tamad! Eto tuloy ako…. Huhu…

My story for today is about Igneel Jude and Gale story…. You guess it right! Natsu and Lucy son and Gajeel and Levy's daughter!

Ready?

Go!

"Tabachoy~" ang tawag ng isang batang lalaki sa bilugang batang babae.

"Eh ikaw payatot~" ganti ng batang babae sa batang lalaki.

"tabachoy~ tabachoy~" pang aasar pa ng batang lalaki. Siya si Igneel Jude Dragneel. Panganay nina Lucy at Natsu Dragneel

"Susumbong kita sa daddy ko!" maluha-luhang sabi naman ng batang babae. May kabilugan pero tama lang naman. Gale Redfox. Anak nina Levy at Gajeel Redfox.

"Eh di sumbong mo" hamon ni Igneel Jude or Igie.

"Daddy si Igie po oh!" sigaw ni Gale.

Pero mabilis na nakatakbo na si Igie pauwi.

"Hayy nako yang anak ni Natsu pinaiiyak na naman si Gale" Sabi ni Gajeel kay Levy.

"Talaga?" Tanong naman ni Levy.

"Bakit parang masaya ka pa?" Tanong ni Gajeel

Isang makahulugang ngiti ang sagot ni Levy kay Gajeel.

"Oh… Hwag mo namang idamay sa pag giging hopeless romantic mo ang anak natin ha" Sabi ni Gajeel.

"Bakit? Matagal na naming usapan yun ni Lucy" sabi ni Levy.

"Haay… Ewan ko sa inyo… basta pabayaan nyo silang mamili"

"Wag ka ngang nega… basta sila pa rin naman ang mag dedecide nun sa future"

"Haaayyy" buntong hininga ni Gajeel.

"Igneel Jude Dragneel" ang tawag ni Lucy sa anak. Pag ganito galit na talaga ang mama nya sa kanya.

"Yes My?" mala anghel na humarap sya sa mama nya.

"Saan ka galing?"

"Kina Tita Levy po"

"Pina iyak mo nanaman si Gale no?"

"Hindi po" painosenteng sagot ni Igneel.

"Anung hindi. Katatawag lang dito ni Gajeel. Naku ikaw pag patuloy mo binully si Gale papahirapan ka nun pag nanligaw ka sa kanya" sabi ni Lucy.

"Yuck mommy"

"Anung yuck-yuck ka dyan," Pero bakit parang masaya pa si mommy?

Liligawan nya si Gale?

Yuck.

Tabachoy kaya yun. Baka pag nag hug kami mabali pa buto ko…

"Hayy. Naku Natsu yung anak mo ina-away na naman anak ko" sabi ni Gajeel kay Natsu.

"Ganon ba? Pakasal na natin" sagot ni Natsu

"Gagu. Para kang sina Levy at Lucy ah" sabi ni Gajeel

"Ayaw mo nun future owner na anak mo ng company eh di walang labas di ba?"

"Adik ka din eh noh? Bakit hindi sa anak ni Ice freak mo ireto anak mo?"

"Ah mas malapit kasi edad ng mga anak natin eh"

"Ewan basta sila pa din mag dedesisyon nun"

"Syempre. with a little push"

Hehe stop muna gagawa pa ako ng written report eh.

Ja!

Matta!

Minna!