A/N: Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsulat ako ng CLOIS fanfic sa Filipino. There's always a first time di po ba? Trial ko pa lang po ito, feedbacks from anyone will be highly appreciated. Syempre, to improve my writing skills na rin. Salamat kay quistis04, for your messages. Ang kwento po na ito ay para sa high school classmate ko na si Maydee, she passed away last October 25. "Salamat sa mga kwento tuwing breaktime at sa mga awitin (Kadenang Bulaklak was her old-time favorite). You'll always be remembered." Sa mga Filipino CLOIS fans all over the world, sana magustuhan nyo po ito. : )

Disclaimer: I own nothing. This is created purely for entertainment. Superman created by Jerry Siegel and Joe Shuster. Characters are owned by CW, Warner Brothers and DC Comics.

Buod: Anong gagawin mo kung ang kaligtasan ng mundo ay nakasalalay sa iyong mga kamay? Tatanggapin mo ba ito ng buo o lalabanan mo pa ang iyong kapalaran? Sina Clark Kent at Lois Lane sa kanilang paglalakbay na ang gagawing hakbang para sa isang katotohanan ay magbubulid sa kanila sa tunay na pag-ibig o kapahamakan?

o0o-o0o-o0o-o0o

Ala-ala

Prologue

Isang matinis na tunog ang nakapagpabagabag sa naidlip na babae. Kinusot nya ng bahagya ang naalimpungatan na mga mata. Napailing na lang sya dahil sa sobrang pagod ng mga nakaraang araw. Kailangan na nyang matapos ang nobela na sinisulat nya sa kasalukuyan. Hindi nya batid kung aabot pa sya sa deadline na binigay ng Big Boss nya sa publications. Ilang taon na rin syang nagsusulat ng nobela na karamihan naman sa mga ito ay bumebenta ng marami. Bestseller ika nga. May mga ilan na nag-offer na gagawin ng pelikula ang isa sa mga bestseller na sinulat nya. Di ba at nakakatuwa? Parang kailan lang, nagsusulat sya sa Smallville Torch bilang editor-in-chief noong nasa Smallville High School pa sya, at pagkatapos sa Daily Planet, ang pinakaprestihiyosong pahayagan sa buong Metropolis. Pangarap na nya na makapagtrabaho roon noong nag-aaral pa lang sya, pero sa banding huli, natuklasan na lang nya na mas nag-eenjoy sya sa pagsusulat ng nobela. Kaya, heto naghahabol pa rin ng deadline pero sa ibang paraan naman. Nangiti sya ng makita sa cellphone screen ang pangalan ng pinsan nya. Lois Lane. Ang paborito nyang pinsan. Halos isang buwan na silang hindi nagkikita, sobrang abala talaga silang dalawa sa kani-kanilang larangan. Maniniwala ka ba na kung sino pa ang nagkatanggi-tanggi na maging journalist noon ay sya pa ang umaani ng tagumpay sa pagsusulat ng balita? Kakaiba talaga ang mundo, hindi mo alam kung saan ka dadalhin.

Pero ano ang mas mahalaga sa lahat? Masaya ka sa ginagawa mo, iyon talaga ang importante. Hinagilap nya ang tumutunog na cellphone, nasa loob nga pala ng drawer sa ilalim ng mesa kung san nakapatong ang laptop computer nya.

"Hello cuz, kumusta ka na?"

"I'm… I'm… I'm fine." Sabi ng babae sa kabilang linya. Pinipilit na ikubli ang hikbi na lumabas mula sa kanya. Isang segundo lang ang lumipas, pumatak na ang luha na nagbabanta ng bumagsak kanina pa.

"Sandali lang Lois, lalabas ako mahina ang signal mula rito."

Pinahid ni Lois ang sariling luha at huminga ng malalim para makontrol kung ano pa ang nararamdaman sa nya kasalukuyan.

"Hello cuz… Hey, malinaw na ang linya rito. Nariyan ka pa ba?", aniya.

"Yes, I'm still here. Saan ka ba ngayon Chloe?"

"Nasa Iowa ako. Alam mo naman na kailangan ko ng bagong setting para sa pinakabagong nobela ko." Bagaman nararamdaman nya sa tono ng pananalita ni Chloe na masaya ito sa pagkakausap nila, napailing si Lois sa kabilang linya. Kailangan nya ng matutuluyan at makakasama ngayon subalit wala ang pinsan nya sa sariling apartment. Kailangang makapag-isip sya kung saan siya tutungo. Saan nga ba? Pero kahit anong gawin nya… Blangko… Nagulat na lang sya ng muling magsalita si Chloe.

"Lois, bakit may problema ba? O, kanina pa ako salita ng salita rito hindi ka kumikibo nariyan ka pa ba?"

"Ah, oo narito pa ako, ano ulit ang sinasabi mo kanina?"

"Hay, ano ba nangyayari sa 'yo ngayon? Lumilipad na naman ang utak mo. Ang sabi ko kanina bakit ka napatawag?"

"Wala lang, masama bang tawagan ang pinakapaborito kong pinsan?" Tumawa sya ng mahina para ikubli ang pait na nararamdaman nya.

"Hahaha, wala naman masama. Aminin mo na kasi na namimiss mo na ako. 'Di bale ilang pahina na lang ang kailangan kong tapusin uuwi na ako sa Sabado. Huwebes na ngayon, kaya ilang araw na lang 'yon."

Humugot ng buntong-hininga si Lois saka nagsalita, "Pakibuksan ang e-mail mo ha. Okay lang po ba?"

Napakunot ang noo ni Chloe, nararamdaman na nya na may kakaibang nagyayari sa pinsan. Lubos na kilala na nya ito mula pa pagkabata, pero sa sobrang tigas ng ulo nito hindi nya basta-basta mapapaamin sa kung anuman ang bumabagabag sa pinsan kung hindi si Lois mismo ang lalapit at magtatapat sa kanya. Masyado syang reserved sa nararamdaman mula pa ng mamatay ang Mama nito, si Tita Ellen… Halos dalawampung taon na rin ang nakaraan. Lumaki si Lois sa kalinga ng Heneral na Ama, si Hen. Samuel Lane, na hindi rin naman nasubaybayan ang paglaki nito at ng nakakabata pang kapatid ni Lois na si Lucy. Kaya sa mura pang edad natuto ng tumayo sa sarili nyang mga paa ang magkapatid. Sa kasalukuyan, wala silang balita kung nasaan si Lucy. Tulad ni Lois, nagrebelde rin sa ama ang mas nakababatang Lane. Swerte na lang at naisipan ni Lois na puntahan ang Pamilya Sullivan sa Smallville at kahit papaano natuwid ang landas na tinatahak ng dalaga.

"Oo sige, bubuksan ko. Tinatakot mo naman ako. May problema ba?"

"Wala po Chloe na makulit." Sabay tawa ng malakas kaya nahawa na rin ang nasa kabilang linya. "Tingnan mo ito at ako pa ang makulit ngayon, ikaw kaya yon. Hahaha!"

"Basta ingat ka palagi. Ihahang ko na ang cellphone ko, malapit na ako maubusan ng baterya."

"Okay, ikaw rin Lo. I'll see you on Saturday." Narinig ni Chloe ang mahinang click. "Wait… Lois." Ang pinsan ko talaga na ito, sobrang tigas ng ulo, aniya sa sarili.

Pinatay na ni Lois ang cellphone, nagsinungaling sya sa pinsan na mauubusan na sya ng baterya. Ang totoo, wala na syang masabi sa pinsan, ayaw na muna nyang magsalita, nais lang nya na marinig ang boses nito para maibsan kahit konti ang sakit at lungkot na nararamdaman nya ngayon. Napapagod na sya, ilang araw na syang kulang sa tulog. Hindi nya namamalayan na bumalong na naman ang masaganang luha na pinipigilan nyang umagos. Pero, kailangan na talaga nyang ilabas. Sya na lang mag-isa ang naririto, maaari na nyang tanggalin ang maskara ng kasinungalingan na hindi sya nasasaktan. Matapang sya sa labas pero ang katotohanan, napakahina nya. Kinukubli nya sa mga ngiti at tawa ang lahat ng nararamdaman. Naalala nya ang kanyang ama noong bata pa sya at kamamatay ng kanyang ina.

Pangatlong araw na ng burol ni Ellen, ang ina nina Lois at Lucy. Kamamatay ng babae sa sakit sa baga. Hindi naman naninigarilyo ang ina nya pero dinapuan ito ng ganoong klase ng sakit. Tatlong buwan mula ng matuklasan nila ang sakit nito, heto at bumigay na. Ang dinig ni Lois nasa fourth stage na at hidi na talaga magagamot, pero ano ba ang malay nya roon, limang taong gulang pa lang sya. Mahal na mahal nya ang kanyang Mama. Mula pa noon, sya na palagi ang kasama nilang magkapatid. Ang kanyang Papa ay palagi na lang wala sa bahay. Palaging nasa malayo ang assignment, tulad ngayon, ilang araw na ang nakakaran pero hindi pa nya nakikita ni anino ng kanyang ama. Totoo yata ang narirnig nya, hiwalay na ang kanyang Papa at Mama kasi hindi na nya mabilang sa mga daliri ng kanyang paa at kamay kung ilang araw na nyang hindi nakikita ang kanyang ama. Ah, binibilugan nga pala nya sa kalendaryo 'yon. Pinabilang pa nga nya sa kanyang Mama, sabi nito tatlong daan. Ang dami non di ba? Dumating ang pinsan nya na si Chloe at ang mga magulang nito mula sa probinsya. Tumingin sya sa paligid, wala pa rin ang kanyang Papa. Maliwanag ang mga ilaw na nakapaligid sa hinihigan ng kanyang ina. Ataul ba ang tawag don? Umupo sya sa isang sulok malapit sa ina. Samantalang ang nakababata nyang kapatid ay natutulog sa kandungan ng isang kapitbahay at kaibigan ng kanilang ina na nagmamalasakit na tumulong at nag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan nilang magkapatid.

"Lois, kumain ka na, tig-isa tayo o." Narinig nya na salita ni Chloe, bata ito ng isang taon sa kanya, kalaro nya mula pagkamulat nya sa mundo. Inabot nya ang biskuwit na nasa kamay ng pinsan. Ngumiti ng bahagya ang batang babae at isinubo ang isa pang tinapay na hawak sa kabilang kamay.

Narinig pa nya na nagsalita si Auntie Lea, ang kaibigan ng kanyang ina, sa Mama ni Chloe, "Ilang araw ng ganyan si Lois, hindi nagsasalita. Mabuti na lang isinama nyo si Chloe ngayon kahit paano baka magsalita na sya." Napatingin na lang ako ng dumating si Papa, suot pa rin ang uniporme nya. Nakatuon ang lahat ng pansin sa kanya. Hindi bale, walo lang yata kami na naroroon. Kinabukasan nilibing na ang aking ina, si Papa tulad ko hindi rin marinig na magbanggit ni gaputok na salita. Pero sya hindi man lang lumuha ni konti. Hindi nya siguro mahal si Mama.

Dumating ang gabi at tatlo na lang kami na naiwan sa bahay. Si Lucy, tulog na. Ako, nakatunghay pa rin sa kama kung saan nakahiga ang aking ina noon. Parang nakikita ko pa rin sya nong huling gabi na nakita ko pa sya na buhay.

"Lois, anak, halika rito." Itinaas nya ang kanyang nanginginig na mga kamay. Tumingin ako kay Auntie Lea, parang umiiyak sya. Lumapit ako sa aking ina at hinawakan nya ang aking ulo. "Magpapakabait ka anak ha, aalagaan…(ubo..) mo ang iyong kapatid, huwag mo syang pababayaan." "Opo, Mama." Tinitigan nya ako at niyakap. Tapos, parang bigla na lang nawala ang malambing nyang haplos sa aking ulo. Narinig ko na lang ang impit na hikbi ni Auntie Lea, saka ko naintindihan sa abot ng aking murang isip kung ano na ang nangyayari. Lumuha ako habang yakap ang wala ng buhay kong ina.

Nahinto ako sa paghikbi nang marinig ko mula sa aking likuran ang malakas na tinig ni Papa. Kahit noon pa man, natatakot na ako sa boses nya pero nagpakatatag ako.

"LOIS! Tumindig ka riyan. Wala na ang iyong ina, nasa libingan na sya. Wala ng saysay kung umiyak ka pa riyan." Hinigpitan ko ang hawak sa kumot ni Mama. "Tumayo ka na riyan! Isa kang Lane! Larawan ng kahinaan ang pag-iyak. Ang isang Lane ay matapang. Ang matapang ay hindi umiiyak!" Hindi ako kumibo pero patuloy akong umiiyak Tapos, nakita ko na lang hinagupit nya ako ng sinturon. Pero hindi ako natinag sa bawat latay, sa bawat sakit na dinudulot ng bagay na hinagupit sa akin. "Sabi ng tumigil ka sa pag-iyak!" Itinaas nyang muli ang sinturon, tinitigan ko sya ng mabuti, ng biglang… "Ate!" Lumingon si Papa at nakakita sya ng ibang mapagbabalingan ng galit nya. Hindi ko alam bakit nagagalit sya sa amin. Tumalikod sya at hinawakan si Lucy. "Isa ka pa." Tumindig ako at hindi ko inalintana ang masasakit na hagupit sa akin kanina. "Huwag mo sasaktan si Lucy, ako na lang!" Sa narinig nya, nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nawala ang mabalasik nyang anyo at binitiwan nya ang umiiyak na si Lucy. Tumakbo ako at niyakap ang aking kapatid. "Tahan na."

Samantala, nagsimula na ulit mag-type sa kanyang laptop si Chloe, konting chapters na lang at matatapos na nya. Ginawa na muna nya ang buod ng huling tatlong chapters saka nagbukas ng e-mail messages. Ipinasok niya ang email address, tapos ang password. HInawakan nya ang computer mouse at nag-click sa inbox. Naroon ang limang mensahe na hindi pa nya nababasa. Isa ang naggaling sa Boss nya, tatlo ang mula sa fans at ang pinakahuli galing kay Lois. Napangiti sya at sinagot muna niya ang unang apat bago binuksan ang galing sa kanyang pinsan.

Ibinaba ni Lois ang tingin sa mga kamay na nakahawak sa manibela. Nakita nya ang suot na singsing. Ngumiti sya ng mapait at pinahid ang mga luha sa pisngi. Binilisan nya ng pauti-unti ang takbo ng kanyang sasakyan. Kanina pa medyo madilim ang kalangitan pero ngayon pa lang nagsimulang pumatak ang ulan. Pakiramdam nya nakikiisa ang kalangitan sa kanya. Talagang ganon yata, nakikiramay ito sa kanya. Batid nito kung gaano siya kahina at kasakit ang nararamdaman nya sa kasalukuyan. Kumulog ng malakas saka sumunod ang matatalim na kidlat. Naalala nya si Clark. Ang nag-iisang Clark Kent sa buhay nya. Ipinilig niya ang kanyang ulo, subalit bigla na lang may lumitaw mula sa di kalayuan. Isang malaking trak ng gasolina at siya ang tinutungo. Mabilis ang naging pangyayari, kinabig nya ang manibela at tinapakan ang preno. Subalit, huli na ang lahat. Ang drayber ng trak, na inaantok pa rin sa kasalukuyan na dahil sa katarantahan ay hindi na nakuhang tapakan pa ang preno. Pinindot ni Lois ang air bag, para maprotektahan ang sarili sa magigng impact ng pagbangga, ilang segundo lang ang nakalipas, sumabog ang dalawang sasakyan kasabay ang ingay ng kulog. Lumiwanag ang buong kalsada sa apoy na nagmumula rito.

Sinimulan ng basahin ni Chloe ang mensahe:

'Matapos mawala ang alaala nya at napagdesisyunan ko na hindi sabihin sa kanya kung sino ako sa buhay nya, ngayon ko naunawaan na higit na nakakaalala ang puso kumpara sa utak. Alam mo pinsan, natutuhan ko na may araw na dapat magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat. Minsan naman parang ang pakiramdam ko ang lahat ay dapat isakripisyo. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sa dami ng tao sa mundo, ako ang dapat gumawa non. Pero kapag tumingin ako sa kanyang mga mata at hindi ko makita ang sarili ko ron, naunawaan ko na ito na ang tamang panahon para ibigay sa kanya ang kalayaan. Ayos lang sa akin kahit nasasaktan ako. Ang mahalaga lang naman sa akin ay makita syang masaya. He's so close and yet so far away from me, Chloe. There's no other choice left but to set him free.'

Mula sa sumabog na sasakyan, pinilit na idilat ni Lois ang namimigat nyang mga mata. Naririnig nya ang isang tinig, "Lois, please, don't leave me. Hold on." Nanlalamig na ang kanyang pakiramdam. Pinilit nyang magsalita sa mahinang tinig, "Smallville." Ipinikit nya ang kanyang mga mata.

Bumagsak ang mga luha sa mga mata ni Chloe, she realized how a fighter like her cousin accepted her defeat. She's her family. Sya ang palaging nariyan sa tabi nya. Ang nagpapahiram ng lakas kapag kailangan nya, ang nagbibigay ng balikat pag kailangan nyang umiyak, ang nagaabot ng mga kamay kapag hindi na sya makatayo. Pinatay nya ang laptop at tinawagan si Lois. Walang sumasagot… Sinubukan pa nyang muli, wala pa rin. Hanggang sa malipat ang pansin nya sa balita sa telebisyon.

"Oh my god, Lois."