Just Fall In Love Again

Naroon sya nakatayo sa harap ng old shrine kung saan nakatira ang Oedo Clan. Umalis sya doon may tatlong taon na rin bago ang huling bisita niya. Naalala pa nya ang mga mukha ng kanyang kapatid at kanyang Lolo; gulat na parang nakakita ng multo na may halong pagkasaya.

Kaori: Hai…. Sa wakas nakabalik din…

Pag pasok pa lamang nya lahat ng tao ay nakatingin na sa kanya at sila'y yumuko agad, tanda ng pag galang sa ikatlong henerasyon..

Kaori: Hindi nyo po kailangan.. tsaka isa pa, mas matatanda po kayo sakin.

Matanda: Pero boss po naming kayo.

Kaori: Hindi po ako si ate Kumiko.

Matanda: Pero kapatid po kayo ni boss.

Kaori: Pero po-,

Bigla na lang siya kinalabit sa kanyang likod.

Kaori: Lolo!!

Lolo: Kaori! Maligayang pagbabalik mahal kong apo.

Niyakap ni Kaori ng napakahigpit ang kanyang Lolo. Tuwang- tuwa ang dalawa na pumasok at nag tsa.

Lolo: Kamusta ka na apo ko?

Kaori: Hay naku Lolo, hindi nyo lang alam kung gano kahirap maging isang icon sa ibang bansa. Siguro mas maganda kung mag relax lang muna ako sandali sa Japan. Tsaka gusto ko makapiling si Ate Kumiko. Nga pla, nasaan si ate?

Lolo: Malamang parating nay un ngayon.

Makalipas ang ilang sandali ay bumukas ang pinto at pumasok si Kumiko. Katulad ng dati, nagulat siya ng Makita ang kanyang kapatid.

Kumiko: Kaori?!

Kaori: Ate!!

Masayang nag yakap ang dalawa at nag saya. Ilang oras din silang nagkwentuhan kung bakit bumalik si Kaori, kung kasalukuyang nag tuturo si Kumiko, at kung nabuko na naman siya.

Kumiko: Hindi pa naman…

Lolo: Pero may nakakaalam ng dalawang estudyante nya.

Kaori: Ha?! Baka manganib ka na naman nyan ate?!

Lolo: Wag ka mag alala, nangako yung dalawa na hindi nila sasabihin.

Kumiko: Tska mapagkakatiwalaan sina Yabuki at Odagiri.

Kaori: Sino?!

Kumiko: Basta sila sa yon. Alika na matulog na tayo alam ko pagod ka na.

Haha.. promise ko mas masaya yung mga susunod na chapters… review please!!