Title: Bakit, Sasuke?
Genre: Humor
Category: Anime: Naruto
Rating: K
Language: Filipino
Summary: Converted na si Sasuke, ano ang reaction ni Sakura? Warning: Spoilers included. May paninira kay Uchiha Sasuke.
A/N: May konting paninira kay Sasuke, patawarin niyo na po kami! Binabalaan ko po kayo!Nagbabalik si Redzin, pagkalipas ng kabangagan sa ilalim ng buhangin ni Gaara. wahahahah.
Sa office ni Tsunade…
"Hokage, may problema po tayo" sinabi ni Kakashi. "Seryoso po" kanya pang dinagdag.
"Ano iyon?" pataka namang tinanong ni Tsunade.
"Nagdadalaga po ang estudyante ko" sagot ng Jounin.
"Hindi iyan prinoproblema" nakangiting binalik ni Tsunade sabay lagay ng kamay sa balikat ni Kakashi.
"Hokage, si Sasuke po ang estudyanteng tinutukoy ko"
Nagulat ang lahat ng nasa opisina, lahat ng Jounin, si Anko, si Tsunade, si Shizune, si Genma at ang iba pang ninja na nasa loob.
"Alam ko pong mahirap paniwalaan pero totoo"
"Pano mo naman nasabi iyan?" sinabi nila na gulat at halos sabay-sabay.
Si Kakashi na bahala sa reaction nila, pero ano naman kaya ang reaction ni Sakura?
Si Sakura ang unang nakaalam kaya siya ang naapektuhan ng napakalaki, siya ay nasa may Fire Country Stadium…
"Bakit, Sasuke?" paulit-ulit na tinatanong ng sarili.
Sa madilim na paligid siya'y nag-iisa, nakahawak sa tanging bagay na makakapagpaalis ng kanyang sama ng loob: Ang Magic Sing Microphone.
Oy, si Sasuke, ang gusto, lalake?
Oy, si Sasuke, ang gusto, lalake?
Nagsimula ang musika
Bakit, bakit? Sasuke, Sasuke?
Bakit, bakit? Sasuke, Sasuke?
Sasuke, diba labs na labs kita
Sayang sige, baka magsisi ka, gwapo, macho, marami dyang iba, galante, mapera may Honda Civic pa
Si Rock Lee, noon pa, may gusto siya sa akin
Si Shino at Kiba mukhang may pagtingin
Si Sir Kakashi nag-offer ng house & lot sa akin
O jokla, meron ka ba niyan?
Bakit Sasuke, tinago mo pa
Na isa kang ganap na shokla
Pink talaga ang true color mo
Si Diego pa ang idol mo(NO!)
Ang yabang mo na suplado ka pa
Dedma ka sa fangirls mo diyan
Pero nung nakakita ng guy
Huli kitang bumibigay(AYAY!)
O bakit, bakit, Sasuke, Sasuke?
O bakit, bakit, Sasuke, Sasuke?
Sasuke, diba labs na labs kita
Sayang, sige baka magsisi ka, gwapo, henyo, marami diyang iba, galante, mapera, may bloodline limit pa
Kahapon kadate ko, si Nara Shikamaru
Nililigawan pa, ako ni Hyuuga Neji
Si Gaara, inoffer buong Suna sa akin! (Gaara: Special offer dahil kasali ako.)
O, ano say mo diyan bakla?
Bakit Sasuke, sumisimple ka pa
Hoy jokla ka, matsutsugi kita
Lalakad ka lang, kekembot ka pa
Sa boys kumikindat ka pa(Da EWW)
Dati-rati guy na guy ka
Ngayon sa pagkagirl talbog mo pa 'ko
Klarong-klaro, alam ko bakit
Ang gusto mo ay si Kulugo! (YUCK!)
Disclaimer: Ang kantang "Bakit, Papa?" ay hindi ko pagmamay-ari, binago-bago lang namin ang kantang iyan ng SexBomb Dancers. Hindi rin namin pagmamay-ari ang Naruto, hindi naman kami galing sa Japan at hindi kami Hapon.
A/N: Ang songfic na ito ay inspired ng:
Bakit Kaede? ni dark-archangel
Why, Hana? ni ZenQuin
Pasensya na sa paninira namin kay Sasuke, napagtripan lang naman.
…
At dahil hindi na nagsusulat si Redzin, ang tanging nagsusulat na lang para sa kanya ay ako! Ang kanyang kaluluwa! Bagong account ko na po ito,un lang!
