- Hindi pa tapos ang Gakuen Alice. Sa ngayon, nasa chapter 136 pa lang ako ng manga, pero dahil sa dami na ng mga revelations na nangyari sa ibang chapters, natatakot ako na baka patayin ng author si Natsume dahil sa pagiging life-span shortening type ng kanyang alice. Ayaw ko ng tragic love story, lalo na kapag gusto ko ang mga bida. Sa last chapter, chapter 136 nga, ay sumabog ang warphole pagkatapos mailagay ni Yuka ang susi sa keyhole. Sa totoo lang, noong hindi pa sinabi ni Natsume na mahal niya si Mikan, gusto kong magkita sina Yuka at Mikan, pero nang sabihin ni Natsume na mahal niya si Mikan at ayaw niyang magkahiwalay sila, natakot ako. Baka kasi hindi na sila magkita dahil isasama ni Yuka si Mikan sa pagtakas. Paano na si Natsume? Kaya para naman hindi masyadong masakit sa dibdib ang maaring magaganap, gumawa nalang ako ng sarili kong ending ng storya. Kaya heto, please review.
Pasensiya na po kung may mali mali sa tagalog ko. I'm a bisaya kasi. kaya pasensiya na.
I need someone who can translate this story into english. please inform me.
DISCLAIMER: I DO NOT OWN GAKUEN ALICE.
"Yuka!" sigaw ni Shiki, pero huli na nang biglang umalingaw-ngaw ang isang malakas na pagsabog na nagpatilapon sa kanya sa kabilang sulok.
"Mama!" nahihintakutang sigaw ni Mikan nang makita niya kung ano ang nangyayari. Hindi! Mama! Agad siyang tumakbo sa kinaruruunan ng mama niya pero may mga bisig na agad pumigil sa kanyang braso. Nagpumiglas siya pero masyadong malakas ang mga bisig na iyun at hindi siya makawala. Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig. Nanlalabo ang paningin niya dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata habang nakatanaw sa apoy na lumamon sa kanyang ina. "Mama!"
"Mikan." Napahagulgul siya nang iyak sa bisig ng kung sino man ang yumakap sa kanya. Wala na siyang maramdaman sa paligid ngayon, parang wala na siyang marinig, parang tumigil na sa pag-ikot ang kanyang mundo. Hindi! Hindi ito ang gusto kong mangyari, gusto ko pang makasama ng matagal ang mama ko. Hindi ito dapat nangyari.
"B-bakit! Bakit kung kailan ko siya nakasama- , Bakit?" hagulgul niya.
"Y-Yuka!" napatakbo sa kinaruruunan ni Yuka si Narumi, pero wala nang Yuka sa lugar na iyun. Naging kalunos-lunos ang nangyari kay Yuka. Katulad ng bola, ay bigla itong naglaho, ayaw niyang tanggapin ang katutuhanang na ang pagsabog na iyun ay kumitil sa buhay ni Yuka. Gulat na gulat ang lahat sa hindi inaasahang pangyayari. "Hindi! Hindi! Hindi! Yuka!"
"Damn it!" galit na paulit-ulit na sinuntok ni Shiki ang sahig habang pigil ang luha sa pagpatak, wala siyang pakialam kong dumugo man ng dumugo ang kanyang kamao. Galit siya sa kanyang sarili dahil wala siyang nagawa para iligtas si Yuka. Wala siyang nagawa, sa kahuli-hulian, nabigo siyang protektahan ang babaeng mahalaga sa kanya.
"Kawawang Yuka, akala niya siguro na tuluyan na siyang makatakas sa lugar na ito at mamuhay ng maligaya kasama ang anak niya. Ngayon, bayad na siya sa kasalanang ginawa niya noon." Nakakalokong ngumiti si Luna habang nakamasid sa mga taong hindi maipinta ang mukha dahil sa magkahalong emosyon.
"Salbahe ka! Pinatay mo ang mama ko, pinatay mo siya!" hestirikal na sigaw ni Mikan na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ni Tsubasa. Pero hindi siya pinansin ni Luna.
"Hindi ko inaasahan na ganito kaaga ko makamit ang tagumpay."
"Hah! Tagumpay ba kamo? Huwag kang magsaya, isa pa lang ang napapatay mo Luna." Sabi ni Shiki na pinilit na tumayo sa kabila ng pagkahilo. Nakayuko ito kaya hindi nila mabasa sa mukha nito ang totoong emosyon nito, pero sa tono nito ay alam nila na sukdulan ang galit na nararamdaman nito.
"Hah! Tinatakot mo ba ako? Akala niyo ba makakatakas pa kayo rito? Saan man kayo tumakbo at magtago, mahuhulog at mahuhulog parin kayo sa mga kamay ko."
"Masyado kang binulag ng isang walang kwentang mga salita ng principal." Sabi ni Natsume na nanggagalaiti sa galit. Hinding hindi niya mapapatawad ang mga hangal na katulad ng mga ito. "Akala mo ba may laman ang kanyang bawat salita? Katulad ka lang ng isang manika na walang sariling buhay, gumagalaw lang sa pamamagitan ng kamay ng isang hangal. Hah! Ginagamit ka lang niya para sa sarili niyang interes."
"Tumahimik ka! Ano ang nalalaman mo para pagsalitaan ako ng ganyan! Isa ka lang bubuwit na kayang-kaya kong alisin sa daraanan ko." Nanlilisik ang mga mata ni Luna na nakatingin kay Natsume. Hindi siya makapaniwala na magsalita ito tungkol doon. Wala itong alam.
"Talaga?" sabi ni Natsume na nakakalokong ngumiti rito. "Gusto mong subukan?" lumiyab mula sa kamay nito ang apoy, sa pagkakataong ito ay hindi iyun pangkaraniwang apoy na kulay pula, kulay asul iyun tanda ng matinding galit nito. Takot man si Luna dahil sa kakaibang kapangyarihan na taglay nito ay hindi siya umatras. Kahit pa walang magawa ang alice niya sa alice nito. Alam niyang nasa pangangalaga siya ng elementary principal, at hinding hindi siya basta papatalo sa isang bubuwit na katulad nito.
"N-Natsume…" sambit ni Mikan habang nakamasid kay Natsume, natatakot siya para kay Natsume, ang apoy na iyun, ngayon lang niya nakita iyun na ginamit ni Natsume. Hindi kaya iyun dahil sa Will Power alice na iniligay niya sa katawan nito? Sa klase ng anyo nito ngayon, malamang ginagamit na nito ang lahat ng lakas na natitira rito. Lalo na ang kapangyarihan ng alice nito.
"Mikan." Sambit ni Natsume na hindi tumitingin. "Umalis ka sa impostor na yan." Napatingin sina Narumi, Shiki, at Luka-pyon kay Mikan. Hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Natsume.
"H-Huh?"nalilitong sambit ni Mikan. Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Tsubasa sa kanyang braso, pinipigilan siya. Nilingon niya ito, walang ka-emotion emotion ang mukha nito. "T-Tsubasa-senpai, nasasaktan ako." Nakita niyang ngumiti si Tsubasa, ngiting nakakaloko. A-anong nangyayari? "T-Tsubasa-senpai." Dinaklot siya nito at marahas na pinatayo.
"Ang talas talaga ng pang-amoy mo Natsume. Bilib talaga ako sayo."
"Tsubasa!" sambit ni Narumi, hindi makapaniwala sa narinig.
"Bitiwan mo siya Goshima, kung ayaw mong magiging abo sa pagkakataong ito."
Gulat na napatingin ang lahat kay Tsubasa o Goshima, lalo na si Mikan na nahintakutan na nakatingin sa taong mahigpit na nakawak sa braso niya. Goshima? Paanong- naputol ang iba pang sasabihin ni Mikan nang makitang hindi na si Tsubasa ang nakawak sa kanya kundi si Goshima-senpai, ang school representative. Nakakalokong humahalakhak ito. "G-Goshima-senpai!" gulat na sambit niya.
"Natsume! Natsume! Natsume! Mabangis ka parin. Paano mo magagawa yun kung hawak ko ang alas?"
"Goshima, ano ang ibig-sabihin nito?" gulat na tanong ni Narumi. Hindi ito makapaniwala na isang traidor si Goshima Igarashi. "K-kasapi ka ng principal?"
"Hindi pa ba halata iyun?" sabi nito na naiirita. "Oo nga pala, masyado kayong tanga para mapansin iyun."
"G-Goshima-senpai, b-bakit?" hindi makapaniwalang tanong ni Mikan, nagsimulang mamalisbis sa pisngi niya ang luha. "Pinagkakatiwalaan kita, a-akala ko isa kang kaibigan. A-akala ko isang kang mabuting tao. P-pero, bakit? Ano ang nagawa ko sayo?" galit na sabi ni Mikan rito. Naalala niya na ito ang nagbigay ng susi ng warphole sa mama niya bago iyun sumabog. "I-ikaw ang p-pumatay sa mama ko?"
"Pasensiya na Mikan, kailangan kong alisin ang mama mo sa landas ng principal, at sa susunod, tandaan mo na maraming namamatay sa maling akala. At isa na ang mama mo doon. Masyado kayong nagpapaniwala na nasa akin ang susi. Isa lang patibong ang lahat mga hangal!"
"Hayop ka!" galit na pinagsusuntok ni Mikan ang dibdib ni Goshima, pero hindi man lang natinag ito. Hindi niya maintindihan ang galit na namumuo sa dibdib niya. Lalong humigpit ang pagkakawak nito kay Mikan na para nitong nilakumos ang katawan ng pobreng bata. "Argh.." parang mapugto ang hininga ni Mikan.
"Mikan!" sabay na sigaw nina Narumi at Ruka. Sumiklab ang malakas na apoy sa kamay ni Natsume.
Ang hayop!
Sukat doon ay biglang lumiyab ang kabuuan ni Goshima na nakayakap kay Mikan ng mahigpit. Paanong- sambit ni Goshima nang makita ang sarili na nagliliyab at unti-unting naramdaman ang hapdi ng apoy sa kanyang balat. Napasigaw siya sa sakit.
"Hhm… isang ineteresenting tagpo. Hindi ko akalain Natsume na kayang mong baliwalain ang lahat at magpadala sa bugso ng galit at isakrapisyo ang babaeng-" napatigil sa pagsasalita si Luna nang makitang walang ano-ano na lumayo si Mikan kay Goshima. Hindi man lang ito nasaktan. P-paanong? Ahh.. oo nga pala, taglay nga pala ng batang ito ang nullification alice.
"Aahhhrggg!" sigaw ni Goshima na nagtatakbo sa kahit saang deriksyon para pigilan ang apoy.
"Luna-sama, tulungan natin si Goshima!" sabi ng kasamahan ng Fukkitai kay Luna.
"Sige, isang hakbang lang at uubusin ko kayong lahat!" galit na sabi ni Natsume, nanlilisik ang mga mata nito, handing-handa itong sunugin ang kung sino man ang humarang sa daraanan nila.
"N-Natsume!" napatakbo si Mikan kay Natsume at niyakap niya ito mula sa likuran. Mahigpit ang yakap nito, puno ng pag-alala at pagsusumamo. "T-tama na Natsume, tama na. Ayaw kong makapatay ka ng tao. Natsume." Hindi nakapagsalita si Natsume, hindi niya inaasahan ang ginawa ni Mikan.
"M-Mikan." Sambit ni Ruka.
"Ayaw kong maging isa kang mamamatay tao, ayaw ko ng ganun. Ayaw ko!" nakapikit na sambit ni Mikan habang mahigpit parin na nakayakap kay Natsume, masagana ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Naalala niya kung anong klasing buhay meron si Natsume sa loob ng Academy. Kung paano ito nakipagsabayan kay kamatayan, kung paano naging madilim ang mundong kinasasadlakan nito. Pumapatay ng tao kapalit ng isang buhay na mahalaga rito. Aoi. Isinakrapisyo ni Natsume ang sarili nitong buhay at kinabukasan para pagtakpan at iligtas ang kapatid nitong binihag ni Persona noon, kailangan nitong yakapin ang kadiliman para sa taong mahalaga rito. Ito ba ang klasing buhay na ibinigay ni Persona kay Natsume? "Natsume, tama na!" hindi na siya papayag na bumalik pa si Natsume sa mundong iyon.
Mikan…sambit ni Natsume sa isipan. Hindi niya kayang baliwalain ang tinig nito, ang bawat salita nito. Hindi niya kayang makita ito na umiiyak.
Unti-unting naglaho ang apoy sa kamay ni Natsume at hinawakan ang kamay ni Mikan na nakapatong sa dibdib niya. Ang mga kamay na ito… hanggang kailan ko kayang protektahan ang mga kamay na ito. Biglang sumagi ang kirot sa katawan niya, at muling siyang napaubo ng dugo, sa pagkakataong iyun, mas marami ang dugo sa palad niya. Masyadong naapiktuhan ang katawan ko dahil sa inilabas kong alice. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Mikan.
"N-Natsume?" sambit ni Mikan, sa nag-alalang tinig.
"Huwag mo akong alalahanin. Wala ito." Damn! Hanggang kailan ako mananatiling buhay para protektahan ang babaeng mahal ko?
"Hayop ka Natsume… pagbabayaran mo ang ginawa mong ito sa akin." Galit na sigaw ni Goshima kay Natsume, napatay nito ang apoy kaya ngayon ay namimilipit ito sa sakit dahil sa pagkasunog ng ilang bahagi ng katawan nito.
"Buhay ka pa pala." kalmadong sabi ni Natsume, sa tono nito, wala itong pakialam kong mamatay man ito o mabuhay dahil sa pagkasunog nito.
"Shk! Masyado kang padalos dalos Goshima, hindi ka nag-iisip!" inis na sabi ni Luna kay Goshima na pinilit ang sarili na makalapit rito kahit namimilipit sa sakit. Paminsan-minsan itong napapasigaw at nagmumura. Ngayong wala na ang apoy ni Natsume, kailangan nang kumilos. Masyado nang maraming oras ang nasayang. Hssh, salamat sayo Mikan. "Fukkitai, dakpin ang mga yan at iharap sa principal para maparusahan!" galit na utos ni Luna, agad naman nagsikilos ang mga Fukkitai.
"Mikan!" sigaw ni Narumi na inihanda ang sarili para sa matinding labanan.
"Mikan, gamitin mo ang teleportation alice para makalabas tayo ng building na ito." sabi ni Natsume kay Mikan.
"P-pero, kailangan nating makalabas ng warphole Natsume."
"Hindi natin magagamit ang warphole kung wala ang susi, kailangan nating mahanap iyun. Sigurado akong itinago lamang iyun ni Goshima."
"S-sige." Inihanda ni Mikan ang sarili. "Narumi-sensei, Shiki-kun, Ruka-pyon. Humawak kayo sa kamay ko!" agad na nagsilapitan kay Mikan ang tatlo at humawak sa kanya. Ipinikit ni Mikan ang mga mata. Mama, Papa! Tulungan niyo ako! Sambit ni Mikan sa isip. Kailangan niyang maging matatag at matapang para sa mga taong natitira sa kanya. Kailangan siya ng mga ito.
"Hindi kayo makakatakas! Saan man kayo pupunta, hindi kayo makakalabas ng paaralang ito." galit na sigaw ni Luna bago naglaho ang lima.
-TO BE CONTINUED-
hanggang dito nalang po muna... i'm currently busy working on my thesis. so maybe next week ay may chapter 2 na po ito.
