Lihim ng Puso
Ni: Angelus Erreare
Disclaimer: Wala akong pag-aari dito. Lahat ng mga karakter dito ay pag-aari ng ATLUS USA. I own nothing. Digital Devil Saga BELONGS TO ATLUS USA.
A/N: Ito ay dedicated kay Untainted Mind. Tasha, sinabi sa akin ng sister mo na hindi ka masyadong marunong ng Tagalog. Ako rin! Pero, sana, mabilis na rin tayong matuto! Kaya ko ginawa ito para sa iyo! Para makapag-practice ka!
Ako din, I suck at Tagalog. But I still try…Hehehehehe…
Anyway, I just thought of this and well…aa…I decided to give Tagalog a go! LOL! I hope you enjoy! Ipa-translate mo na lang kay ate mo kung mahirapan ka! Mabuhay!
WARNING: ANGST, OOC, WAFF
Ito ay nasa POV ni Argilla.
Kabanatang 1: Nakikita Mo Ba Ako
Palagi tayong magkasama...Palagi tayong nagkikita...Sa lahat ng mga pagsubok na idinulot ng buhay sa atin, palagi tayong magkaramay...
Palagi tayong nagtutulungan.
Nuung nakuha natin ang sakit na ito, ang mundo ko ay gumuho...Akala ko wala ng katuturan ang aking buhay. Ayokong mabuhay ng ganoon. Gusto kong maging normal muli...Maging tao...
Gusto kong bumalik sa dating kung anyo…
Bakit…?
Dahil…
Dahil sa anyong iyon ko lamang masasabi ang nararamdaman ko para sa iyo…
Paano ako haharap sa iyo, at titingin sa iyong mga mata at ipagtapat ko ang aking nararamdaman kung ako ay hindi tao…? Na isang kinadidirian at kinamumunghian na dimonyo…?
Serph…?
Alam mo ba iyon…?
Palagi tayong magkasama…Palagi tayong nagkikita…
Sa lahat ng mga sandaling iyon, nakita mo ba, kahit sandali lamang, ang mga bagay na naglaro sa aking puso at isip…?
Nakita mo ba sa loob ng aking mga mata ang mga gabi ko, kung saan ay nananaginip ako na sana ay magkatabi tayo…sa ilalim ng buwan… pinagmamasdan ang mga bituin sa taas…habang magkahawak-kamay…?
Nakita mo ba…?
Hindi…
Hindi posible na nakita mo…
Bakit?
Dahil ang mga mata mo ay hindi nakatingin sa akin...ngunit sa ibang babae. Isang batang babae na ating nakilala ng ilang sandali lamang...
Pinanood ko kung paano mo siya tiningnan...
Pinanood ko kung paano mo siya pinagmasdan...kung paano lumukso ang iyong dugo at puso sa pagdinig ng kanyang pangalan.
Ano ba ang kanyang pangalan...?
Aa...Oo...
Si Sera.
Hindi natin siya kilala...Pero, alam ko, na alam mo, na siya ay mahalagang bahagi ng iyong buhay...Siya ay mahalagang bahagi ng iyong nakaraan.
Wala akong magawa habang ikay mahulog sa gayuma ng pag-ibig. Wala akong magagawa, dahil, ako rin ay nahulog doon.
Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng magmahal…At alam ko rin ang ibig sabihin ng mabigo.
Palagi tayong magkasama. Palagi tayong nagkikita.
Palagi mo akong sinasama sa iyo…Dahil doon, naging masaya ako. Sa mga panahon na iyon, inisip ko sa aking sarili, na pwede ko nang ipagtapat sa iyo ang aking nararamdaman.
Pero…Hindi ko ito nagawa.
Bakit…?
Dahil ako ay isang duwag. Ako ay isang duwag na hindi handang tumanggap ng pagkatalo…
Kaya nga, wala akong sinabi…
Subalit, hindi ko iniwan ang aking pagmamahal sa iyo…Patuloy parin ako, nandito…para sa 'yo…
Siguro naman, mapapansin mo rin…Sana naman mapansin mo rin kung gaano kita bigyan ng panahon, kung paano kita pagtuunan ng pansin...
Sana naman makita mo...maintindihan mo...na handa akong ialay ang buhay ko...para lamang sa iyo.
Hindi ko inaasam na mahalin mo rin ako...
Para sa akin, makita lamang kitang masaya...Ito ay magbibigay sa akin ng kasiyahan na higit pa sa kahit anong kayamanan o kapangyarihan sa mundong ito...
Dahil dito...
Patuloy parin ako as pagtulong sa iyo. Kung saan mo ako gusto, doon ako pupunta...Sa sandaling kailangan mo ako, hindi kita bibiguin...
Sa lahat ng pagsubok ng buhay, aalalayan kita. Hindi kita iiwan. Hindi kita pababayaan. Ako, bilang matalik na kaibigan, at bilang isang tao na nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo, ay lubus-lubusang pagiingatan ka...
Sa bawat pagbagsak mo, itutuwid kita. Sa bawat pagkabigo mo, kukunin kita sa aking mga kamay, sa aking dibdib, at sasabihin sa iyo na hindi pa huli ang lahat…
Sasabihin ko sa iyo, na hindi ka dapat sumuko sa iyong mga laban…Dahil ako rin, ay hindi susuko…
At ngayon, alam ko na gusto mo siyang makita muli...Alam ko na gusto mo siyang makapiling...Yuung babaeng iyon...Siya na nakabihag sa iyong puso at pag-irog.
Kahit sa sandaling ito na ako ay nasasaktan at nagdurusa, paninindigan ko ang obligasyon ko sa iyo...
Paninindigan ko ang pagmamahal ko sa iyo...
Gagawin ko ang lahat upang sumaya ka lamang...Gagawin ko ito, ng walang hinahangad na kapalit. Subalit, magiging maligaya ako...Sana...Kung makita mo lamang...kung maramdaman mo sana, kung gaano kita minahal...
Kung gaano kita minamahal...
Palagi tayong magkasama...Palagi tayong nagkikita...
Pero...Serph...
Nakikita mo ba ako...?
xxxxx
WAKAS
