Teenage Love Story
A/N: Well, it's been what, 3 years? Haha na-miss kong sumulat ng fanfic. Gosh, ang dami kasing school works and all. This one is inspired by one pocketbook I've read mga 6 months ago. And thanks to my friend, harley88, you inspired me to make another one, this one is for you! :]
Disclaimer: Hindi ko pag-aari ang Naruto maging ang mga tauhan sa kwentong ito. :]
Hope you enjoy!
Chapter 1: Ako si Haruno Sakura
Maagang bumangon si Sakura. Ngayon kasi ang first day of class niya bilang isang kolehiyala. Actually, hindi naman talaga siya nakatulog ng maayos. It's not because kabado siya, it is just that, eto na 'to. She's one step closer towards her dream of becoming a doctor.
Pangarap na niya iyon mula pa nang bata siya. Sobrang iniidolo niya ang kanyang mga magulang na kapwa batikan sa kani-kanilang larangan ng medisina. Isang tanyag na neurosurgeon ang kanyang ama habang ang kanyang ina naman ay isang obstetrician-gynecologist. Major stockholder ang dad niya sa prestihiyosong ospital sa bansa kaya masasabing nakaka-angat sila sa buhay. Pero kailanman, hindi iyon pumasok sa utak niya dahil pinalaki siyang mapagpakumbaba. And that made her respect her parents even more. They are people with very kind hearts.
And finally, she is now taking her pre-med na human biology sa isang kilalang university.
Natapos ang kanyang malalim na pag-iisip nang may kumatok sa kanyang pintuan.
"Anak?"
"Yes, mom?" Sagot niya habang binubuksan ang pinto.
"This is the day!" her mom almost squealed and smiled at her sweetly.
"I know mom. I promise to always be the best. I will make you proud." Sambit niya sa ina habang mahigpit siya nitong niyakap
"Whatever happens, we will always be proud of you." Singit ng kanyang ama.
"But dad, I-" pinutol siya ng ina.
"Don't push yourself too hard. Ang importante ay mahalin mo ang ginagawa mo, doing your best is more important than being the best, okay sweetie?"
"Yes, mom."
Muntik na siyang maiyak. Never siyang na-pressure sa kanyang mga magulang kahit pa may mga reputasyon silang pinangangalagaan. Sa totoo nga, siya lang naman ang nagbibigay ng stress sa buhay niya.
She's always on top- studies, extracurricular activities but for one. And she's proud of it. Proud to be an NBSB gal. Wala ata sa bokabularyo niya ang pagkakaroon ng boyfriend. Buong puso at isip siyang naniniwala na iyon ang makakasira sa kanyang kinabukasan.
Isa pa, takot siyang magaya sa kanyang ina na nagka-anak sa pagkadalaga- her biological mother that is. Yeah. She's an adopted child. Naging pasyente ng mom niya ang kanyang tunay na ina. Her mom was just 17 then and was very depressed. Apparently, iniwan sila ng kanyang tunay na ama. She almost died nang uminom ng pampalaglag ang kanyang ina pero nailigtas siya ng kanyang mom. Dr. Yoshida then made a deal with her biological mother. Ipagpatuloy lamang daw nito ang pagbubuntis sa kanya at ang doktora na ang mismong mag-aalaga sa bata. At ngayon, siya na si Haruno Sakura.
Her mom met her dad when she was three and they instantly fell in love with each other, eventually getting married. Her dad loves her mom so much kahit na may extrang bagahe ang mom niya. He didn't mind though dahil incapable ang dad niya to produce an offspring. Her parents always tell her na she completes their lives.
At kahit ganun, hindi siya lumaking may galit sa tunay niyang mga magulang. She's so much blessed kaya wala nang space ang pagkamuhi sa kanyang puso. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mailap siya sa boys. Lucky for her kasi di naman masyadong pansinin ang kanyang beauty. Alam niyang hindi siya maganda. Alam din niyang hindi siya pangit. She was somewhere in between. Sa ibang salita, ordinary-looking siya, average, generic kung baga. Her height was 5'3". Her eyes were emerald green. Her nose was okay. Halos lahat ng parte ng katawan niya ay okay. Except for her bubblegum pink hair na kapansin-pansin talaga.
Sabay-sabay na bumaba ang mag-anak para mag-almusal.
"By the way iha, hindi ka namin maihahatid ng mom mo sa school. May urgent meeting kasi kami ngayong umaga." Her dad said.
"It's ok dad. Papahatid na lang ako kay manong." Sagot niya.
"No, iha. I think you can manage." Nakangiting sambit ng kanyang ama.
"What do you mean, dad?" She was confused. Nagulat na lang siya ng hilahin siya ng kanyang ina palabas ng bahay.
"What is happening here?" Her eyes widened. There is a brand new car in the garage. She's totally speechless.
"Mom, Dad?" She questioningly looked her parents.
"Well, wala pa kasi kaming graduationg gift ng dad mo sa'yo. " Her mom finally spoke.
"But this is too much!" Sabi niya. She is too overwhelmed.
"You deserve it, iha." Her dad said while handling to her the car's key. She hugged her parents bago siya pumasok para i-test drive ang kanyang new car.
After the big surprised, nagpaalam na siya sa parents niya para pumasok. She drove herself to school and she is so excited. Her first subject will be General Biology.
Fifteen minutes early si Sakura sa kanyang class kaya naman wala pang masyadong tao sa loob ng room. She spotted two female students sa bandang likod and a guy sa third row. Se decided to sit in front.
Ilang sandali lang ay umiingay na ang paligid. Marami na ring students ang nasa loob and may tumabi sa right niya. They exchanged a few conversations and ang katabi pala niya ang heiress ng kilalang pamilya ng mga Hyuuga. "Too shy". Sakura thought. "And I guess she is nice". Iniisip na niya na si Hinata ang magiging close friend niya sa section na 'yun. Maya maya pa, may tumabi sa kanya. Keme lang kasi kausap niya pa si Hinata at nagulat pa siya paglingon niya.
"I-Ino?" Malakas na tanong ni Sakura kaya napalingon ang iba sa kanya. "What are you doing here?" She whispered. Confused pa rin siya. Isang malapad na ngiti ang sinagot sa kanya ng kaibigan, her bestfriend to be exact.
"Well, it wouldn't be a surprise kung sinabi ko sa'yo. And look at you! Para ka namang nakakita ng multo." Tatawa-tawang sabi sa kanya ni Ino.
"So it means, classmate kita sa bio? Kasama ba ang General Biology sa curriculum ng Tourism Management?" tanong niya. "Baliw ka talaga. Syempre block section din ako 'no. Meaning, I am taking up BS Human Biology. Gets?" paliwanag ni Ino sa kanya.
"Pero kala ko ba tourism ang gusto mo?" Sagot ni Sakura. "Hay. Isa na lang at iuumpog na kita sa pader. I told you- IT WAS A SURPRISE. O, mas detailed pa, sinabi ko sa'yo na tourism ang kinuha ko para ma-surprise kita." Natatawang sabi ni Ino. Lumabi naman si Sakura and pinakilala niya si Hinata sa bestfriend. Well, as saying goes, life is full of surprises.
Natapos ang class nila for the day and naisip niyang dumaan sa library kaya naman nagpaalam na siya sa mga friends niya. Ang library ang favorite place niya kahit pa man noong nasa high school siya. She browsed for a few biology books and found the perfect spot to read, sa isang corner ng library kung saan bihira magawi ang ilang students.
Then suddenly… may narinig siyang nag-uusap…
To be continued…
Next chapter on Teenage Love Story…
"Hoy miss, sandali lang!" sigaw nung lalaki habang hinahabol siya nito palabas ng library.
Dali-dali namang tumakbo si Sakura para makatakas sa lalaki. Ewan ba niya kung bakit siya hinahabol nito. And why is she running? She doesn't even know. Pero dahil mas mabilis pa rin ito sa kanya, nahawakan siya nito kaya napilitan siyang huminto.
"Anong narinig mong babae ka? Isa ka rin bas a mga stalker ko?" Singhal nito sa kanya.
"Aba't ang kapal ng mukha!" Sa loob-loob niya.
How was it? Review please! :)
