Title: Ang Hindi Masyadong Makulay na Buhay ng Isang Hindi Masyadong Magaling na Manlalaro ng Basketbol
Author: Tenjin Shuri (shuri@yyhmail.com)
Genre: actually ewan ko. normal story telling lang... parody?!
Rating: PG-13 (yata. i'm not MTRCB ewan ewan)
Language: ...? Filipino... halo halo...
Disclaimer: I am not the owner of Slam Dunk. I do not intend to make fun of the life of my love.

01
Sa isang lugar kung tawagin ay Kitamura
May isang paaralan, malaki at maganda
Kitamura Junior High ang tawag sa kanya
May basketbol klab at marami pang iba

02
Dumaan ang isang tila senpai ang porma
Tingin ko sa kanya'y isang dambuhala
Sa bawat hakbang, nanginig ang lupa
Nilapitan ko siya kahit ako'y nangamba

03
"Gusto kong sumali sa basketbol klab"
Hayag ko sa kanyang may balikat na malapad
Siya'y umikot at ako'y tiningnan
"Engot ka, ako'y freshman pa lamang"

04
Sa sandaling iyon, ako'y nagkakutob
Bagong kaibigang kasama hanggang sukdol
Akagi Takenori, mahilig sa basketbol
Isang mabait, ngunit nakakatakot

05
"Sasali rin ako sa klab ng basketbol
Upang matupad ang pangarap ko noon
Hangad kong maging kampyon sa Hapon"
Sabi ni Akagi, katotong maton

06
"Maging basketbolista, aking ninanasa
Para lumakas ang katawan kong lampa
Ayoko nang matukso ng mga walang hiyang
Tawag sa aki'y lampayatot na bakla"

07
Pagkatapos isalaysay ang aking nakaraan
Basketbol klab ay aming pinuntahan
Tinanggap kami ng kanilang kapitan
Pinapraktis nang husto at pinahirapan

08
"O, banal na tao, tulungan mo ako
Kaunti na lang, bali na ang mga buto
Hindi ko makakayanan ang lahat ng ito
Aalis na lang ako, mas mabuti pa siguro"

09
Isang hapon, pagkatapos mag-ensayo
Kasama si Akagi, sa kalsada nagkukwento
"Hindi ko kayang magpatuloy na maglaro
Naisip mo na bang umalis sa grupo?"

10
Siya'y napatigil sa aking harapan
Sinagot ang tanong, boses na malakas
"Hindi pa, sa buong buhay ko'y naisipan...
Huwag kang magtanong ng tanong na ganyan!"

11
Sa kanyang sinabi, ako'y natauhan
Habang naglalakad, siya'y tiningnan
Kahit pagdating sa pangatlong taon
Natalo ang Kitamura sa ibang paaralan

12
Ang aming kopona'y nagsipag-iyakan
Pagkatapos ng larong hindi ko malimutan
Pagdating sa hay iskul, sana'y makayanang
Matupad ang kay Akaging kahilingan

13
Sabay kaming pumasok sa paaralan
Ako't aking katoto, magpakailanman
Doon nakita si Mitsuing aking huwaran
Na Em Buwi Pi, isang taong nakaraan

14
Masayang kasama ang magaling na Mitsui
At ang kabarkadang siya'ng tanging kampi
Nang kami'y naglalakad, ako'y napangiti
Siya pala ay isang tunay na lalaki

15
Nang makarating sa dyim ng klab
Nakita si Akagi, sarili'y pinakilala
Lahat ng miyembro, nabighani sa kanya
Dahil sa tangkad ay tunay na dambuhala

16
Pagkatapos ipakilala ang aking sarili
Sumunod sa linya ang iba pang mga sumali
Nang si Mitsui ay magsisimulang magsabi
Dumating ang matandang taba'y marami

17
Mukha ni Mitsui ay punong puno ng saya
Nang ang 'coach' Anzai ay nakita
Buti na lang ay tinawag ng kasama't
Natauhan, binukas ang bibig at nagsimula

18
"Ako si Hisashi Mitsui," malakas na sabi
"Galing sa Takeishi, paaralang mabuti
Malakas na koponan, gusto kong ayusin
Una sa Hapon, pinakahangad kong abutin"

19
Ako'y ngumiti't kay Akagi tumingin
Masaya ako't pareho sila ng hangarin
Magiging malakas sana ang koponan namin
Kung hindi sa larong susunod na gagawin

20
Dito na napilayan, ang katoto kong
Mahina ang tuhod at nasiraan ng loob
Sa sobrang sakit ay humingi ng saklolo
Ambulansya'y dumating, ospital ang tungo

21
Mula noong pesteng araw na iyon
Hindi ko na nakita si Mitsuing maglaro
Nawalan ng ganang magpatuloy nang ganito
Ngunit gagawin para kay Akaging katoto

22
Ikalawang taon ay sa wakas nagsimula
Pagkatapos umalis ang huling mga kasama
Naiwan sa koponan, tanging kaming dalawa
Marami sanang baguhan ang sasali mamaya

23
Tulad sa inisip ni Akaging buhay na buhay
Marami ang sumali, ngunit mga matatamlay
Pinakamalakas, Ayakong walang kapantay
Hindi 'sing lambot ng ibang parang gulay

24
Nang inisip namin kung ilan ang matitira
Sumulpot ang pandak, si Miyagi Ryota
Medyo mayabang ang tingin ko sa kanya
Masasabi daw niyang 'good player' siya

25
Ngunit nang siya'y nagsimulang kumilos
Papunta kay Ayakong matino ang ayos
Nagulat ako sa mabilis na pagtakbo
Bigla-bigla, katulad ng mga unos

26
Marami na akong narinig na balita
Si Miyagi pala'y bugbog sarado na
Sinugod sa ospital, may madugong mukha
Sabi'y barkada ni Mitsui ang may gawa

27
Akala ko'y sa ikatlong taon ang saya
Nang dumating sina Sakuragi at Rukawa
Isa'y masayahin, maingay, siraulo at siga
Isa'y antukin, tahimik at mahilig magmura

28
Madalas mag-away ang dalawang baguhan
Nagbigay ng tambak, problema at kahirapan
Si Rukawa Kaede, sobra ang karunungan
Sakuragi Hanamichi, panibugho'y nadagdagan

29
Isang araw ay kinalaban ang paaralang
Ryonan Highschool, magaling sa lahat
Sendoh Akira, kanilang pinakamalakas
Uozumi Jun, kay Akaging lakas ay patas

30
Nanghihinayang ako sa kinalabasan ng laro
Nag-iisang puntos ang sa ami'y nagpatalo
Dahil ito sa huling pagsugod ni Sendoh
Sa gitna ni Akagi't Rukawa, bola'y pumasok

31
Isa nanamang magaling ang aming kinalaban
Ang Takezonong tila pambabaeng paaralan
Eys pleyer nila'y Oda ang pangalan
Na umagaw ng kay Sakuraging niligawan

32
Masaya ako't panalo kami sa labang mahirap
Pagkatapos ay bumalik si Miyaging pandak
Mayamaya'y pagsugod ni Mitsui'y naganap
Hanggang sa dumating si Akagi't si Taba

33
Sa totoo lang ay pagod na talaga ako
Ayoko na sa ganitong mahabang pagkwento
Bibilisan ko na lang para mabilis matapos
Basta't nanalo kami sa mga susunod na laro

34
Hindi ko malimutan ang una sa faynal for
Natalo kami laban sa magagaling na gago
Sa kanilang puntos ay hindi kami nakahabol
Pinasa pa ni Sakuragi ang bola kay Takasago

35
Sa ikatlong ulit ay may praktis geym ulit
Laban sa Tsukubung nagpakita ng galing
Naaasar ako sa noong aking mga naisip
Hinabol ang bola, nauntog at nakaiglip

36
Hindi ko natapos ang buong laban
Humaligi si Akaging noon ay napilayan
Masaya sa wakas ang pinakakatapusan
Na nagbalik ng aming lakas at samahan

37
Walang kwenta siguro ang sumunod
Mga Takezato ay parang lampang tood
Sa sobrang kahinaa'y tila putol ang tuhod
Nanalo kaming may malalakas na loob

38
Sa lahat ay hinding-hindi ko malimutan
Ang huling larong kalaban ay Ryonan
Nang bumagsak si Mitsuing nahirapan
Pumasok ako't ang paglaro'y sinimulan

39
Doon ko naisip sa aking sariling puso
Ang aking lakas na ngayon lang natarok
Nag-iisang pagbitaw sa bola'y pumasok
Ang saya ko, parang kami'y mananalo

40
Hindi nagtagal ay natapos din ang laban
Huling puntos ang kay Sakuraging dangk
Sa sobrang saya'y sa langit nagsasayawan
Kaming mga Shohoku, walang kinakatakutan

41
Bago sa kung saanmang lugar kami'y dumaan
Para sa interhay na tila wala nang harang
Ako'y napangiti habang gamit ay inihanda
Tingin ko'y si Akagi'y napakaligaya

42
Paalam, Kanagawa, ipagdasal mo kami
Sana'y matupad ang pangarap ni Akagi
Sa pagsakay namin sa sasakyang malaki
Tandaan mo lang sana, may uuwiin kami

43
Ang magpatuloy ay baka hindi ko magawa
Marami pang araw ang aking matatamasa
Dahil hindi pa siya tapos sa pagbasa
Bumili ka na lang ng sariling manga!!!

* Date/Time Finished: March 19, 2003 Wednesday 22:05
* Author's Notes: Parang bitin... ay basta. Ung "siya" sa last saknong is Shuri! X) Hehehehe... Basta tapos ko na. Feel ko parang gusto ko lang madaliin na kasi feel ko na rin na parang may time limit ung isa... (Florante at Aladin : YaoiYuriHentai Parody of Florante at Laura) Ay basta!!! XD Ja ne! I LOVE YOU KOGURE!!!