Pagtatanggi: Hindi ko pag-aari ang Naruto pero sana me extension ang Studio Pierrot ditto sa Pinas (Tulad ng Toei) para asang maka-leech ng info sa mga series in advance, hihihi. At sana matapos na ang 'sa dulo ng walang hanggang' fillers. Eto nga at panay manga na lang ang binabasa ko. (hindi po ung prutas. Ahem.) At madalang lang po akong manuod ng Naruto sa TV, panay subtitle lang po ang pinapanuod ko. (oo, maarte ako alam ko) So hindi ko alam ang tawagan nila sa tagalog. Pero kahit na, maganda ang pagkakadub ng Tagalized version. Magaling kase mag-dub ang mga taga-Dos eh. (snerk). Walang binatbat ang English dub, muharhar.
Babala: Me tiwang sa utak ang may-akda ng istoryang ito. Kayo ay nababalaan. At minalas pa na nagbabasa din ng Yaoi at Shounen-ai. Haha. Pero kahit hindi ka mihilig sa mga ganun, patulan mo na rin 'to. Wala lang, aliwan lang pow. Mueheheh.
Niloloob ng Awtor: Opo. At kalimutan po natin muna ang txt spellng. Magpapanggap muna ako na isang magaling na manunulat ng maikling kwento tulad ng aking sinasambang si Kerima Polotan-Tuvera. (Tama ba ang spelling?) Hohoho.
Tama ba? emeralde o
emeraldas? Oo
Ano nga ba ung tagalog
ng shrub?
Ano ba, gusto lang naming makaganti ni Sakura kay Ino ah? Eh anu ngayon kung masyadong immature yung ginagawa niya? Hindi siya isip-bata noh. Never. No way. Plastic oo. Pero at least aminado siya.
Hindi tulad ng isa jan! (lingon kay Sasuke). Hmph. (ismid)
Magtanggi ay di Biro
veiledlantern
-Unang Parte-
Sa ikasampung pagkakataon ay napabuntong-hininga si Sasuke. Kasalukuyan siyang nakapangalumbaba sa may balkonahe ng kanyang tinitirahan. Biente singko anyos na siya. May sapat na ipon, binata at may magandang disposisyon. Tapos na ang kapanahunan niya bilang isang moody at sumpungin na tinedyer. At dahil duon hindi rin maiwasang magtanong ang mga nakatatandang ninja kung kailan niya bubuhayin ang angkan ng mga Uchiha. At siyempre, hindi rin mawawala ang maraming babae na humahabol sa kanya.
At bakit nga ba wala pa siyang kasintahan hanggang ngayon? Hindi rin alam ng mga babaeng sumasamba sa kanya. Inisip din nya iyon ngunit pag dumarating na ang kanyang pagmumuni-muni sa isang partikular na parte sa bagay na iyon, (basahin:sino nga ba talaga ang gusto niya?) dali-dali niyang iniiba ang daloy ng isipan at maghahanap ng ibang paksa na pag-aaralan.
Tulad ng mga jutsu at espada. Oo, maganda iyon. Tama. Mas interesante ang pakikipaglaban. Nakakabuhay ng dugo. Nakakagising ng kalamnan. Lalo na kapag malakas ang kalaban.
Pero mas maganda kapag ang kalaban na iyon ay moreno, maganda ang katawan at nagiging pula ang dating asul na mata…
Hinto.
Pinukulan ni Sasuke ng matalim na tingin ang hangin sa harapan niya habang nagngangalit ang ipin.
/Bakit ba laging napupunta ang isipan ko sa bagay na iyon? Kahit pumuti pa ang uwak at tubuan ng buhok si Wally (Eat Bulaga) hindi magkakatotoo 'yon!/
Anu nga ba ang bagay na iyon?
Ang siste, wala kasi sa babae ang problema.
O kaya naman, hindi naman talaga babae ang problema.
Nagpatuloy sa pagsimangot si Sasuke at sa malalim na iniisip (at pinoproblema) nito, hindi niya agad napansin ang gumagalaw na mga halaman sa hardin ng kapitbahay niya.
"Ano ba Ino, baka marinig tayo!" pabulong na ani ng isang babae na may mala-emeraldeng mata na halos hindi na maturing sa mga kalapit na mga dahon na nagtatago sa mukha ng may-ari nito..
"Tumigal ka diyan Singko, baka nga sa kintab ng noo mo makita nila tayo ay mapansin yang panginginang ng noo mo." Ang ganti ng isang babaeng may mala-mais na buhok habang nakatuwad din sa pagitan ng mga maliliit na puno.
"Tse, manahimik ka! Baka nga sa kalaparan mo makita nila tayo dito eh!" Pinalo ni Sakura ang balakang ni Ino.
"Hoy para sabihin ko sayo, hindi ako mataba. Sobrang seksi yata nitoh!" Umakmang tumayo si Ino para mamaywang at ipagmalaki ang kanyang magandang pigura ngunit bigla siyang hinablot ni Sakura pababa. Habang bumubulong ito sa pagitan ng kanyang mga ipin sa takot na marinig ng iniirog nilang ninja.
"Shhh!! Baka mabisto tayo sa kaartehan mo, ano ba tama na!" Inayos ni Sakura ang pagkakayuko niya sa mga maliliit na halamanan.
"Aray ko, anu ba! Magdahan-dahan ka nga babaeng Hercules" Ang simangot ni Ino habang hinahaplos ang namulang braso sa pagkakahigit ni Sakura kanina.
"Huu Ang arte naman nito, kung alam ko lang nagbebelly dancing ka sa loob ng mga utak ng tao eh!" Ang sabi ng katabi habang umiikot ang mata paitaas ng langit at nakataas ang kaliwang kilay.
Halos makalimutan na ni Ino ang misyon nila ni Sakura nang marinig ang pang-aalaska ng babae na may mala-paliparan ng eroplano ang noo sa jutsu ng kanyang angkan. Nagtaas siya ng boses.
"HOY! Para sabihin ko sa'yo ang jutsu ng pamilya naming ay…"
"Shhh!!" Ang saway ni Sakura. "Tama na at baka may makaki…"
"HOY INO,! SAKURA-CHAN! Anung ginagawa nyo dito?"
"Ahhhhhhhhhh!" Dali-daling gumapang palabas ng halamanan ang dalawa kipkip ang kanilang mga dibdib. Animoy mamamatay sa sakit sa puso sa pagkagulat. Humarap sila sa likuran upang tingnan kung sino ang dyaskeng nilalang na gumulat sa kanila.
Dilaw itim at ponkan. Este orange. Tingin sa jacket. Hindi ponkan na lang.
"NARUTO!" Ang sabay nilang bulalas na may halong pagkainis. Halos sakalin na nila ang makulit na ninja nang marinig nilang tumayo si Sasuke mula sa kanyang kinauupuan.
"Mga stoker" Pabulong nitong sabi habang lumalayo sa kanila..
Samantalang ang kulugo na hindi na kulugo ngayon ay kasalukuyang nagkakamot ng ulo habang nakasara ang mga mata na animoy mapaglarong lobo.
"Anu ba, Sakura-chan… diba gelpren na kita? Bakit naman hanggang ngayon ay hinahabol nyo parin ang walang kwentang si Sasuke?" Ang pabirong banat nito.
"Ahh! Wala ka nang pakialam dun Naruto!" Ang sambulat ni Sakura. "At hindi mo'ko girlfriend!" pagalit niyang sinabi. Humakbang papalayo ng kaunti si Naruto. Mahirap nang magalit ang she-hulk.
Tinitigan siya ng masama ni Ino. Napalunok si Naruto sa kung anu mang hindi kanais-nais na bagay ang iniisip ng iritableng na babae. "Sinira mo ang plano namin. Kailangan mong magbayad!" Ang sabi nito na nagngangalit ang ngipin. At bigla na lamang nagbago ang expresyon ng kanyang mukha. Tila mayroon naisip na ideya ang dilag.
/Hindi maganda 'to…/ Ang isip-isip niya.
-
itutuloy...
Oh ano, kelangan pa ba natin ng diksyunaryong tagalog? Anu ba ung masyadong malalim jan? lalagyan ko ng ibig sabihin. Tukuyin nyo na lang kung ano.
-------
