A/N: Proud to claim ang unang GianOli sa Filipino! dedicated to icee…who stalks me daw…enjoy!xD
Bes Prens
Oneshot
Isang maligayang halakhak ang nakaabot sa langit, at gumising sa mga naaantok-antok pang diwa ng mga tau-tao sa paligid.
Si Oliver Polanski ay napahandusay sa damo sa ginta ng Luxembourg Park sa Paris kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Giancarlo Tornatore. Ang munting taga-Pransya'y hingal ngunit nakangiti. Kanina lang ay naghabulan ang dalawa na parang bata, sa katuwaan ng mga turista at ibang mga bisita sa lugar.
Naging masaya and buong Sabado nilang magkasama. Malimit lamang magdaan and mga araw kung saan nakakapagsayang sina Oliver at Giancarlo ng oras upang gumimik bilang magkaibigan.
…hindi beyblader, magka-team, artista o anumang titolo kung saan habol-habol sila ng press o naaabala ang kanilang pribasyo.
Naupo ang Italyano sa kanyang tabi sabay tingin sa kanya at tawa.
"Ano na naman yun?" tanong ni Oliver ng pabiro at tumindig habang yakap ang mga tuhod.
"Wala…" sabi ni Giancarlo at minasdan ang malayo, tila nag-iisip ng malalim.
Hindi umalis ang titig ng kababatang Europeo sa mukha ng kanyang kaibigan. Mistulang nag-aalala siya.
"Haay...in love ako..." biglang sabi ng isa at humiga at namangha sa bughaw ng kalawakan.
Napawi ang anumang pumasok sa guniguni ni Oliver at napangiti siya. "Ows? Kanino?"
Mga matang kasing-kulay ng kanilang tinitignan ay lumipat sa masayang ekspresyon ng binatang manluluto.
"Sa'yo," simpleng sabi ni Giancarlo. "Tulungan mo naman ako. Diba best friends tayo?"
Nanlaki ang mga mata ni Oliver at di nakapagsalita.
END…watch out for sequel
A/N: …if I feel like it though, I won't be expecting reviews…basta ba basahin niyo eh…enjoy!xD and ciAo…
