Kamusta ang mga Pilipino riyan. Sinusubok ko kung gaano ko kayang magsulat sa ating wikang pambansa. May ilang termino nga lang akong pananatilihing tawag ay Ingles.


Kabanata I

Iniwan ko ang aming tahanan at nagtungo sa Espanya para hanapin ang aking ama. Sigurado akong nag-aalala na ngayon ang aking ina habang si kuya ay nagagalit at nagbabalak na sundan ako.

Hindi nga lang niya ito magagawa dahil hindi pwede iwanan si inay ng mag-isa. Mas lalo lang siya malulungkot.

Alam ko na hindi tama ang aking pag-alis ngunit gusto ko talagang makita ang aking ama. Gusto ko malaman kung bakit niya kami iniwan lang ng ganoon.

Sa gabing iyon, umalis ako dala-dala lamang ang maliit na bag kung nasaan ang kakaunting perang aking naipon at pagkain na may kasamang isang bote ng tubig para sa biyahe. Suot-suot ko lamang ang damit ng aking kuya para mas madaling makapaglakbay.

Halos puro bestida o palda't blusa lamang ang aking mga damit. Sinadya kong magmukhang lalaki sa pagbihis dahil delikado para sa isang babae na maglakbay ng mag-isa. Ang tanging gamit kong pambabae na dala ay ang ornamento ng aking lola na may lahing instik.

Ang ornamento ay pilak na pahaba at manipis na inilalagay sa buhok na nakapaikot. Napakaganda nito at aking ipinagmamalaki sa madalas na pagsuot nito noong ako'y nasa amin bago magbiyahe. Ngayon, ito'y nakatago na lamang sa aking maliit na bag na nakasabit sa aking balikat.

Nakabili na ako ng tiket pangsakay sa barko. Ang biyahe ay sobrang nakakahilo at muntikan na akong masuka sa hilo at sakit ng tiyan. Hindi na nga ako kumain sa gabi at natulog na lamang kaya hinang-hina ako sa sunod na araw. Ang dala-dala kong pagkain ay mga kakanin at ilang tira sa aming hapunan.

Pagdating ko sa Espanya, kinakailangan kong maghanap ng trabaho para magkaroon ng pambili ng pagkain. Kaya't buti na lamang at marunong ako kahit kaunti mangastila. Mas okay na ang kaunti kaysa wala.


Sa wakas, natapos na ang biyahe. Wala na ang nakasusukang alon at mga siksikan sa biyahe ngunit hindi talaga kinayanan ng aking katawan at ako'y unti-unting nawalan ng malay. Natumba ako at natamaan ang isang lalaking nakadamit ng kakaibang kasuotan. Siya'y may mapulang buhok at maskarang tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha.

"Hoy! Gising ka!" Sigaw sa akin ng lalaki sa lenggwaheng hindi ko maintindihan.

Bumuklat ang aking mga mata ngunit hindi talaga kaya ng aking katawan at muli akong nawalan ng malay.

Amoy sigarilyo, masakit sa ilong. Nagising ako sa amoy at nakaharap ang lalaking aking nakasalubong kanina.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya sa parehong wikang hindi ko maintindihan.

Tinitigan ko lang siya at sinabing, "Patawad ngunit hindi ko maintindihan." May halo itong kastila dahil hindi pa talaga ako dalubhasa sa wikang iyon pero mukha namang napansin niya rin na hindi ko siya maintindihan.

Nagbuntong hininga siya ng malakas bago may naisipang gawin para makipag-usap sa akin. Tinuro niya ang isang kakaibang bolang kulay ginto na napansin ko lang ngayon. "Timcanpy," sabi niya tapos itinuro naman ang sarili sabay wikang, "Cross Marian. General Cross." Pagkatapos noon itinuro niya naman ako. Naintindihan ko naman at sinabi ang aking pangalan, "Liya."

Natuwa naman siya na naintindihan ko na siya at biglang akong itinulak mula sa kama at natulog.

Nahulog ako sa sahig at kay sakit ng likod ko. Bakit niya iyon ginawa? Tinulungan niya nga ako tapos ganoon lang pagkatapos? Ang sama niya pero tinulungan niya pa rin ako.

Aalis na ba ako? Wala naman siyang sinabi. Madilim sa labas at wala akong matutuluyan sa ganitong oras. Pagtiyagaan ko na lang ang sahig. Sanay naman ako dahil banig lang ang tinutulugan ko sa amin.

Pasalamat nga at naranasan ko pang mahigaan ang kama na napakalambot at pasalamat din na may carpet yung sahig, mas malambot pa sa banig.

Mama, kuya, huwag kayo mag-alala. Mahahanap ko si tatay pati na rin ang katotohanan.


( \ / )
(^.^) Kylie: Salamat sa pagbabasa. May halong ibang lahi si Liya ngunit may rason kung bakit ganoon. Malalaman na lang sa mga susunod na kabanata. ^.^