Chapter 1

Ano kaya kung hindi sa basketball nahumaling ang ilan sa mga characters ng Slam Dunk?

Ano kaya kung meron pa pala silang isang katauhan na hindi natin inasahan?

Heto na naman…nakaupo na naman sa klase…naisip ni Fukuda habang pinapanood ang kanyang kaakit-akit na gurong babae. Lagi na lang bang ganito? Wala na bang ibang pwedeng gawin sa buhay ko?

Tinitigan niyang muli ang guro na ngayon ay may hinahanap sa kanyang lesson plan. Ang ganda ng kutis niya…at kung tutuusin ang ganda ng hubog ng katawan niya…inisip ni Fukuda. Kaunti lang naman siguro ang agwat ng edad namin…ah basta, napakaganda ng mga mata niya. Iba siya kung ngumiti. Sa tingin ko in-love na'ko sa kanya…Kahit habang nagdidiskusyon na ang guro, hindi niya maalis sa isip ang mala-diyosa nitong mga katangian.

"Fukuda!" tawag ni Miss Daigo. Panandaliang nakuha ang atensyon ng binatang nakatulala. "What's my last word?" tanong ng guro.

"Malay ko," matamlay na sinagot ni Fukuda.

"Come see me after class," sabi ni Miss Daigo. "Gusto kitang makausap ng personal."

Matapos ang subject ni Miss Daigo, tinulugan ni Fukuda ang mga natira pang asignatura para sa araw na iyon. Sabik na siyang puntahan si Miss Daigo. Matititigan ko na naman ang magaganda niyang mga mata, naisip niya. Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase para sa araw na iyon. Kinuha niya ang mp3 player niya sa bag at pinakinggan ito habang naglalakad papunta sa kwarto ni Miss Daigo. Nakangiti siyang naglalakad.

"Fukuda. Halika…take a seat," bati ng kaakit-akit na guro. Inalis niya ang kanyang earphones at pinatay ang kanyang mp3 player. Humatak ng isang upuan si Fukuda at inilapit ito nang husto sa desk ni Miss Daigo. Hangga't pwede pang mailapit, inilalapit niya ang upuan. Bwiset na desk yan…dakilang harang! naisip niya. "Ano bang gusto mong itanong sa'kin? Ba't kailangan mo pa 'kong kausapin?" tanong niya.

"Well, actually, gusto ko lang naman malaman ang dahilan kung bakit hindi ka makapagconcentrate sa klase ko. Lagi kang nakatulala. May problema ka ba? I'm willing to listen," sabi ni Miss Daigo. Parang boses ng anghel ang boses niya, inisip muli ni Fukuda. "Fukuda!" tawag ng guro sabay pitik ng daliri niya sa mukha nito. "'Yan na nga ang sinasabi ko eh…kita mo kahit tayong dalawa na nga lang, natutulala ka pa rin. May problema ba sa teaching style ko? Masyado ba 'kong boring magturo?"

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?" tahimik na tinanong ni Fukuda habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng gurong kanyang napupusuan.

"Try me," sabi ni Miss Daigo nang may halong panghahamon.

"Ikaw ang problema," tahimik na isinagot ni Fukuda.

"Ako?" Nagtatakang itinanong ng guro.

"Oo, ikaw."

"At ano namang meron sa akin?"

"Gustung-gusto kita. Ikaw lang ang tinitignan ko at wala nang iba."

"Excuse me, pakiulit?"

"May crush ako sa teacher ko, masama ba 'yon?"

"Fukuda, nagkakamali ka –"

"Akala mo ba madali?" Unti-unting nailabas ni Fukuda ang gusto niyang maiparating. "Hindi ako makapag-isip ng tuwid 'pag ikaw ang nagtuturo. Para ka kasing anghel, napaka-perpekto mo. Ang ganda-ganda mo. Nahuhumaling ako sayo. Wala akong ibang nakikita kundi ang kagandahan mo. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi mga ideya kung liligawan ba kita o 'wag na lang. Mahal na kita, masama ba yon?"

"Fukuda, intindihin mo ang sitwasyon natin. Guro ako, estudyante ka. Mas matanda ako sayo kahit konti lang ang agwat natin. Pwede tayong maging magkaibigan. Or even best friends. Pero more than that, sa tingin ko hindi na pupuwede."

"Pero gusto kita! Wala ka bang nararamdaman para sa'kin? Mahal kita!"

"Mahal ko ang lahat ng mga estudyante ko bilang isang guro. Wala nang iba pa."

"Sige. Naiintindihan ko," sabi ni Fukuda, sabay tumayo at nilisan ang silid ni Miss Daigo, na ngayon ay tinakpan ng mga kamay ang mukha niya. Hindi niya alam ang gagawin.

Isang linggong hindi pumasok si Fukuda. Wala siyang mukhang ihaharap sa guro niya.

Matapos ang tatlo pang araw, naglakas-loob siyang pumasok nang muli. Wala kasi siyang ibang ginagawa sa bahay kundi mag-gitara, at inis na ang nanay niya sa kanya. Sawa na rin siya sa mga walang-kamatayang sermon nito. Pagpasok niya sa kanyang silid-aralan, sumandal siyang muli sa kanyang deskupang tulugan ang kanilang matandang Economics teacher nang kalabitin siya ng katabi niya.

"Psst, Fukuda…" sabi ng tsismosa niyang katabi.

"Ano?" sagot niya nang hindi humaharap sa kanya.

"Alam mo ba, si Miss Daigo, nag-resign na…"

Napabangon at napaupo nang tuwid ang binata. "Nagpapatawa ka ba? Bakit naman magre-resign 'yon?" Sinubukan niyang itago ang kaba at sakit na nararamdaman niya, ngunit halatang-halata ito sa tono ng boses niya. Hindi rin makapagsinungaling ang kanyang mga mata.

"Seryoso. Mula kasi nung Thursday hindi na niya kami mini-meet. Absent ka kasi, kaya hindi mo alam. Nung Lunes, ipinaalam na ng dean sa klase natin na hindi na raw dito nagtatrabaho si Miss Daigo. Umuwi na daw siya sa dati niyang tirahan sa may Osaka. Nung itanong naman namin kung bakit siya umuwi, hindi kami sinagot ng dean."

"Sus. Kalokohan." Wala nang masabi pa si Fukuda. Iniwan siya ng mahal niya ng hindi man lang nagpapaalam. Pinilit niyang hindi maniwala kahit alam niyang totoong wala na si Miss Daigo.

"Totoo nga! Ba'la ka kung ayaw mong maniwala. Pero 'eto yung mga sabi-sabi: Napilitan daw siya mag-resign…"

"At bakit naman siya mapipilitan? Sino bang pumpilit sa kanya?"

"Ewan ko lang kung totoo 'to ha, pero kasi, ayon sa mga nasasagap kong information, may estudyante raw na nanligaw sa kanya. Eh ayaw na raw niyang lumala pa ang lahat kaya pinili niyang umalis na lang sa school. Kesa naman mahulog pa daw lalo ang loob nung student na may gusto sa kanya…kaya napilitan siyang umalis."

Tumayo si Fukuda sa kinauupuan niya. Kinuha niya ang bag niya at nilisan ang classroom. Tinawag siya ng guro nila pero parang hindi niya narinig.

'Tang ina…'tang ina…Umalis siya ng eskwelahan nang may luha sa mga mata. Lecheng buhay 'to…lahat na lang ng gusto ko lumalayo sa'kin…Kung titignan siya, mukha siyang nakipaghiwalay sa nobya niya. Tensionado siya at parang walang pakialam sa mundong ginagalawan niya. Bakas sa mukha niya na para siyang binagsakan ng langit at lupa.

Lagi siyang may nadadaang after-school tambayan pauwi. Madalas, doon siya nagpapalipas ng oras 'pag nagka-cutting siya. Kilalang-kilala na siya ng may-ari ng café na 'yon. Tita kasi niya ang may-ari nun.

"O, Fukuda, andito ka na naman…school hours pa ah? Teka, sabi mo di ka na magka-cutting ulit?" bati ng tiya niya.

"'Wag po muna ngayon, Tita…may beer po ba diyan?"

"Lokong bata 'to oh, alam mo namang hindi ako nagbebenta ng alcoholic drinks dito. Anong problema?" Sa sandaling ito, isa pang grupo ng mga estudyante ang pumasok sa tambayan.

"Hi Bosing…pa-order naman ng isang cheeseburger diyan…" sabi ng isa sa kanila. Pamilyar ang boses na iyon kay Fukuda, pero hindi na lang niya pinansin. Masyadong mabigat ang problema niya.

"Ako po isang ramen…tsaka Mountain Dew…" order ng isa pa. Teka, kilala ko yata 'tong mga to…naisip niya, nang biglang –

"Fukulot! Tagal nating hindi nagkita ah! Musta na?" isang malakas na bati mula kay… "Sakuragi?" nagtatakang isinagot ni Fukuda.

"Oi…si Fukuda pala! Hi!" bati ni Mitsui nang nakangiti. "O, Fukuda…'wag mo sabihing nagka-cutting ka rin?" bati naman ni Miyagi sabay palo sa likod nito. Miyagi? Mitsui? Anong ginagawa nila rito? Bakit kilala nila ang tita ko?

"Madalas 'yang mga yan dito," sabi ni 'Bosing', ang tita ni Fukuda, na para bang nabasa ang utak ng pamangkin niya. "Akalain mong may mas madalas pa palang mag-cutting kaysa sayo?"

To be continued. )