Shurah: Yattaaaaaaaaa! ang saya naman nito may Filipino language na hindi na ko mangangamote at maghahanap ng dictionaryo na hindi ko manlaman kung saan tinago
disclaimer: sa mga mamababasa dyan por dios por santo mga dong mga day hindi ko pag-aari ang mga tauhan ng storyang ito k'
Talentado
Isang umaga nag patawag ng isang pagpupulong si Tsunade tungkol sa isang problema na magbabago at yuyurak sa reputasyon ng mga genins na ngayo'y mga chuunin na. Maingay sa loob ng opisina ng Hokage at tila ba nagtataka ang mga jounin senseis kung bakit biglaan ang pagpapatawag, malapit ng mainip ang mga okupante ng nasabing silid ng biglang.
BAM!
Bumukas ang pinto at natahimik ang lahat ng pumasok si Tsunade kasama ang kayang julalay na si Shizune.
Tsunade: Magandang umaga sa inyong lahat. Bati ng kapapasok lamang na Hokage pagkaupo pa lang nya sa kanyang upuan.
Jounins: Magandang umaga rin po Hokage-sama. Tugong ng mga nagulantang na mga Jounins.
Tsunade: Alam ko biglaan ang pagpapatawag kong ito pero ang usaping ito ay kailangan ng pag-usap at kailang nang masulusyonan at take note hindi na pwedeng pagpaliban. Seryosong sabi ni Tsunade, nabahala at nagtaka naman ang mga Jounins.
Nabahala dahil sa sinabi ng Hokage na kailangan nang maagap na sulusyon at nagtaka dahil ano naman ang kinalaman nila sa problemang ito… ay! Nasabi ko na ba sa inyo na nininerbyos din sila sa kinauupuan nila dahil sa ang nasabing Hokage ang may kung ano mang binabalak at nakangisi ito sa kinauupuan nya habang tinititigan ang mga Jounins na gusto na atang magtago sa ilalalim ng kanilang silya.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Tahimik ang lahat at matamang nakikinig.
Pagkatapos ng isang oras na pagpupulong lumabas ang mga Jounins na ang iba ay mukhang sabik na sabik gaya na lang ni Kurenai at syempre si Gai, lugong-lugo at ninenerbyos gaya ni Kakashi. Bakit?
Flashback
Jounin 1: Hokage-sama ano naman po ba ang pag-uusapan natin ngayon? Tanong ng isang Jounin na kanina pang inip na inip at atat na atat na lumabas ng kwarto dahil palabas na sa TV ang kanyang paboritong telenovela.
Tsunade: Hmm… tugon ng Hokage na para bang hindi malaman kung paano nya sasabihin ang dapat kanina pa nyang dapat sabihin.
Tick tock
Tick tock
Tick tock
The Jounins sweatdrop dahil hindi pa nagsasalita ang Hokage, nabasag ang katahimikan at nagising ang nasabing Hokage ng sumigaw si Gai ang original kapal kilay ng Konoha.
Gai: ANONG PETSA NA! (With matching liyab mata and horror music in d' background)
Tsunade: (inaantok pa) Ay pasensya na medyong naidlip lang ako dahil pagod pako kagabi dahil naghang-out pa kami ng mga ka-Berks ko. paliwanag ni Tsunade and the Jounins sweatdrop uli.
Tsunade: (nagkamot ng ulo) Bweno hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, malaki ang krisis natin ngayon dito sa Konoha… mangyari kasi kulang na ang pondo natin sa kabang-yaman ng bayan (Bakit kaya? coughsugalcough) at sa dahilan na wala tayong masyadong kliente ngayon mahina ang pasok ng pera. Pagpapaliwanag ng Hokage na sinundan ng mga bulong-bulungan kung paano nangyari ito.
Kurenai: (aka syota ni Perv) Ano naman po ang naisip nyong paraan para sa problemang ito? tanong ni Kurenai. Ngumiti lang ang Hokage na para bang nasisiraan na sya ng bait. (Muli nanamang tinamaan ang mga Jounins ng NGINIG)
Tsunade: (nakangiti pa rin) Dyan kayo papasok at ang mga teams nyo sagot ni Tsunade.
Jounins: HUH? reaksyong ng mga okupante ng nasabing opisina.
Tsunade: (starry-eyed ang mga mata) Mag kakaroon tayo ng isang mini-concert at ang mga pinagbentahan ticket ay idadagdag natin sa ating kabang-yaman. sagot ni Tsunade.
Gai: (starry-eyed din (shiver) Napagandang panukala Hokage-sama, muli nanamang maipapakita ng mga kabataan ang kanilang galing at muli nanamang liliyab ang apoy ng kabataan. pagtatalumpati ni Gai habang nagna-nice guy pose, thumbs up at ang kanyang ngipin ay nag PING!
Jounins: HAY! (dalawa na siraulo sa bayan ng Konoha) sinabi na lang ng mga Jounins eh pano ka ba naman hindi masasanay kung sa araw-araw na lang ng ginawa ng Diyos eto lagi ang maririnig mo sa twing andyan si Gai.
Tsunade: (bumalik na sa katinuan) O sya-sya tama na yan… Hay! Pasaway ka talaga. (parang sya hindi) pagbubuntong hininga ni Tsunade. bawat team kailangan maghanda ng isang palabas, bahala kayo kung kakanta, sasayaw, o magbubuo ng banda (nag starry eyed si Gai), bahala kayo. dadag pa ni Tsunade.
Tsunade: Naiintindihan nyo ba? tanong nya.
Jounins: Opo Hokage-sama. sagot ng mga Jounins
Tsunade: Tandaan nyo meron kayong 1 linggo para maghanda, yun lang pwede na kayong lumabas. pahabol pa nya, pero bigla syang nagsalita na ikinatakot ng mga nakarinig lalo na si Kakashi.
Tsunade: (smiling like a manyak) Oh Kakaaaaaaaaaashi! malambing na sabi ni Tsunade sa sobrang sweet I swear may antik nang gumagapang sa sahig papunta kay Tsunade. Napahinto bgla si Kakashi.
Kakashi: (parang nakakita ng multo o nakaapak ng kung ano man (Yuck) P-po Ho-Hok-Hokage-sama. sagot ni Kakashi
Tsunade: Tandaan mo si Sasuke at Sakura ay nasa team mo diba dapat mas maganda ang pagtatanghal nyo dahil ang dalawang estudyante mong yan ay maraming tagahanga at karamihan ng mag binata't dalaga na kasing edad nila ay pupunta dito at malamang ang iba dyan ay pupunta para lang Makita sila kaya…WAG MO KONG PAHIHIYAIN kung hindi…" hindi na tinapos ni Tsunade ang kanyang sasabihin dahil alam naman ni Kakashi kung anong ibigsabihin ng nasabing Hokage kaya dali-dali na syang umalis.
End flashback
Lugong-lugo si Kakashi dahil alam nya na malalagot sya kapag hindi nya pinagbutihan lalu na pag nalaman ng Hokage na hindi nya mapapayag si Sasuke na magtanghal, madali lang si Sakura at lalo naman si Naruto pero si Sasuke hah asa ka pa.
Pucha pag hindi nya nagawa 'to para ka na ring nagpakamatay.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Shurah: sheesh! sa wakas tapos na ang unang chapter may susunod pa dyan wag kayong mag-alala... pucha dapat matagal ko nang tapos ito kung hindi lang dahil sa mga pasaway-so-called-pinsan.
o pano R&R na lang comments, suggestions, no violent reaction lang pls.
nga pala magsuggest din kayo kung anong gusto nyong ipagawa o mga kanta na gusto nyong ipa kanta sa mga tauhan para naman buhay ay magkaroon ng Ku-
KWENTA! hahahahaha...
