BADING

Loves talaga ni Sakura ang boyfriend niya. Abot abot langit pa ang nararamdaman niya. Labas sila dito , masyal sila dito. Magkasama sila kahit saan.

" Tingnan mo naman Sakura , gustong gusto ko ang ganyang klaseng damit ng isang suot ng lalake na yun ", Sabi ng boyfriend ni Sakura na si Sasuke.

" Aaahhh ", Ang sagot naman ni Sakura. Naglalakad sila sa isang sikat na mall. Sasuke , napuna niya ang damit na suot ng lalake na talagang nangangarap na niyang kunin at bilhin pa ito. "Bakit hindi ka na lang bumili ", sabi ng girlfriend ni Sasuke na si Sakura na napapansin niyang kanina pa siyang naglalaway sa damit ng lalakeng tinititigan niya.

"Saka na , ", Sagot naman ng boyfriend niya. " Kapag may pera na.."

2nd day ng date nila…

Sa JOLLIBEE ng isang mall , umorder sila ng pagkain.

" Grabe! ", Pauna ni Sasuke kay Sakura. " May balita balita na may nag kaka crush sa akin , tsk , tsk ", Payabang niya.

" Okay lang yun basta huwag ka lang landian ng mga babae ha..? ", Sabi ni Sakura sa kanya na may halong pagseselos.

" Babae ba kamo…??? ", Sagot ni Sasuke. " Lalake ang nagkaka crush sa akin! ",

" Bading pala?- "

" Hayaan mo , Ikaw pa rin ang mahal ko e ", Sagot ni Sasuke.

" Ganun ba? ", Sabi ni Sakura. " Salamat "

" Grabe! ", Kwento ni Sasuke. " Nag-aaral pa naman siya sa lasalle. Gwapo pa. Ang rami rami pa nagkakagusto duon. Hindi ko nga malaman kung bakit ako pa ang nagustuhan nun e-"

" O siya , tama na poh ang kwento ", Ang irita sabi ni Sakura…

3rd day ng date nila…

Sa iisang mall uli , habang namamasyal sila sa mall , Si Sakura at si Sasuke ay nasalubong nila ang old friend ni Sasuke na pangalan ay Naruto.

" Brod! Kamusta?! ", Old friend ni Sasuke na pangalan niya ay Naruto.

" Mabuti naman ! ", Sagot ni Sasuke pagkatapos , ipinakilala niya ang girlfriend niya kay Naruto. Kwentuhan ang dalawang magka old friend na halos out of place na si Sakura. Irita na si Sakura at pagkatapos ng mahabang oras na pagkukwento ng dalawang magka old friend habang naglalakad , kumakain sa mall , huminga ng maluwag ang girlfriend ni Sasuke na si Sakura na sa wakas natapos na rin mag-usap ang dalawang magka old friend.

" Sakura ", Sabi ni Sasuke kay Sakura, girlfriend niya. Tinititigan niya ang damit ni Naruto. Gandang ganda siya. " gusting gusto ko talaga yung ganyang klaseng damit. Sana makabili ako niyan "

" Alam mo " , Sabi naman ni Sakura sa kanya. " Lagi kang nangangarap ng ganitong damit , ganyang damit pero ni minsan , yung pinapangarap mong bilhing damit , hindi mo naman nabibili…!! Bumili ka ng katulad kay Naruto kung halos naglalaway ka na dahil lang sa damit na inaasam asam mo…!! Para kang bading kung tumitig dahil lang diyan sa damit na yan…!! "

" E bading naman talaga ako e !! ", Sagot ni Sasuke. " Sinasabi ko na maganda ang damit ng iisang lalake na nakikita ko kase ayaw ko na mapaghalata na bading ako , gets mo???!!! "