ISANG PAALAALA: Ang Tigre at Kuneho at pag-aari ng Sunrise, lahat ng nakasaad sa kasulatan na ito ay kathang isip lamang.
Dear Xerex,
Bago ang lahat, nais ko po munang batiin kayo at ang iyong mga minamahal na tagasubaybay ng isang magandang araw.
Itago niyo na lang po ako sa alyas na Tigre. Ako po ay mahigit trenta anyos, lalaki, at naninirahan nang may di kalayuan sa isang siyudad na tinatawag na Sternbild. Naniniwala akong ang pag-ibig ay tila isang rosaryo - punong-puno ng misteryo. Pagod na pagod na rin ang aking puso at isipan, dahil parati syang tumatakbo papalayo at hindi ko siya mahabol.
Sumulat ako upang isalaysay ang isang di-malilimutang tagpo dito sa aking lugar. Tungkol po ito sa aking nakababatang kasamahan sa trabaho, na akin pong ililihim sa alias na Kuneho. Ngunit bago po ako magsalaysay, gusto ko munang magbigay ng babala. Labis po kasing maselan ang mga eksenang aking ilalahad. Itong salaysay na ito ay maaari nang maihambing sa mga sex video ni Nathan na napapanuod sa mga dvd, vcd at higit na sa internet...or maaaring mas humigit pa. Pinapakusapan ko po kayong huwag nang ituloy ang inyong pagbabasa kung hindi kakayanin ng powers niyo ang ganitong uri ng kahalayan.
Ipapagpatuloy...
Tandaan: Ang Xerex ay para lamang sa mga sapat ang gulang na babasahin. Kung ikaw ay Filipino at iyong nabalitaan na ito... alam mo na ang patutunguhan ng kwentong ito.
Hanggang sa muli!
