Disclaimer: Kung ako may ari ng Naruto... May special episode ang kasal ni Sasuke at Sakura mwahahaaha XD
Noong Unang panahon, Ang naghahari sa Mundo ay tanging ang mga Vampires...Maraming mga makapangyarihang mga angkan ngunit ang katangi-tangi sa kanila ay ang Uchiha Empire...
Ang nakatakdang susunod na maghahari ay ang panganay ni Reyna Mikoto at Haring Fugaku na si Itachi Uchiha, at ang Kanilang bunso na isang beterano sa paghawak ng espada na si Sasuke Uchiha ang hahalili s kanya...
Sa kanilang mundo, isa lang ang nakatakda sa bawat isang Bampira, at mukhang si Uchiha Sasuke ay namomroblema dito.. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya ang nakatakda niyang ibigin...
Balik-tanaw...
Isang malaking pagsasalo-salo ang hinanda ng Imperyo ng mga Uchiha para sa mga kaalyado nilang angkan...Sa isang banda makikita mo ang binatang si Sasuke sa may balkonahe, hindi daw kasi sya nakikipagsalamuha sa ibang tao..."Mag-isa ka rin ba?" tanong nang isang dalaga sa kanya."Hn.." simpleng sagot ni Sasuke."Hindi ka masyadong nakikisalamuha sa iba no?"Tanong ng babae habang nakangiti."Pwede bang wag kang ngumiti ng ganyan... nakakainis ka.."Ang sabi ng Bugnuting binata.'Pamilyar ang amoy na iyon... amoy rosas at...' Bago pa niya maipagpatuloy ang iniisip niya, tumayo ang dalaga..."Teka san ka pupunta?" ang tanong ni Sasuke sa kaniya."Aalis na ako sa lugar na ito, wala naman ang taong hinahanap ko dito e..'' sagot ng babae. "Siya nga pala ako nga pala si Inami. Inami Totori..." pakilala ng Dalaga habang inaabot ang kamay kay Sasuke."Sasuke Uchiha." ang tanging tugon ni Sasuke kay Inami. Ngumiti si Inami, paalis na sana siya ngunit hinablot ni Sasuke ang kamay niya. "Inami Totori, sino ang hinahanap mong tao?" tanong ni Sasuke sa kaniya. "Ang kapareha ko..." tugon ni Inami kay Sasuke."Inami.. ikaw na nga.." sabi ni sasuke sa kaniya. "Ang balikat mo, maari bang makita?" tanong niya uli sa dalaga.Nakita niya ang tatak ng isang kapareha ng isang Uchiha..."Ikaw na ba talaga?" tanong ng naguguluhang dalaga kay Sasuke.Tumango si Sasuke at sa di malamang dahilan ay nangilid ang luha ng Dalaga.
Ilang taon ang lumipas at naisipang magpakasal ng magkasintahan...
Ngunit sa araw ng kasal...umatake ang mga Vampire hunters...
Nagapi nila ang lahat ng mga Bampira maliban sa dalawa... Ang mahal na Prinsipe na si Sasuke Uchiha at ang tapat na taga paglingkod at matalik na kaibigan niyang si Naruto Uzumaki...
Naging masakit sa kaniya ang pagkawala ni Inami...
Balik-tanaw
"Sasuke..." ang nanghihinang tawag ni Inami sa kaniya."Hindi Inami! wag mo akong iiwan! pakiusap..." mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Sasuke."Sasuke... p-pangako babalik ako...babalikan k-kita Sasuke...pangako." Ang pangako ni Inami kay Sasuke binabawian siya ng buhay..."Pakiusap lumaban ka Sasuke ipangako mong mabubuhay ka...para sa akin at sa...anak natin..." sabi niya habang nakangiti sa huling pagkakataon"Nagdadalang tao ka?" tanong ni Sasuke sa kanya. Ngiti lang ang sagot niya."Siya si Sakura...ang anak natin sasuke." Sabi niya habang hinihimas ang duguan niyang tiyan. Ilang saglit pa ay pinikit na niya ang mga mata niya..."Hindi wag!!" sigaw ni Sasuke habang pinapanood ang pinakamamahal niyang namamatay sa sarili niyang mga kamay.."Isinusumpa ko!! papatayin ko ang lahat ng pumaslang sa buong lahi ko! lalong-lalo na sa pinakamamahal ko!" galit na galit niyang sigaw habang namumula ang kanyang mga mata. (a/n: sharigan... hindi po adik ah XD)...
At doong nagtatapos ang simula...
A/N: phew hahaha natapos din ang isang chapter...Alam ko pong SasuOc yung first pero po sa susunod na chapter at sa next next next next chapter ay SASUSAKU na woohoo!!!
