Kasi Naman Eh!
Ni: kibitzer
Hindi ko inaangkin ang Captain Tsubasa…
kibitzer: Uy… yung mga noypi dyan, pansinin niyo naman yun gawa ko. Kahit sunugin niyo… at least binuntungan niyo pa ng oras niyo… di ba? Nakikiusap na 'tong mahirap na ito…
Sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa dinami-rami ng gwapo sa bawat kanto, hindi niya mapagtanto kung bakit ba adik na adik yung mga titili-tili nyang kaklase dun sa dugyuting manlalaro na iyon.
Hindi naman sa hindi niya nakikita ang lantad na lantad na talento nito, pero please naman, huwag naman sana bundatin yung ego niya. Hala, masyado na yatang maraming malalaki ang ulo dito ha!
Oo nga pala… pasensya na. Ang pangalan pala ng babaeng itong naghihinaing ay Sanae Nakazawa. Matalino. Maganda. Palakaibigan. Mayroon din siyang mga manliligaw, and pagkakaiba nga lang, hindi na niya sila pinapaasa, di kagaya ng iba diyan na nilalamon yung atensyong binibigay sa kanya. Gusto niyang makatapos. Mamaya na muna ang pag-ibig. True love waits, ika nga. Ayaw niyang i-sacrifice yung career niya para sa isang lalaking uutal-utal.
Hinintay niya muna na lumabas ng kwarto ang lalakeng sinasabi niya kanina. Siyanga pala, ang pangalan niya ay Ozora Tsubasa. Siguro naman ay kilala niyo siya. Gwapo. Talentado. At saksakan ng estupido. Well, hindi naman sa gayon… yun nga lang, minsan, hindi niya alam yung epektong ginagawa niya sa mga tao.
Katulad na lang kay Sanae, na sa tuwing dadaan man lang siya, kahit paulit-ulit na niyang pinagagalitan ang kanyang mapaglarong puso, hindi pa rin niya mapigil ang pagbilis ng tibok, and biglang paglakas ng agos ng kanyang dugo, at ang pagpigil ng kanyang hininga.
Dahil sa ayaw man niya o sa hindi, mahal na niya si Tsubasa.
Pero magkakamatayan muna si Tom at Jerry bago niya aaminin iyon. Paano ba naman kasi, sa lahat ng pwedeng magawang kagaguhan, pinili niyang itulak ang sinabing binata at isumpa, sa gitna ng buong eskwelahan, na kahit kailan man, hindi ito karapat-dapat kahit kaninuman sa mga kababaihan.
Needless to say, ang mumunting dulang ito ay nagbigay ng bagong rason sa mga titili-tili niyang kaklase para taasan siya ng kilay sa tuwing magkakasabay sila sa pagkuha at pagbalik ng mga libro. Add to the fact that the greatest man that ever walked the face of the earth had asked her —her, of all people— to be his girl.
Ang pride nga naman, maraming nagagawa.
Nang makalabas na siya ng kwarto, magulo pa rin ang buhok at dala dala ang kanyang soccer ball, saka inatupag ni Sanae ang pagaayos ng kanyang mga gamit. Nagsialisan na rin yung mga malditang madalas niyang nakikitang pinapraktis ang pag-ikot ng mga mata. Para lang ibuntong yung galit nila sa kanya. Sa totoo lang, flattered siya, pero di pa ba sila napapagod? Tatlo't kalahating taon na ha…
Sa gitna nito, biglang napaupo si Sanake Nakazawa. Napabuntong-hininga. Sino bang niloloko niya? Dapat siguro ay aminin na niya. Matagal na masyado… malala na. Hindi na niya kaya.
Tiniklop niya ang mga kamay, tsaka isinandal and kanyang noo para maitago ang kanyang mukha… ang kanyang mga mata.
Sunud-sunod nang tumulo ang kanyang mga luha.
kibitzer: Ano… walang kwenta ba? Dapat na bang tapakan at sagasagasaan sa kalsada? Kayo humusga! Rebyu!!!
