Disclaimer: I do not own Samurai Warriors by Koei and Pugad Baboy by Pol Medina Jr.

WARNING: This fanfic I created is for mature audiences only (including languages)

--Alamang Boy (Samurai Warriors Version)--


Cast:

Azai Nagamasa

Isono Kazumasa (Nagamasa's left-hand man)

Toyotomi Hideyoshi

Tokugawa Ieyasu

Honda Tadakatsu

Ishida Mitsunari

Tachibana Ginchiyo

Oda Nobunaga

and many extras...

For Samurai Warriors fans only in the philippines!


Kazumasa: O, panginoon Nagamasa... Anong problema?

Nagamasa: Nawawala 'yung kambing na inuwi ko galing Echizen!

Kazumasa: Echizen? Tsk tsk! Problema nga 'yan. Marunong bang mag-Japanese 'yung kambing mo?

Nagamasa: Hindi siguro. Taga-Echizen 'yon e. At kahapon la...

-Nagamasa pouts-

Nagamasa: Niloloko mo yata 'ko e...

Kazumasa: Joke lang. Ikaw naman.

-Hideyoshi's House-

Nagamasa: Panginoon Hideyoshi, hindi mo ba nakita 'yung kambing ko?

Hideyoshi: Alin? 'yung brown na kambing na walang sungay?

Nagamasa: 'Yon!

Hideyoshi: 'yung may dalawang kuntil na puti sa panga? Atsaka may puting spot sa kaliwang pigue?

Nagamasa: 'YON! 'YON NA NGA!!!

Hideyoshi: Hindi ko nakita.

-Odani Castle: Main Entrance-

Gate Soldier: Panginoon Nagamasa, Itigil mo na ang paghahanap sa nagnakaw ng kambing mo... UMAMIN NA ANG MGA ITO!...

Man: PANGINOON NAGAMASA, HINDI HO KAMI ANG MAY SALA!! Tinorture lang kami nitong palanquin n'yo kaya kami umamin!! Hu! Hu! Hu! Hu! Ginapos n'ya po kami at nilagyan ng headphones at... at... pinilit po kaming makinig ng mga plaka ni Jose Mari Chan!!... Hu! Hu! Hu! Hu! Noong pang-anim na ulit ng "Beautiful Girl" ay inamin ko na po ang lahat pati ang pagpatay kay Panginoon Hideie! Hu! Hu! Hu! Hu!

Gate Soldier: Panginoon Nagamasa! May ni-round up ako na second set of suspects sa pagkawala ng kambing mo! Palagay ko e sila na nga ang mga salarin!! Ang theory ko e may Love angle na involved dito!!

Nagamasa: Love angle??

Gate Soldier: Oo. Palagay ko ay naging girlfriend nito 'yung kambing mo!!

Nagamasa: May... lilinawin lang ako, kawal... Ang gusto ko e... maniniwala ako... na... naging girlfriend nito ang kambing ko??

Soldier: Tignan mo ang mukha panginoon, TIGNAN MO!!!

-Nagamasa wields his revolver shotgun-

Nagamasa: Kawal... bibigyan kita ng hanggang tatlo para mag-evaporate... Isa...

Soldier: I'm gone!

Kazumasa: Tsk tsk! Sino nga naman ang maniniwalang naging girlfriend n'ung tao 'yung kambing ni Nagamasa?... e lalaki 'yung kambing ni Nagamasa...

-Ieyasu's retreat house: Outside-

Ieyasu: Panginoon Nagamasa! May eyewitness sa pagnanakaw ng kambing mo!!

Nagamasa: Ha?! Nasa'n??

Ieyasu: Ta-daan!

-Nagamasa sees Ginchiyo with her Thunder's Roar on her waist-

Nagamasa: Um, panginoon Ieyasu... Hindi yata ako naniniwalang eyewitness 'yan.

Ieyasu: Aba'y bakit?

Nagamasa: E bulag 'yan e.

Ginchiyo: Feeling artista lang ako 'no? (dreaming: Wag n'yo ako tawagin bulag, hayup ka!)

-Ieyasu's retreat house: Backyard-

Nagamasa: Sige sabihin mo 'sa akin... Sino ang nagnakaw ng kambing ko?

Ginchiyo: Wala bang press coverage 'to? Ang nagnakaw po ng kambing n'yo ay ang anak na lalaki ni panginoon Nobunaga Oda!

Nagamasa: Oh... my... lord.

Ieyasu: Anak ni...

Nagamasa: Teka, marami 'yung anak na lalaki at babae ni Nobunaga ah...

Ieyasu: Sa ilang asawa lang 'yon... e 'yung sa kabit pa?

---TO BE CONTINUED WITH PART 2---

Keep on reading and don't flame!