AN: Ito ang kauna-unahan kong tagalog fic... at baka ito na rin ang huli..^^

To those who are reading Lost Memories.., I will update next week..^^

Natapos na naman ang isang taon ng pag-aaral. Pansamantalang nagkaroon ng kalayaan ang mga estudyante mula sa isang tambak ng libro, mga hand outs, sang damakmak na takdang aralin, mga proyekto at kung anu-ano pa. Pero pahirapan parin sa pagkuha ng classcards. Buti pa ang mga bata sa elementary at highschool, sama sama na yung mga grades sa isang card. Samantala, ang mga nasa kolehiyo, kung saan saan pa nagpupunta, hinahanap yung mga rooms ng mga professor dun sa subjects na kinuha nila. Malas lang pagnakalock ung pinto. Buti pa yung ibang mga teachers, iniiwan nalang yung mga cards sa labas ng cubicle nila, para kahit wala sila nakukuha parin yun ng mga estudyante. Yung iba naman, hindi mahagilap, laging wala. Eh di pabalik palik lang yung mga kawawang estudyante. Kaya yung iba, hindi na kinukuha ung mga cards nila. Pede naman kasing malaman ang grade kahit di mo nakuha yun. Bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo? Yung iba trip lang kunin pero meron din
namang kailangan talaga para sa scholarship gaya ni Cagalli na nagmula lamang sa isang simpleng pamilya.

Naglalakad sya noon papunta sa sakayan ng jeep na maghahatid sa kanya sa unibersidad na pinapasukan nya nang mapadaan sya sa isang convenient store at nakita ang isang babae na kakilala nya.

Pumasok sya doon at nilapitan yung babae.

"Luna, May inaantay ka?", tanong ni Cagalli dun sa babae na mas bata sa kanya ng dalawang taon. Magfofourth year highschool palang kasi sya eh katatapos lang ni cagalli ng isang taon sa college kaya sa pasukan, sophomore na sya.

"Yung mga kagrupo ko po sa project namin. Wala kaming summer break", sagot nya. Napangiti si Cagalli. Ang proyektong sinasabi nung babae ay yung pamatay na "Science Investigatory Project" na kailangang tapusin para makagraduate dun sa school na pinapasukan ni Luna. Sa paaralang ding iyon nag-aral ng hayskul si Cagalli kaya kilala nya yung babae. Dahil sa kakulangan sa mga laboratory equipments, dun pa sila nagcoconduct ng experiments sa unibersidad na pinapasukan ni Cagalli.

"Kaya nyo yan! Kayo pa. Sasabay na pala ako sa inyo", tugon ni Cagalli.

"Ah sige po", sagot nman ni Luna. At magkasama nilang inintay yung dalawang kagrupo ni Luna sa nasabing proyekto. Maya maya lamang ay dumating yung isa sa mga kagrupo nya na si Rey. Si Rey ay may kakambal at hanggang ngayon ay hindi parin malaman ni Cagalli kung sino ang sino kasi identical twin sila. Ilang saglit pa ang lumipas at biglang mga kumulbit kay Cagalli. Pagtingin nya, nakita nya ang blockmate nya na si Heine na nakatingala sa kisame nung convenient store.

"Luko luko", pabirong sabi ni Cagalli na tinawanan lang ni Heine.

"San ka pupunta?", tanong nito kay Cagalli.

"Mangangalap ng classcards", sagot naman ni Cagalli.

"Ako din", sabi ni Heine. Dapat ay magkikita silang dalawa ni Shani pero nagtext sya na hindi sya makakapunta kaya nagpasya na lamang si Heine na sumabay kina Cagalli.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating nadin yung huli nilang kagrupo na si Stellar. Naglakad sila patungo sa sakayan ng jeep. Mahigit isang oras ang biyahe kaya nakipagkwentuhan si Cagalli sa katabi nyang si Stellar. Pagdating sa unibersidad, humiwalay na sina Cagalli at Heine dun sa mga hayskul at nagsimula nang kumuha ng mga classcards. Pagdating nila sa Physical Science building, nakita nila yung isa pa nilang blockmate na si Dearka na nasa ikalawang palapag.

"Hoy Dearka! Nakuha mo na ba ung classcard mo sa komsay?", sigaw ni Cagalli mula sa entrance nung building.

"Hindi pa!", sagot ni Dearka.

"Tara!", yaya ni Heine kay bumaba si Dearka. Pagpunta nila sa room nung prof nila, wala ito doon.

"Tara muna sa Math Building", sabi ni Heine.

"Kayo nalang. May inaantay akong Prof", sagot naman ni Dearka. Inaasikaso kasi nya yung mga kailangan para makapagtransfer sya sa ibang campus.

Nagtungo naman si Heine at Cagalli sa Math Building. Nakuha nila yung classcard nila dun sa subject na magkaklase sila kaya lang hindi makita ni Cagalli yung table nung prof niya sa isa pa niyang subject. Lumabas muna sila at tumambay dun. Lunch break na noon kaya pansamatalang nagsara yung mga office nung mga prof.

Nagkwentuhan naman sina Cagalli at Heine habang naghihintay.

"Si Athrun oh", bigla nalang sinabi ni Heine. Napalingon naman si Cagalli at nandoon nga si Athrun na nakasuot ng puting T-shirt gaya nya. Aakyat sana si Athrun dun sa may hagdan nang tinawag siya nina Cagalli. Ngumiti sya dun sa dalawa at sinabing may kukunin lang daw sya dun sa taas. Makalipas ang ilang minuto, bumalik na si Athrun.

"San ka na pupunta?", tanong ni Cagalli.

"Kakain", nakangiting sagot ni Athrun.

"Tara", sabi naman ni Heine. Nagpunta sila sa isang kainan sa labas ng campus. Dahil nga lunch break noon, maraming tao doon. Naghanap ng mauupuan sina Athrun at Cagalli. Si Heine naman ay nauna ng pumila dun sa counter. Pagkakita ng bakanteng table, inilapag nila yung ilan sa mga gamit nila at pumila na rin. Habang nasa pila, bigla nalang napalingon sa likod si Cagalli. Hindi nya inaasahang makita ang isa pa nilang blockmate na si Miriallia na kung tawagin nya ay "mommy". Si Athrun yung nasa unahan nya.

"Mommy", tuwang tuwang sabi ni Cagalli sabay yakap sa kanya.

"Cagalli, ang cute mo talaga", sabi ni Miriallia nang magkaharap na ulit sila. Tumawa naman si Cagalli.

"May kasama ka?", tanong ni Cagalli sabay akbay kay Miriallia. Nang sinabi ni Miriallia na wala, niyaya nya ito na sumama nalang sa table nila at sumang-ayon naman sya. Nang nasa bayaran na sila, napansin ni Cagalli na wala pa silang kutsyara at tinidor ni Athrun kasi nakita nya na meron na si Miriallia. Pagtingin nila dun sa lalagyan, eh wala na palang natira. Nagtanong sila dun sa babae sa counter at sinabing mag-intay muna sila. Pagkatapos nilang magbayad, nagpunta na sila dun sa table kung saan naghihintay si Heine. Pagkapatong nung pagkain nila sa lamesa, biglang umalis si Athrun at Cagalli para kumuha ng tubig. Puti at pink ang kulay nung mga baso at nagkataon naman na nasa harapan ung mga pink. Pilit inabot ni Cagalli yung puting baso kaya lang, kinulang sya sa height. Buti nalang andun si Athrun at ikinuha sya nung puting baso (lol). Nagpasalamat sya at kumaha ng tubig. Ikinuha na rin nila yung dalawa nilang kasama. Si Cagalli ang nagdala nung
kina Heine. Si Athrun naman dun sa kanila.

"Magkakamay kami... Haha", pabirong sabi ni Cagalli.

"Oo nga magkakamay kami", pagsang-ayon ni Athrun. Pagtingin nila dun sa lalagyan, meron na uling mga kutsyara at tinidor. Kumuha silang dalawa at nagsimula na silang kumain. Tahimik lamang sila habang kumakain (gutom?).

Pagkatapos nilang kumain, nagtungo silang apat sa Physical Science building. Nakuha na rin nila sa wakas yung classcard nila. Pagkatapos, nagpunta naman sila sa isa pang building. Nagkataon naman na magkatabi yung Department of Social Sciences(DSS) at Department of Humanities(DHum).

Sa DSS kasi ang punta ni Heine, sa DHum naman ung tatlo. Pagkakuha ni Cagalli ng classcards, nagpunta na siya labas at doon na naghintay. Lumabas narin si Athrun na may hawak na dalawang libro.

"Ano yan?", tanong ni Cagalli habang nakatingin dun sa mga libro.

"Pinapabalik nung Prof ko dun sa library", sagot nito sabay kamot sa ulo nya. Tumawa naman si Cagalli.

"Sige, ibabalik ko lang ito. Antayin nyo ako", sabi ni Athrun

"Okay", sagot naman ni Cagalli at nagtungo na si Athrun sa lib. Maya maya lamang ay lumabas na rin sina Miriallia at Heine. Naupo sila sa dalawang benches sa labas. Magkasama sa isang bench sina Miriallia at Heine. Naka-Indian seat naman si Cagalli dun sa kabila. Biglang napadaan sina Stellar sa harap nila.

"Pauwi na kayo?", tanong ni Cagalli.

"Mamaya pa pong mga alas tres", sagot ni Stellar.

"Ah sige. Ingat nalang", tugon ni Cagalli at nagpatuloy na sa paglalakad yung tatlo.

"Bakit may 'po'?", tanong ni Miriallia nang makaalis na sila.

"Hayskul palang yung mga yun", sagot nya.

Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik na si Athrun sa grupo at naupo sa tabi ni Cagalli.

"Nagkakadevelopan na yung dalawa oh!", komento ni Cagalli sabay turo kina Miriallia at Heine na masayang nag-uusap.

"Hindi ko alam na close pala sila", dagdag pa ni Cagalli. Tila hindi nakikinig si Athrun sa kanyang sinasabi. Nakatingin lang ito sa kanya.

"Hoy, May problema ka ba?", sabi ni Cagalli na nagdala kay Athrun sa realidad.

"Huh? Wala. Ang cute mo pala", sabi ni Athrun. Hindi mapigilan ni Cagalli na mag-blush dahil dun sa sinabi nya.

"Adik", sabi ni Cagalli na hindi makatingin sa kanya.

"Totoo naman sinabi ko", depensa ni Athrun sa kanyang sarili.

"Bangag!".

"Hoy tara na! Kakaunin natin si Dearka. Manlilibre daw!", biglang tawag ni Heine. Nagsitayo na silang apat at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Dearka. Magkatabi sa paglalakad sina Athrun at Cagalli. Nasa unahan nila sina Heine at Miriallia na masaya paring nag-uusap.

"Mommy is flirting!", biro ni Cagalli.

"Uy", lang ang nasabi ni Miriallia.

"This is how to flirt", sabi ni Athrun sabay hila kay Cagalli papalapit sa kanya. Nasa baywang na ni Cagalli ang kamay nya. Pulang pula naman ang pisngi ni Cagalli dahil sa ginawa ni Athrun.

"Now, who's flirting?", panunukso ni Miriallia.

"Si Athrun lang nuh", sagot ni Cagalli at nagtawanan ang buong grupo.

"Naku! Nakalimutan ko. May pupuntahan pa pala ako. Mauna na ko sa inyo", paalam ni Miriallia.

"Ingat ka", sabi naman ni Cagalli at umalis na nga sya. Nagpunta na rin sila sa kinaroroonan ni Dearka. Habang nag-uusap si Dearka at Heine, hinila ni Athrun si Cagalli sa medyo tagong lugar.

"Bakit tayo nandito?", tanong ni Cagalli.

"Gusto ko lang itanong kung bakit kayo magkasama ni Heine kanina", sabi ni Athrun na para medyo irita.

"Ah... Pareho kaming taga-Januarius", sagot ng dalaga.

"So, sabay kayong uuwi?", tanong pa nya. Nagtaas ng kilay si Cagalli.

"Natural!", sagot nya.

"Ihahatid nalang kita sa inyo", mungkahi ni Athrun na parang pautos.

"Anong problema mo?", sagot na tanong ni Cagalli.

"Wala naman. Hindi ko lang gusto na lagi kayong magkasama. Sa totoo lang kanina pa akong asiwa sa kanya", sabi ni Athrun.

"Luko luko! Kaklase ko nung hayskul si Heine kaya medyo close kami at ano naman kung madalas kaming magkasama? Magkaibigan naman kami", sagot ni Cagalli.

"Mag-kaibigan o magka-ibigan?", tanong ni Athrun na parang galit.

"Nagseselos ka ba?", bigla namang itinanong ni Cagalli.

"Oo, nagseselos ako! Madami kayong subjects na magkasama. Eh tayo, iisa lang! Matagal na kitang gusto Cagalli, hindi ko lang masabi kasi nauunahan ako ng takot", sabi ni Athrun at hindi makatingin sa kanya.

"Ta... Takot? Mukha ba akong nangangain ng tao?", sigaw ni Cagalli.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin! Natatakot ako na mareject".

"Si Heine pa talaga pinagselosan mo, eh bakla naman yun", sabi ni Cagalli sabay tawa.

"Sinong bakla?", sabi ng isang boses na nagmula sa likod ni Cagalli. Dahan dahang humarap sa likod si Cagalli upang makita ang nakakatakot ng mukha ni Heine.

"Sabi ko bakla ako", sabi ni Cagalli at dahan dahang umatras.

"Patay ka sa kin", sabi ni Heine. Tumakbo naman papunta sa likuran ni Athrun si Cagalli at pilit ni itinatago ang sarili mula kay Heine.

"Pare, mawalang galang na pero nag-uusap pa kami", sabi ni Athrun. Biglang bumalik ang maamong mukha ni Heine.

"Ah okay, basta ikaw Athrun", sabi nya sabay kindat kay Athrun. Natigilan naman si Athrun. Hindi makapaniwala sa natuklasan nya.

"Eeeewww", biglang sinabi ni Cagalli nang makaalis na si Heine.

"Hindi ako makapaniwalang pinagselosan ko ang baklang yun", sabi ni Athrun sabay tungo at tinakpan ang mukha gamit ang isang kamay.

"Sabi ko naman sayo bakla yun".

"So pa'no, tayo na?", tanong ni Athrun sabay kuha ng kanyang mga kamay. Namula na naman si Cagalli.

"Huh? Ano kasi, akala ko bakla ka rin", sagot ni Cagalli. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Athrun. Ayaw na ayaw pa man din nya na tinatawag syang bakla. Kumaripas ng takbo si Cagalli at hinabol sya ni Athrun.

"Nagbibiro lang naman ako eh!", hiyaw ni Cagalli habang tumakbo.