"Doctor!" Tawag ni Amy sa kusina ng TARDIS. Biglaan naman bumaba si Doctor galing sa control room.

"Anong meron, Amy?" Tanong ni Doctor, nakangiti.

"Nasaan yung sandwich ko?" Tinanong ni Amy, hawak ang plato. "Kanina ko lang to ginawa. Sana kakainin ko yun pero wala naman na!"

Tumawa naman si Doctor na kinakabahan tapos biglang tumakbo sa labas ng kusina.

"Doctor! Ikaw yung kumain pala!" Sigaw ni Amy ng galit, tumatakkbo sa likod ng Doctor.