Hi minna-san! First time kong magsusulat ng Tagalog fic, sana magustuhan nyo!

Disclaimer (Ano ba ang tagalong nito??): Kung ako ang may ari ng PoT eh di sana maraming yaoi scenes and Tango pair ang main pairing, di ba?


'Dug dug… dug dug…' Yan ang tibok ng puso ni Kirihara Akaya. Tibok ng isang puso na nangangamba dahil sa graded recitation sa Plane Geometry. Hindi naman natin sinasabi na bobo si Akaya pagdating sa Plane Geometry. Kung tutuusin nga isa siya sa pinakamagagaling sa Plane Geometry. Laging matataas ang mga quizzes nya at lagi syang nagre-recite. Pero iba ito. GRADED recitation ito. At bawat maling magawa mo ay siguradong ikakapahamak mo.

Oras na para sa Plane Geometry, pero wala pa rin ang guro nila. Medyo natuwa si Kirihara.

"Oi classmates, pray na tayo!" utos ng Pangulo ng klase nila.

Agad agad naman silang tumayo at sinimulan na ang pagdadasal.

"Lord, teach me to number my days and graph them according to your ways ..." Sabay sabay na binigkas ng mga magkaka-klase ang dasal na pinakabisado sa kanila ng guro nila. Pagtapos ng kanilang pagdadasal ay umupo kaagad si Akaya sa kanyang upuan. Paulit-ulti nyang sinabi sa sarili nya na kaya nya 'to. Sa totoo lang, kaya nya naman talaga. Kinabisado nya na nga yung buong notebook nila eh, simula nga ata sa course outline hanggang sa tuldok ng huling pangungusap ay kabisado na nya. Gusto lang nya talagang pahirapan ang sarili nya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang teacher nila na si Gng. Torrente. "Good morning , class" ang wika nito.

"Good morning and mabuhay Gng. Torrente," tugon naman ng mga estudyante nya.

"Okay, be seated!" Utos nya sa kanyang mga estudyante.

"Bago natin simulan ang graded recitation gusto ko lang na ipaalala sa inyo ang patakaran ko tungkol sa 'Technical' Alam nyo naman na kailangan pag tumayo kayo sa harap eh tama ang position ng kamay nyo, kailngan hindi mukhang nagkakabisado ka lang, tignan-tignan nyo rin namin kami, at baka mamaya ay nakaalis na kami di mo pa namamalayan" sabi ni Gng. Torrente. "Alam nyo rin na hanggang 3 mistakes lang kayo. Pag 3 mistakes na, technical na kayo at automatically bagsak na kayo sa recitation. Okay start!"

Tumayo ang unang kaklase ni Kirihara. Pumunta ito sa may pisara kung saan merong mga drawing ng mga geometric figures.

"Our first topic for today is the undefined terms of geometry..." tuloy-tuloy ito. Idi-discuss simula sa undefined terms of geometry hanggang sa plane postulate. Tuloy-tuloy. Mabilis ang pagtakbo ng oras para ka Akaya. Palapit na ng palapit ang oras ng pagpunta ni Akaya sa harapan. Pinanood nya lang lahat ng nangyari. Ang mga classmates nyang na-technical at yung mga umiiyak dahil na-technical sila. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Akaya. 'dugdugdugdugdugdug' parang walang tigil sa pagtibok ang puso nya.

"Technical! Anong set of lines? Dapat infinite number of lines yun! Pag set konti lang, nabibilang! Kaya nga infinite kasi walang katapusan." sabi ni Gng. Torrente. "Okay, oh yung last na!"

Medyo nagising si Akaya sa pagsigaw ng guro nila ng namalayan nya na siya na pala ang susunod. Lumakad si Akaya ng dahan-dahan papunta sa pisara nila. Kinuha nya ung meter stick na gagamitin bilang pointer pag tinuro ung mga geometric figures.

'Position of the hand, check, meter stick, check, kabisado ko na lahat. Ang gagawin ko na lang ngayon ang ang tamang pagbigkas. "Our first topic for today is the undefined terms of geometry which is the point, line ang plane" panimula ni Akaya. Maayos naman ang pagbigkas nya, malakas naman ang boses nya at tama naman ang pinagsasasabi niya. Hanggang sa...

"Figure 11 represents conke-" 'Naku! Mali ang pagbigkas ko!'

"One mistake! Concurrent lines yun!" sabi ni Gng. Torrente.

"Concurrent lines. These are lines that intersect at a single point. Infinite number of lines can pass through a single point" pagtuloy ni Akaya. Natapos nya hanggang sa Plane Postulate.

Masayang-masaya si Akaya. Bilang lang sa kamay ang mga hindi na technical, at isa na si Akaya dun. 'Whew! Ligtas na ako.!'

Tumunog na ang bell bilang senyas na uwian na. Walang practice sila Akaya ngayon kaya maaga siyang makakauwi. 'Ang swerte ko talaga!' Nagulat na lang siya ng nilapitan siya ni Gng. Torrente.

'May ginawa ba akong mali??' Bigla tuloy napa-isip si Akaya

"Akaya, pwede ba kitang maka-usap sandali?" Tanong ni Gng. Torrente.

"Sige po Ma'am. Tungkol po ba saan?" wika ni Akaya

"Alam mo naman na kada taon ay nag-lulunsad ang Rikkai Dai ng libreng tutorials para sa mga estudyante galing sa ibang schools di ba? tanong uli ni Gng. Torrente. "Dahil isa ka sa pinakamagagaling sa lahat ng hawak ko, ikaw ang isa sa magiging representative ng section nyo"

"Talaga ho?! Salamat po!" Tuwang-tuwa si Kirihara.

"Isang linggo ang tutorials na yon at magsisimula na iyon bukas. May naka-assign na kung sino ang tuturuan mo. Yung apo ko ang tuturuan mo." wika ng kanyang guro.

"Sino naman po iyon?" tanong ni Akaya.

"Basta, makikilala mo na lang siya. O, siya umuwi ka na."


Umuwi ng maaga si Akaya. Kailngan nya pang maghanda para sa tutorials bukas. One is to one naman ang pagtuturo kaya hindi mahihirapan si Akaya. Buong gabing yun ay pinag-aralan nya kung ano at paano siya magtuturo. Apo nga naman ng guro yun, kaya kailangan niyan galingan.


Mabilis dumating ang bukas. Maagang pumunta sa Akaya sa paaralan at sinalubong kaagad siya ng kanyang guro.

"Oh, Akaya, nandito ka na pala. Eto nga pala ang apo ko na magiging estudyantemo sa loob ng isang linggo" sabi ni Gng. Torrente at pinalapit niya ang apo niya.

"Ikaw!" Sabay na wika ni Akaya at ng kanyang tuturuan.


Hi! Salamat nga pala sa pagbabasa nito (kung may nagbabasa man). Hindi ako makakapag-update ng madalas pero susubukan ko pa rin. Guro ko nga pala si Ma'am Torrente. Magaling siyang mag-turo at nakakatawa, kaso nakakatakot lang talaga yung tactics nya para sa graded recitation. Na-technical nga ako dun eh. hehe. Oo nga pala, hindi OC yung apo ni Ma'am Torrente. Isa siyang canon-character (duh!). Hindi NA ako gumagawa ng OC. Anyways, please review! Bye!