"Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat?" Tanong ni Reiko sa kanilang mahal na Kohai na si Kiarra.

"Niyayaya ka ng Bakaya na yun sa isang date?" tanong naman ni Kamiru.

"Papayagan ba natin siya?" Tanong naman ni Emi sa mga kasama niya.

"Sa bagay gusto ni Bakaya ang mga cheerful girls, kaya hindi impossible na magustuhan siya nito." Sabi naman ng stalker na si Megumi.

"Hindi! Hindi ako papayag!"

"Naaaah! Hindi nga siya date mga senpai! Natalo ko siya sa isang arcade game at gusto niya ng rematch, yun lang yung dahilan."

"Once na yayain ka ng lalaki, date na 'yun!" Sigaw ni Reiko.

"Ibig sabihin nagdadate kayo ni Marui?" Tanong ni Kamiru with sarcastic tone pa.

"Shut up, kamiru." Umupo ito sa upuan and crossed her arms. "Basta di ako papayag kapag ang demonyo na yun ang kasama niya."

"Ate naman?"

"Bat ba mapilit ka?"

"H-hah? W-wala naman. Gusto ko pumunta ng arcade!"

"Sabihin mo nga… Gusto mo si Bakaya?" Tumingin sa kanya si Kamiru.

"H-hindi ah!"

"Hmmm… Mukhang ganun na nga." Sagot naman ni Emi.

"Gusto ka din nun ni Bakaya." Umakbay si Megumi sa Kohai.

"Hindi nga sabi eh! =/="

"Eh, bakit ka namumula?"

"Hindi ah!" Tinawanan lang nila si Kiarra. Patuloy pa din niyang pinipilit si Reiko na pumuyag dahil bali wala ang pagbayag ng tatlo kung hindi aagree ang isa.

"Ate, please!" Pilit niya dito habang nag lalakad sila.

"Ayoko."

"dali na. Hindi talaga kami magda-date, maglalaro lang kami."

"No."

"Ate naman! Please? Please? Please? Please? Please? Please? Please? Please? Please? Please? Please? Please?" With matching Puppy dog eyes pa. Nag-sigh si Reiko.

"Ang kulet mo talaga no?"

"Syempre ako pa. Dali na Ate."

"Oo na. Oo na."

"talaga?"

"Oo nga."

"Yehey!" Inakap niya si Reiko. "Thank you ate! I Love you!"

"I Hate you." Sagot nito.

"Haha. Sige mukhang andyan na yung sundo mo, Ate Maiko~"

"Kia!" Tumakbo na agad si Kiarra dahil alam niyang mayayari siya sa Senpai niya pag naabutan siya nito.


"Oi, Bakaya!" tawag ni Kiarra sa Junior Ace ng Rikkai.

"Akala ko aatras ka e." Nag-smirk ang Junior Ace.

"Impossible yun no. Seaweed~!"

"Che." Pumunta sila sa pamborito nilang laro sa Arcade ang Tekken.

"Matatalo ka!"

"Ikaw!"

"Weak ka! Bakaya~! Seawaeed~!"

"ikaw yun! Bata~! Siopao~!"

"Amp! Hindi ako siopao! Seaweed!" Lahat ng costumer sa arcade ay nakatingin na sa kanila dahil sa sobrang ingay nila habang nag-lalaro, pero sa bandang huli natalo pa din si bakaya.

"Bleeh!"

"Aggh! Matatalo din kita! Tandaan mo yan!"

"Kelan?"

"Basta matatalo kita!"

"Never! Seaweed!" Tumakbo si Kiarra papuntang park at sumunod ito. Humiga si Kia sa damuhan dahil sa sobrang pagod.

"Mahina ka pala e."

"Seaweed! Nyaw~!"

"Talaga bang gawain mo yan?"

"Oo. Nyaw~!"

"Tch." Napansin niya na hindi na nagresponse si Kiarra tumingin siya dito at nakita niyang tulog na.

"Pambihira? Kahit saan na lang talaga siya natutulog." Tinanggal niya ang Uniform niya at ikinumot sa kanya.

"Kiapao~"