"Pasensya na Kagami...pero bibisitahin ko ang pinsan ko ngayon."
Halos mabulunan na si Kagami sa kinakain niyang hamburger ng biglang magsalita si Kuroko na kanina pa nakaupo sa harap niya. 'Kainis, hindi pa rin ako sanay...' bulong niya sa sarili.
"Anak ng- Pwede ba wag ka manggugulat ng ganyan baka masapak kita niyang ginagawa mo!"
"Hindi ako makakasama sa practice game. Kayo na bahala kay Aomine."
"Ano ba naman yan Kuroko, ngayon ka pa aalis!"
Yumuko siya tapos tumayo, akmang aalis.
"Teka sandali lang!" Binitbit ni Kagami lahat ng hamburger ng binili niya at hinabol si Kuroko.
"Bakit Kagami?"
"Ano bang meron sa pinsan mo at iiwanan mo kami sa practice game?"
"Yung pinsan kong si Ishimaru, nananalo ang team nila sa game. Gusto ko sila batiin sa pagkapanalo nila."
"Game? Anong game?"
"American Football."
"Sa pagkakaalam ko mahirap maglaro ng football. Marami nagkaka-injury diyan. Kung hindi sakit ng katawan, baling buto ang aabutin diyan."
"Nabalian na siya ng paa minsan."
"Ah. Anong posisyon naman siya?"
"Second running back siya ng team nila."
"Malakas ang binti niya kung ganoon."
"Parang katulad ko din siya, hindi napapansin."
"Ano? Wala rin siyang presensya? Kung sa bagay, magpinsan kayo."
At ganun na lang nawala si Kuroko.
"KUROKOOOOOO!"
A/N: First time ko mag-sulat ng crossover ng Kuroko no Basuke at Eyeshield 21~ At tagalog pa~ May katuloy pa yan kaso may tinatrabaho din akong ibang fanfics eh! Hanggang diyan muna, paalam~
