Irritated Love
Unang beses ko lang ito subukan gumawa ng Naruto fic,
Sana magustuhan niyo…
Salamat sa pagbabasa.
OOOOOOOOOOOOOO
Isang araw sa lugar ng Konoha, nagsasanay sina Sakura, Sasuke at Naruto sa gubat. Bigla na lang dumating si Sir Gai doon at umamin kay Sakura na gusto niya siya.
"Ang KADIRI mo para magustuhan kita!" sigaw ni Sakura kay Sir Gai. Dahil sa sinabi ni Sakura kagad lumuhod si Sir Gai sa harapan niya.
"Pakasalan mo ko at sigurado liligaya ka." Sabi ni Sir Gai may bulaklak pa siya dala.
Natutunganga lang si Sakura sa mga sinabi ni Sir Gai sa kanya. Halos hindi na makatingin si Sasuke sa kanila dalawa. Si Naruto naman biglang sumugod sa harap niya at sinigawan siya harap-harapan sa mukha pati rin laway tumalsik din sa mukha ni Sir Gai.
"ANG KAPAL MO!"
Napatingin lang si Sir Gai kay Naruto.
"Ang kapal mo talaga kasing KAPAL mo na ang pagmumukha mo!" sabay tinuro ni Naruto ang pagmumukha niya. Kagad ito hinampas ni Sir Gai ang kaliwang kamay niya at ginawa niya yun nice guy pose.
"Talsikan mo ako ng laway sa makinis kong mukha…" mahinahon na pagka-wika ni Sir Gai. "Mas makapal ka."
Tumahimik ang buong kapaligiran….
"ASUNGOT KA! "
Masisipa na sana ni Naruto si Sir Gai biglang na lang dumating si Lee at hinarangan si Naruto.
"Ano sa tingin ginagawa mo kay Sir Gai?" tanong ni Lee sa kanya. "Umalis lang ako para magsanay."
"ANO PAKIALAM KO SA PAGSASANAY MO?" sinigawan ni Naruto si Lee.
"Umalis ka dyan, para masipa ko palabas ng konoha ang teacher mo."
"Ayaw ko nga, kulogo." Humarap siya sa kanya at nilabas ang dila.
"HOY, KAPAL KILAY!" huminga ng malalim si Naruto. "GUSTO MO BA MAMATAY?"
Habang nagbabarahan si Lee at Naruto, dun sa may ilalim ng sakura tree si Sakura at Sasuke nakatingin lang sa kanila. Nang napansin ni Sir Gai nakatabi pala ni Sakura ang first love niya kagad siya umubo para signaling na tumigil si Lee at lumapit sa kanya.
"HINDI PA KO TAPOS SAYO, KAPAL KILAY!" hinabol ni Naruto si kapal kilay na palapit sa teacher niya kagad ito lumingon at ngumiti siya na payabang.
"Konoha-senpu."
Idinapa ni Lee si Naruto at nadulas siya papunta sa puno at nauntog ang ulo niya.
"Sira-ulo na yata mga ito." wika ni Sasuke. "Maka-uwi na nga."
Uuwi na sana si Sasuke kagad lang siya pinigilan ni Sakura at inutusan na tulungan muna niya maka-uwi si Naruto bago pa siya umuwi.
Nang-tutulungan na ni Sasuke si Naruto bigla siya pinigilan ni Lee at hinalikan siya sa labi. Halos hindi mo mapinta ang mukha ni Sakura nang makita niya yun. Pagkatapos, sinapak ni Sasuke si Lee sa ulo nang malakas halos kulay pula na ang bukol niya.
"Nice job, Lee!" sigaw ni Sir Gai halos makikita mo na ang ngiti niya sa mga labi niya.
"Nice job pala…." Dumidilim na ang panginin niya habang lumalapit sa kanya.
"Bakit pakakasalan mo na ba ako?" tanong ni Sir Gai. "Let's go!"
Yayakapin na sana ni Sir Gai si Sakura pero meron lumipad na kamao sa pingi niyang kalakas-lakas. Kagad siya lumipad palabas ng Konoha.
"Brisit ka…." Wika ni Sakura.
The End
Maganda ba?
Review.:3
