Title:: EX-HUSBAND
Summary: Tumagal lang ng tatlong buwan ang married life nina Sendoh at Rukawa. Sa dalawang taon nilang paghihiwalay ay bumalik si Rukawa sa Ryonan para tuluyan ng makipaghiwalay kay Sendoh. Ano ng gagawin ni Akira ng malaman niya na may anak na pala ang kanyang ex-husband sa iba?
Warning: It contains MALE PREGNANY but it won't be stated in this fic.
Pairing: SendohXRukawa
A/N: This fic is dedicated to all Senru lovers all over the world.!
…
Chapter 1
Ru: Ayako, bahala ka na muna kay Senru, ha? Huwag mong bibigyan masyado ng gatas baka maimpatso siya.
Ayako: Yes, Rukawa.
Ru: Kapag may dumating dito na taong hindi mo naman kilala ay huwag mong patutuluyin.
Ayako: Okay. Kailangan pa bang imemorize yan?
Hinalikan niya ang magdadalawang taong gulang na anak na si Senru. Dalawang buwan mula ngayon ay magse-celebrate na sila ng birthday nito. Ang edad nito ay nagpapaalala rin kung ilan taon na silang hiwalay ni Akira.
Muli niyang tiningnan ang bata. Napakaamo ng mukha nito at manang mana sa kanilang dalawa ni Sendoh pero mas nakuha ni Senru ang features niya at ang ugali naman ay kay Akira. Isinunod niya ang surname ng bata kay Sendoh. July 11, 2011 kasi ang anniversary nilang dalawa ni Akira at July 11, 2013 niya ito pinanganak kaya naisipan niyang pagsamahin ang surname nilang dalawa ni Akira bilang pangalan ng bata.
Sendoh Akira is his husband. Nagkakilala sila nito sa Shohoku graduation party na isinama ng kaibigan niyang si Mitsui. Madali silang nagkapalagayan ng loob at niligawan siya nito ng mahigit pitong buwan at naging magboyfriend sila ng for almost four years bago nagdesisyong magpakasal sa kabila ng pareho ang kanilang kasarian. Pero ilang buwan palang silang nagsasama ng magdesisyon siyang umalis sa kanilang bahay sa Ryonan.
Kung minsan ay iniisip niya kung talagang mahal ba siya ni Sendoh. Kahit na minsan ay hindi ito gumawa ng paraan para muli silang magkabalikan. Hindi ito sumunod sa kanya para amuin siya at pabalikin sa bahay nila sa Ryonan.
Ang katwiran ni Akira, ayon sa kaibigan nitong si Mitsui ay hindi siya pinaalis nito. Siya ang umalis na kusa. Gusto kasi niyang mabuhay sila ng malayo sa mga mata ng mga taga Ryonan. Nang magpakasal kasi silang dalawa ay marami ang nagtaas ng kilay.
Kaya lang daw niya pinakasalan si Akira ay dahil sa security at habol lang daw niya ang kayamanan nito dahil hindi lingid sa kaalaman ng mga tao doon na siya ay isang ulila at mayaman ang angkan ng mga Sendoh. Naapektuhan siya sa tsismis na iyon kahit pa sabihin ni Akira at ng mga magulang nito na huwag ng pansinin ang balita. Kaya naman mas gusto niyang nag iisa na parati pero buhat ng dumating si Akira sa buhay niya ay nagbago siya. Natuto siyang makihalubilo sa iba at natuto ring ngumiti na dati ay hindi niya nagagawa.
Pagtitiisan na sana niya ang tsismis na iyon pero isang araw, pag uwi niya ay nadatnan niya itong may katabing babae sa kama nila.
Tatlong buwan palang silang nakakasal ng mangyari iyon at pakiramdam niya ng mga oras na iyon, gumuho lahat ng pangarap na binuo nila ni Akira. That was the time na bigla siyang nagdisappearing act at walang paalam na umalis.
Dapat naman talaga ay huwag niyang pansinin ang mga tsismis dahil maraming magagandang katangian si Sendoh kaya niya ito minahal. Bukod sa pisikal nitong anyo ay mabait at gentleman ito. Maaalalahanin, maasikaso at napakahaba ng pasensiya nito at ni minsan ay hindi siya nito pinagtaasan ng boses at parang hindi ito nangangawit sa palagi nitong pagngiti. Paanong hindi naman siya maiinlove dito?
'Sayang. Ang saya sana namin. Kumusta na kaya sila ng babaeng iyon?'
Hinimas niya ang noo at hinalikan si Senru.
Ru: Aalis na ako, Ayako. Alagaan mong mabuti si Senru.
Ayako: Sige, Rukawa.. Ingat ka.
…
Habang nagkakatuwaan sa night swimming sina Mitsui at Kogure, Koshino at Jin, Maki at Fujima ay malungkot siyang nakatanaw sa mga ito. Hindi siya nakijoin sa swimming. Sa halip ay nakaupo lang siya sa may hagdanan ng pool. Sweet na sweet kasing tignan ang mga kaibigan niya at mga partners nito pero siya ay naririto at malungkot, nag iisa at namimiss na niya ang kanyang asawa.
Kung sa tutuusin ay siya ang naunang nag asawa sa mga kabigan niya. Dapat ay siya na ang pinaka-fulfilled na ang buhay. Pero hindi. Siya ang hindi maayos ang buhay sa kanilang magkakaibigan.
Naturingan siyang may asawa pero hindi naman niya ito kasama. Hindi niya maamin sa sarili na may kasalanan siya kung bakit tumagal ng dalawang taon ang paghihiwalay nilang mag asawa. Hindi siya gumawa ng move para muling magkasundo at mapabalik ang naglayas na si Rukawa.
Maaaring pride ang umiral sa kanya pero ang katwiran niya, wala siyang alam na kasalanan kay Rukawa para layasan siya nito. At lalong hindi niya matatanggap na kaya ito lumayas ay dahil lang sa hindi niya nasunod ang gusto nito na umalis sila sa Ryonan.
Three months lang silang nagsama ni Rukawa bilang mag asawa. Mas matagal pa noong niligawan niya ito ng mahigit pitong buwan at naging magboyfriend sila ng apat na taon. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay wala siyang matandaang insidente na nagkaroon sila ng matinding away. Katunayan, ng gabing iyon bago maglayas si Rukawa ay nagkaroon pa sila ng masasayang sandali bilang mag asawa. They made love. Everytime they made love, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamaswerteng lalaki dahil doon lang niya pwedeng isigaw sa buong mundo, that Rukawa Kaede belongs to him and him alone. Kaya hanggang ngayon ay isang malaking palaisipan sa kanya ang tunay na dahilan ng pang iiwan ni Rukawa sa kanya. Malalim ang kanyang iniisip nang biglang maputol iyon nang sumigaw ang isa niyang kaibigan na nagtatampisaw sa pool.
Maki: Sendoh! Join us! Bakit ka nag iisa diyan?
Sen: Sige lang. Okay lang ako dito.
Ngumiti siya at kumaway sa mga kaibigan para sabihin na okay lang siya doon. Pero alam ng mga kaibigan niya na parang may bumabagabag sa kanya kaya lumangoy si Koshino papalapit sa kanya.
Kosh: Palagay ko, iniisip mo si Rukawa.
Mapaklang ngumiti siya.
Sen: Tama ka. Nang magkasundo kayong dalawa ni Jin ay naisip ko na may mali sa buhay ko.
Kosh: Bakit kasi hindi mo pa asikasuhin ang buhay mo? Bakit hindi mo puntahan si Rukawa kung saan man ito nakatira at yayain mong magsama kayo uling dalawa?
Sen: Alam mo, Kosh, parang ang hirap ng gawin. Saka ayaw kong ibaba ang pride ko kasi hindi ko naman siya pinalayas. Siya ang kusang umalis kaya dapat, siya rin ang kusang bumalik.
Kosh: Bestfriend, magdadalawang taon na kayong hiwalay. Ano ang gusto mong palabasin? Na tutuluyan niyo ng sisirain ang pinagsamahan ninyo?
Sen: Ano pa nga ba ang sisirain? Eh sira na nga.
Kosh: Buo pa rin kayo. Pareho kasi kayong matapat sa isa't isa. Hindi ka pa rin ipinagpapalit ni Rukawa sa iba at ikaw man ay ganun din.
Sen: Malay natin kung may iba na siyang mahal. Hindi naman kasi nagkukwento yang si Mitsui.
Kosh: Dahil hindi ka naman nagtatanong.
Sen: Ayaw ko siyang masanay, Kosh. Kelangan ay marealize niya na siya ang may mali at bumalik siya ng kusa sa akin at dalawang kamay ko siyang tatanggapin. Kung mahal niya ako ay hindi niya ako matitiis.
Kosh: Paano kung ganyan rin ang iniisip ni Rukawa sa iyo? Na kung mahal mo siya ay hindi mo siya matitiis at susunduin mo na siya.
Napabuntong hininga siya. Nahuli siya ni Koshino at wala na siyang maisagot doon.
Kosh: Ilangoy mo nalang muna yang problema mo, Sendoh Akira.
….
Tuwang tuwa siya ng bisitahin siya ni Sakuragi kasama ang asawa nitong si Haruko na pitong buwan na ring buntis ng araw na iyon at kaagad na hinanap ng mga ito si Senru.
Sakuragi: Naku, ang cute cute naman ng inaanak ko.
Ru: Syempre. Kanino pa ba magmamana yan kundi sa akin. Ilang months na nga pala yang tyan ng asawa mo? Mukhang malaki na at malapit na ring lumabas.
Sakuragi: Hah! Ang yabang mo, kitsune! Wish ko lang ay sana hindi maging baklang pulpulin yang anak mo paglaki. Nyahahahaha.
Matiim na pinanlakihan ng mata ni Rukawa si Sakuragi na agad namang ikinatahimik ng huli.
Sakuragi: Joke lang. Ikaw naman,mhindi ka na mabiro. Hehehehe. Seven months na ang tyan ni Haruko at baby boy din ayon sa ultra sound. May makakalaro na si Senru.
Ru: Alam mo ba, ang likot likot na niyan? Hindi mo na pwedeng iwanan basta basta. Wala ng magawa si Ayako kundi bantayan siya.
Haruko: Magdadalawang taon na si Senru, Rukawa. Ilang taon pa at magkakaroon na ng isip yan. Wala ka pa rin bang planong ayusin ang buhay mo?
Ru: Sa puntong ito, wala pa. Bakit pa? Eh wala namang ginagawang aksyon si Akira.
Sakuragi: Eh kung ikaw nalang kaya ang sumuko at bumalik ka na sa Ryonan.
Ru: Ayaw ko nga. Baka kapag ginawa ko iyon ay mawili pa siya at baka mas gumawa pa siya ng mas higit pa doon.
Ayako: Ano ba kasing kasalanan ang tinutukoy mo? Wala ka naman kasing sinasabi sa amin.
Haruko: Oo nga. Ikwento mo naman sa amin para malaman din namin.
Ru: Sa akin nalang iyon. Alam na ni Akira kung ano iyon pero nananatili lang siyang walang kibo.
Sakuragi: Ewan ko sayo. Mahirap lumaki ang bata ng walang ama.
Ru: Anong tingin mo sa akin? Di ba, daddy rin naman ako ni Senru. Kasalanan iyon ng papa niya. At kapag nagsawa na ako sa kahihintay ng paghingi niya ng sorry ay baka maghanap na ako ng bagong daddy or mommy ni Senru.
Sakuragi: Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Alalahanin mo kitsune, na hindi gusto ni Kami-sama na paghiwalayin ang pinagsama niya.
Ru: Eh bakit pa niya kami pinayagang paghiwalayin ni Akira? Kung ayaw niya sana kaming maghiwalay eh di sana noong una palang hinadlangan na niya.
Sakuragi: Ayan ka na naman kasi sa pride mo.
Ru: Ibig nyong sabihin, kasalanan ko kung bakit kami naghiwalay?
Haruko: Hindi lang ikaw. Pati si Sendoh. Kayong dalawa ang may kasalanan. Hindi kasalanan ni Kami-sama yon dahil choice nyong dalawa ni Sendoh iyan.
Ru: Naku.. siya ang nagtulak sa akin kung bakit mas pinili ko ang ganitong buhay.
Ayako: At ikaw pa rin ang pwedeng magbago ng buhay na pinili mo.
Umiling siya.
Ru: Hindi na siguro kami magkakabalikan.
Sakuragi: Bakit ka nag iisip ng ganyan? Bakit hindi ka magbalik sa Ryonan at ipakilala si Senru at papanagutin mo siya sa obligasyon niya sa inyong dalawa.
Ru: Sa palagay ba ninyo ay madaling gawin iyon sa ngayon?
Sakuragi: Subukan mo at ng masagot yang tanong mo.
Natigilan siya. Ang totoo, kung susulpot lang si Sendoh sa harapan niya ngayon at sasabihing magsama na sila uli ay tatanggapin niya ito. Hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya si Akira. Pride at sama ng loob ang umiiral sa kanya kung bakit nagtiis siyang mahiwalay sa kanyang asawa.
Ru: Haay, kumusta na kaya siya, Sakuragi? Wala ba talaga siyang inuuwing babae doon sa Ryonan matapos kaming maghiwalay?
Sakuragi: Aba'y wala! Minsan nga dumadalaw din kami doon at nakikipagkwentuhan kina Koshino at Mitsui. Bakit ba kasi ipinagpipilitan mong may babae siya eh wala naman talaga?
Ru: Magaling lang siguro siyang magtago.
Ayako: Sa himig ng pananalita mo ay parang babae talaga ang naging dahilan ng away ninyo ah?
Ru: Hay naku. Huwag na huwag nyong itatanong kay Akira ang tungkol dito. Ayaw ko.
Sakuragi: Lahat nga ng sinasabi mo ay sinusunod namin. Hindi namin sinasabi kung nasaan ka at wala rin siyang alam na may anak kayong dalawa. Isa pa, hindi naman siya nagtatanong ng tungkol sa iyo.
Ru: Kita na ninyo? Hindi naman niya ako hinahanap.
Masama ang loob na sabi niya.
Haruko: Pero hindi ka pa naman niya pinapalitan sa buhay niya eh.
Ru: Malay naman ninyo. Baka itinatago lang niya ang babae niya at naghihintay lang ng right time para ilantad ang babae na yon. Ano ba kasing meron ang babaeng yon ng wala ako?
Sakuragi: Tinatanong pa ba yan? Wala ka kasing malaking pwet at boobs saka wala ka ring pe-….
Natigilan si Sakuragi ng bigla itong sinuntok sa tiyan ng asawang si Haruko.
Sakuragi: Ie..Aray! Pe…ra.. Wala ka kasing pera, Rukawa.. Yon ang ibig kong sabihin.
Haruko: Tumahimik ka na Hanamichi kung ayaw mong matulog sa sahig mamaya!
Sakuragi: Sorry na, Haruko darling. Peaceeee.
Binalingan nito si Rukawa.
Haruko: Anong babae ang pinagsasabi mo diyan? Wala namang babae si Sendoh.
Ru: …
Ayako: Kung anu ano kasing iniisip mo eh. Hay naku, Senru, yang daddy mo, ang daming talangka sa ulo. Kung nalalaman lang ng papa mo ang tungkol sa iyo, matutuwa iyon kasi product ka ng daddy at papa mo.
Nagliwanag ang mukha ng bata at ngumiti ito kaya lumabas ang mga ngipin nitong kulang kulang at maliliit pa.
"P-pap..pa-pa..pa…pa." sabi ng bata.
Bumigat ang dibdib niya sa sinabi ni Ayako. Ang hirap talaga ng sitwasyon niya. Imagine, pinalalaki niyang mag isa ang bata. Buti nalang at nakakuha siya ng magandang trabaho, bukod sa encoder siya sa isang toy company ay pumapasok din siyang waiter sa restaurant at marami ang nagbibigay sa kanya ng malalaking tip.
Naisip rin niya na tama sina Ayako. Darating ang panahon na magtatanong ang bata tungkol sa papa nito.
'Pero hindi ako susuko. Kung gusto niyang magkasundo kami ay siya ang gumawa ng paraan.'
T.B.C
