Hindi ko alam kung bakit napagtripan ko ngaung bakasyon n magsulat ng kwentong ganito ang tema… parang.. wala lang.. siguro nga.. trip lng to.. pero sana, kung maitutuloy ko pa itong kwentong to.. mag review kayo ha! Simulan na natin ang kwento…
Alam nyo b ang kasabihang "jokes are half meant"? Meaning, pag gumawa o nagsabi k ng joke sa isang tao, merong part ng joke na un na gusto mo tlgang iparating sa kanya, merong part na gusto mo talagang sabihin sa kanya.
Pero kadalasan, para sa mga taong hindi masyadong seryoso sa buhay nila at para dun sa mga taong malakas mang-trip, hindi totoo ang kasabihang ito. Dahil sila, pag nagbigay o nagsabi ng joke, joke lng talaga, walang katotohanan dun maski katiting man lng..
Hindi ba nakakaasar ung mga taong ganun? Kadalasan, pag tinetake mo seriously ung mga sinasabi nila, malalaman mo na lang na biro lng pala un.. pero minsan, sa di mga di inaasahang times na tatanggapin mong joke lang ang lahat e totoo na pala.. Hindi mo tuloy alam kung anong paniniwalaan at kung anong sasakyan mo na lang..
Itong sinasabi kong sitwasyong to e katulad na katulad ng pangyayari sa buhay ng dalawang taong ikukwento ko sa inyo.. pasensya n kung iba ung mga ugali ng mga karakters ng naruto dito e.. mejo makulit kasi si Sasuke dito.. tsaka mejo matino si Naruto.. ituloy na natin…
REMINDER: Kung tinatamad kayong magbasa, di wag nyo basahin..
pero mas okey kung babasahin nyo..
Characters pala muna: (ita-type ko na lang sa umpisa ng bawat chapter kung merong bagong character)
SASUKE – ang dakilang manlolokong heartthrob ng ating kwento. At ang tanging tao sa campus na may malakas na hangin. Isa rin syang frustrated inglisero. (kasi tingin ko mas nakakatuwa tsaka mas cute si Sasuke pag madaldal..)
SAKURA – isang simpleng estudyanteng nag-aaral sa campus. Ngunit naging popular sa eskwelahan dahil sa kakaiba niyang ugali.
SHIKAMARU (SHIKA for short)– ang dedicated translator ni Sasuke. Dahil sa sobrang magkakilala na sila ni Sasuke ay alam na nya ang ibig sabihin ng lahat ng sinasabi at ginagawa nito.
NARUTO – taga-pangaral ni Sasuke. Kala mo sya..
INO – die-hard lover ni Sasuke..
ROCK LI – masigasig na manliligaw ni Sakura.
HINATA – best friend ni Sakura kasi siya lang nakakapag-tiyaga sa ugali nito.
Yun lang muna…
Are Jokes Really Half Meant?
Un0..
"Pang-kinse na yun ah!" gulat na sabi ni Naruto.
"Ito naman, parang di mo ko kilala ah! Aba syempre ako pa, magaling ako eh," sagot ni Sasuke, ang self-proclaimed "habulin" ng campus.
"Repapips, masama yan. Baka karmahin ka nyan sa ginagawa mo. Ikaw rin."
"Alam mo, hindi sa pagmamayabang ha, pero sila yung lumalapit at naghahabol sa kin eh. I'm only giving them."
"Anong sabi nya, Shika!" mangiyak-ngiyak na tanong ni Naruto sa walking translator ni Sasuke.
"Sabi nya, pinagbibigyan lang daw nya sila." Sagot ni Shikamaru na parang hindi naguluhan sa english ni Sasuke.
"Ah ok.. Kung sa bagay, me point ka dun. Alam naman na nila na isa kang dakilang manloloko, ayaw ka pa ring tantanan," baling uli nito kay Sasuke.
"You thought he.."
"ANO NA NAMAN YUN!"
"Akala mo siya.." sagot ni Shika. Napabuntong-hininga na lang si Naruto.
"Tingnan mo, e di sang-ayon ka rin sa kin na sila rin lang naman yung humahabol?"
"Hindi sa sang-ayon ako. Pero kasi dapat sa umpisa pa lang, sinasabi mo na agad kung ayaw mo sa kanila. Tingnan mo yung Ino na yun. Pang-15 mo na siyang syota ngaung school year na to di ba? Ayun. Humahagulgol habang tumatakbo papuntang classroom."
"And so? Who has a sin?"
"Pisteng english yan.. Anong 'who has a sin'!"
"Sino raw me kasalanan.." paliwanag ni Shika na nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa.
"Tantanan mo na nga yang pag-eenglish mo.. Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Ino? Bakit kayo nag-break?"
"Nakipagbreak ako sa kanya kasi sawa na ko sa mukha niya." Simpleng sagot ni Sasuke.
"Ano? Yun lang? Patay na patay pa naman sayo yun.."
"E di mamatay na siya.."
"Oi repa, wag ka namang ganyan.. sama mo.."
"E kasi habol ng habol e.. nakakairita na…"
"E di sana sinabi mo ng maayos sa kanya. Dapat di mo binigla na ayaw mo na sa kanya para maintindihan nya."
"MATAGAL ko nang ayaw sa kanya. Kaya ako nakipagbreak KASI SAWA NA KO SA MUKHA NIYA."
"E di sana sinabi mo ng maayos na sawa ka na sa mukha niya para naman din a sya humagulgol ng ganun kasi nga naiintindihan na niya."
Nakikinig si Shika sa kwentuhan ng dalawa at di niya naiwasang imagining yung sinasabi nila. –sabihin ng maayos para maintindihan?-
IMAGINATION NI SHIKAMARU
"Ino, kailangan nating mag-usap."
"Bakit Sasuke?"
"Gusto ko nang makipagbreak."
"Ha? Bakit ayaw mo na ba sa akin?"
"Ino, gusto ko sanang sabihin sa iyo ito ng maayos."
"Ayaw mo na ba talaga sa akin?"
"Ino, matagal ko nang ayaw sa 'yo."
"Ano!"
"Oo, matagal ko nang ayaw sa 'yo."
"P-p-p-pero bakit? Bakit mo pa akong ginawang girlfriend mo kung ayaw mo naman pala sa akin?"
"Pinagbigyan lang kita."
"Ah ok.. pero kung ayaw mo na talaga sa akin noon pa at pinagbigyan mo lang ako, bakit di mo na tinuloy-tuloy yung pagbibigay mo sa akin?"
"Makikipagbreak na ako kasi sawa na ako sa mukha mo."
"Ah ok.. sige, break na tayo."
At pumunta si Ino sa classroom na tumatalon-talon pa na parang hndi galing sa pakikipagbreak..
END NG IMAGINATION NI SHIKAMARU
Tsk tsk tsk.. ganun kaya ang mangyayari kung sinabi man ni Sasuke nang maayos kay Ino na sawa na siya sa mukha nito? Isip-isip ni Shika.
"Ganun ba yon?" tanong ni Sasuke.
"Malay mo, maintindihan ni Ino." Sagot-paliwanag ni Naruto.
"Sayang.. Tara-lets na, tropa. My belly is boiling."
Tumingin si Naruto kay Shika. Alam na nito ang ibig sabihin ng kaibigan.
"Kumukulo na raw tiyan nya.."
"Haaay naku…"
Sige yun na muna… baka bukas o sa isang araw na ulit ako mag-popost ng bagong chapter. Magreview naman kayo oh… Sige salamat…
