"Mag syota si Ten Ten at si Saske ha?",
Tumahimik si Sakura. Medio nakaramdam siya ng kirot sa puso at damdamin niya pero hindi pa rin niya ipinahalata kay Naruto na nasasaktan siya sa binanggit niya. Ayaw niya ipahalata kay Naruto na nasasaktan siya.
"O? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nabagsakan ng isang libong bato sa mukha mo, ha?", Naitanong ni Naruto kay Sakura nang nahalata niyang nalulungkot ito na kahit itago pa ni Sakura ang kalungkutan na nararamdaman niya, napaghalata pa rin siya ni Naruto.
Inimbitahan ni Sakura si Naruto para makibalita siya kung ano na ang sitwasyon at kalagayan ni Saske. Inimbitahan niya si Naruto sa bahay niya at nagkataon naman na wala ang mga magulang nina Sakura. Itinanong ni Sakura kung ano na ang nararamdaman na ni Saske para sa kanya sapagkat nuong tumawag si Saske na ayaw magsalita sa telepono nila, lumigaya siya sapagkat ang iniisip ni Sakura, kaya ayaw magsalita si Saske ay dahil torpe siya ngunit nagkamali siya ng akala. Nang uto lang si Saske kay Sakura na kunwari may pakiramdam siya sa kanya, 'yun ang pagkakaintindi niya.
"Ito", Sabay kuha ni Naruto ng isang kapirasong papel galing sa bulsa niya upang ibigay ang papel kay Sakura kung saan nakalagay ang numero ng telepono ni Saske. "Kung gusto mo siyang tawagan, ito ang numero ng telepono nila. Hindi ba? Hinihingi mo sa akin ito?"
"Oo nga pala", Ngumiti si Sakura na may bahid na lungkot sa mukha niya. "Hindi ako nalulungkot ha? Baka akala mo lang 'yun ha?", napatawa siya ng mahinahon upang may maipakita lang ni Sakura na walang nangyayaring sama ng loob sa damdamin niya. Inunahan na niya si Naruto sapagkat ramdam niya na napaghahalata na siya. Ikinuha niya ang kapirasong papel kay Naruto.
"Wala bang halik?", Tanong ni Naruto.
"Huh?", Nagulat si Sakura.
Tumawa si Naruto. "Biro lang 'yun. Sinabi ko lang 'yun dahil kapalit lang sa ginawa ko sayo."
"Sus! Kababawan lang 'yun!", Naibanggit ni Sakura. Napansin niya na nakatitig sa kanya sa mata si Naruto na tipong ang lapot ng tingin. Halos hindi kumukurap ang kanyang mga mata pagkatapos, nang napansin ni Naruto kung ano na ang nangyayari sa loob ng limang segundo, napalingon siya sa may pintuan palabas ng kwarto.
"Sakura", Sabi ni Naruto na hindi tumitingin kay Sakura. Tumayo siya sa kinauupuan nila ni Sakura sa higahan. "Uwi na ako. Mag eensayo pa ako. Kailangan ko lumakas e bilang isang ninja"
"O sige", Sabi ni Sakura. Inihatid niya si Naruto sa labas ng bahay niya. "Ingat na lang ha?",
Ngumiti lang si Naruto at tumalikod na upang umuwi. Nang nawala na sa paningin ni Sakura si Naruto ay agad siyang tumakbo sa loob ng bahay niya at tumuloy siya sa kwarto niya. Sapagkat may sariling telepono si Sakura sa loob ng kwarto niya ay hindi na siya makapaghintay na hindi niya tawagan si Saske. Ang pinagtataka lang niya kay Saske ay bakit ganun na lamang siya ka suplado sa kanya kapag nagkikita sila sa eskwelahan. Samantalang pagkatapos ng oras ng klase nila, may tumatawag sa telepono na ayaw magsalita pagkauwi niya. Iniisip niya na maaaring ibang tao 'yun pero hindi niya maiwasan na isipin na si Saske 'yun. Si Saske na maaaring torpe lang kung manligaw.
xxxxx
Riiiinggggg… Riiiinnnnggggg…Malakas ang pagtibok ng puso ni Sakura. Nangangarap na sana ay makausap niya si Saske. Mga ilang segundo ay may bumunot sa telepono. Halos tumalon ang puso ni Sakura ngunit may kasamang kaba ng marinig niya ang boses ng isang lalake.
"Hello", Sabi ng boses. Isang binatilyo na kaakit akit ang boses.
"Pwede kay Saske?", Tanong ni Sakura. Humiga siya sa higahan sapagkat malapit lang ang telepono niya sa higahan niya.
"Ako ito. Sino ito?", Tanong ni Saske.
"Si Sakura ito!-",
"Sakura.. .. Hindi naman sa binabastos kita kaya lang may syota na ako. Si Ten Ten", Ang singit ni Saske.
Kumulo ang dugo ni Sakura ngunit nagpigil siya. Matatanggap niya na naging syota ni Saske si Ten Ten ngunit sa tono na napakinggan niya ay parang pinalalabas pa ni Saske na hinahabol habol siya ni Sakura pero para sa kanya ay hindi naman.
"Hoy! Hindi kita hinahabol-",
"Bakit ka tumawag dito?", Singit ni Saske at bara niya na hindi pa natatapos sa pagsasalita si Sakura.
"Teka! Huwag mo akong husgahan na ganun na lamang. Napatawag ako kase gusto ko malaman kung okay lang ba kayo ni Ten Ten", Sabi ni Sakura.
"Okay lang kami", Sagot niya.
"Bakit parang ayaw na ayaw mo sa akin e hindi naman kita ipinapangarap maging syota. Ang gusto ko lang kahit magkaibigan, okay lang. Katulad sa pagtrato mo sa iba na kakilala mo, ganun lang",
"Ewan ko-", Sagot niya.
Napatahimik si Sakura. Gusto niya awayin si Saske pero para saan pa? Lalabas lang na talagang may gusto siya nito kaya minabuti na lang niya na tumahimik siya.
"O sige, bye", Ang pagpapaalam ni Sakura.
"Bye",
Pagkababa ng telepono ni Sakura ay tumulo ang luha niya. Mahal niya at gusto niya si Saske pero hindi siya naghahangad ng kapalit. Dahil sa hangad ni Saske ang makapaghigante sa kapatid niya kung saan ipinatay ang mga angkan nila, nangangarap si Sakura na sana si Ten Ten ang magpabago sa isipan ni Saske. Natatakot kase siya na baka hindi niya kayang kalabanin ang kanyang kapatid at natatakot siya na baka mapahamak lang siya. Ayaw niya na mapahamak ang kanyang mahal.
